CHAPTER 22

2450 Words
Binuka ko ang aking palad at  nilanghap ang sariwang hangin dito sa Villa Katalina. Kadaratinglang namin. Napaka smooth lang ng aming byahe, hindi ko na nga namalayan na nakarating na pala kami sa aming destinasyon Pinag masdan ko ang paligid, nasa harapan kami ngayon ng isang magarang bahay, marami ding turista ang naglalakad sa paligid. Parang open for all kasi ang villa na ito. Tanaw ko mula rito ang ilog, marami rami din ang nag pipicnic doon.  Maganda nga ang paligid, nakakarelax ang tanawin kaya hindi na ako nag taka kung bakit minamadali kaming ma resolba ang kaso na ito, siguro ay nag dudulot talaga ito ng takot sa mga tao. Bumukas ang gate sa aming harapan, bumungad sa amin ang isang midle aged woman. Nakangiti itong nag bow sa amin. "Magandang umaga po Senorito Charles kanina pa po kayo hinihintay ni Senorito Becket." Magalang na saad ng Ginang. Napahagikhik naman si Tim na nasa aking tabi. Siguro ay natawa siya sa pag tawag ng ginang kay sir na Senorito. Kahit kailan talaga itong babae na ito. "Maraming salamat po ate Gina, kami na po ang bahala sa aming mga gamit. Ipaghanda ninyo na lamang ng makakain ang aking mga kasama." Nakangiting saad ni Sir. Yumuko muna ang Ginang sa amin bago umalis. "Koreano ka ba sir? Bakit yoko ng yoko ang Ginang na iyon sa iyo?" Takang tanong ni Dale. Napa irap naman ako, koreano lang ang may tradition na ganyan? Duhhh. Tumawa naman si Sir sa tanong na iyon ni Dale. "Hindi, naka ugalian lang niya iyon" Tatawa-tawa na saad ni Sir, naglakad na ito papasok kaya sumunod na kami sa kanya. Akala ko pagkapasok namin ng gate ay bubungad na sa amin ang pinto ng bahay ngunit nag ka mali ako dahil pagkapasok namin ay sumalubong sa amin ang samo't-saring klase ng mga bulaklak. Nakahanay ito sa daan kaya napakaganda nito tignan. Klase klaseng kulay ang makikita hanggang sa sa wakas ay nakarating na kami sa harap ng pinto. Hindi naman malayo ang bahay sa gate. mga 10 meters lang naman :) Binuksan na ni Sir ang pintoan, bumungad sa amin ang malawak na sala at nag gagandandahang chandelier. Lumabas galing sa isang pinto ang ginang na sumalubong sa ami, bitbit ang juice at pancakes. "Kumain ho muna kayo bago ko kayo ihatid sa inyong mga kwarto. Pinapasabi ni Senorito John na mamayang pananghalian na daw kayo mag usap usap, mag pahinga daw muna kayo."  Nakangiting saad ng ginang. 'Sige, salamat po ate Gina, tatawagin na lang po kita kapag aakyat na kami." Saad ni Sir, yumuko lamang ang ginang pagkatapos ay bumalik na ito sa hinuha koy kusina. "Ang cool naman dito Sir!" Manghang saad ni Dale "Naku Dale ah! Huwag mong dalhin ang ka ignorantihan mo dito, napa hahalataan ka." Naka ngising saad ni Tim. "Excuse me Timmy na pandak! May villa din kaya kami! Na mamangha lamang ako dahil ang daming tao sa villa na ito. Baka ikaw ang ignorante, hindi mo lang pinapahalata kasi maarte na nga, pandak pa!" Bweltang asar ni Dale. Agad naman na sumama ang mukha ni Tim. Gigil na gigil itong tinignan si Dale, sasabunutan na sana ng kaibigan kong babae si Dale nang pumagitna sa kanila si Ron kaya ang ending, na sobsob ang mukha ni Tim sa dibdib ni Ron at ang kamay nito ay  nakahawak sa bandang tiyan ng lalaki. Natawa naman ako ng mabilis pa sa kidlat na tumalikod si Tim, kinuha niya ang juice na nasa harap at tinungga ito, dumampot rin siya ng pancake at kinain. Umupo siya sa aking tabi na parang walang nangyari, kunawari'y sarap na sarap siya sa kanyang kinakain. Habang si Ron naman ay nakatulala lang, kung hindi pa ito hinila niJin ay mukhang hindi pa ito makakakilos. "HHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAH" Malakas na tawa ko. Epic. Tawang tawa ako sa nasaksihan, napaghahalataan talaga ang dalawa, si Dale ay biglang tumahimik, marahil ay nagulat rin siya sa na saksihan. Asus! May pa love triangle ang grupo namin. Napahinto ako sa aking pagtawa nang ang lahat ng mata nila ay nandito sa akin. Problema ng mga ito? "Okay, enough with your plays kids. Kumain na kayo para makapag pahinga na kayo sa taas." Sinunod naman namin si Sir at kumain nalang ng tahimik. Charles POV Binuksan ko ang pinto na nasa aking harap, pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang mga sari-saring klase ng baril. May pistols, riffles, machine guns, shutguns, revolvers at mayroon ring ibang klase ng weapons katulad ng bow and arrow, katana, shurikens, dagger, mayroon ring arnis, nakasabit ang mga ito sa dingding, isinara ko na ang pinto at pumunta sa isang sulok ng kwarto. Doon, nakita ko ang aking pinsan na nagpupunas ng kanyang paboritong katana. "Kung titignan ang katanang iyan ay parang hindi ito kumitil ng ilang libong tao" Paunang salita ko. Hindi ito tumingin sa akin ngunit ngumisi naman ito. "Watashi wa kono Katana ga hontōni sukidesu, nazenara sore wa karera no kuchi ni ikutsu ka no akuma o tsuremodosukaradesu (Kaya ko nga paborito ang katana na ito, dahil ilang demonyo ang napabalik nito sa kanilang lunnga)" Ngising saad nitogamit ang lengwaheng natutunan sa isang taong panantili sa bansa ng mga hapon.  Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. "Watashi ga saigo ni kono heya ni itta toki, anata no korekushon wa sore hodo ōkiku arimasendeshita. Ima, anata no kabe wa buki de ippaidesu. (Nang huli kong punta sa kwartong ito ay hindi pa ganito karami ang koleksyon mo. Ngayon ay na puno na ang iyong dingding ng mga weapons.)" Saad ko. Umupo na ako sa tapat ng aking pinsan at inobserbahan na lamang ang kanyang ginagawa. "Ogenkidesuka? (Kumusta ka?)" Tanong niya, binaba niya na ang hawak na katana at tiningnan ako ng seryoso. Sumeryoso ang aking mukha at muling na dagdagan ang bigat ng aking dibdib na ilang araw ko nang dinadala. "Solo Lintek non ha ricompensa. Una volta scoperto chi è stato il demone a ucciderlo, si aspetterà che quella persona affronti il suo padrone satana! (Lintek lang ang walang ganti. Oras na malaman ko kung sino ang demonyong pumatay sa kanya, aasahan niyang makakaharap ng taong iyon ang panginoon niyang si satanas!)" Gigil na saad ko gamit ang lenggwaheng kinalakihan ko, italian. Maghintay ka lang Sam, bibigyang hustisya ko ang ginawa nilang ka hayopan sa iyo. Jel's POV Tahimik kaming kumakain, kasama namin ang pinsa ni Sir Bright ngayon. Tumikhim ito at nag salita. "Sa tingin ko naman ay na sabihan na kayo ni Charles kung tungkol saan ang kaso na ito. As the owner of this Villa, I don't want this incedent to happen again, hanggang ngayon ay hindi pa rin ma tukoy ng mga pulis kung sino ang salarin sa pagpatay sa dalawang dalaga. Bibigyan ko kay ng mapa sa buong Villa, pasensya na kung hindi ko na kayo masasamahan sa pag iimbistiga ninyo. Bilang mga trainees ng Hamton Agency ay inaasahan kong mareresulba ninyo ang kasong ito by tommorow. Na ibigay naman na siguro ni Charles ang mg impoermasyon na kakailanganin ninyo sa imbistigasyong ito." Mahabang saad ni Kuya John. "Don't worry kuya, expect us to solve this case by tomorrow, we will not disappoint you." Nakangiting saad ko. Tumango naman ito sa akin. Time check: 1:07pm "Mag hihiwa-hiwalay tayong anim para mas mapadali ang ating imbistigasyon. Ron, check all CCTV's in this area that night and kapag may nakita kang ka hinahinala, e background check mo ka agad. Timmy and and Dale mag tanong tanong kayo sa mga nakasama ng biktima bago sila natagpoang patay, Kaming talo ni Xian at Jin ay mag tataanong rin sa mga kalapit bahay dito sa ilog. Na lagay na lahat ni Ron sa infolens ninyo ang mapa at mga taong kilangan ninyong imbistigahan. Balik tayo sa bahay around 6pm to discuss our next step." Paliwanag ko sa kanila. Tumango silang lahat sa akin at nag handa na sa pag alis.  Nakikinig lamang si Sir Bright sa amin. Nang pa alis na kami ay may binigay sa amin ang aming guro na isang ballpen. Kapag pinindot daw ang button ng ballpen na ito ay lalabas ang matulis na blade nito, para siyang nagiging dagger na maliit. For self defense daw. Tinanggap namin iyon at umalis na.  "Sino ang uunahin natin?" Tanong ni Jin sa akin.  "Neighborhood suspects" Saad ko. Lumitaw naman ang mga mukha at pangalan ng mga suspect namin. Hmmm tatlo lang pala ang malapit na bahay sa ilog.   "Para mas mapadali tayo. Ako na kay Andrea. Jin kay Johnson ka habang ikaw naman Xian ay kay Dave. Magkita kita nalang tayo mamaya." Paliwanag ko sa kanila. Tinanguan naman nila ako, nag hiwahiwalay na rin kami. Nasa harapan ako ngayon sa bahay ni Andrea. Inuopahang bahay to be exact. Sa pag kakaalam ko kasi ay ang mga bahay sa villa na ito ay pa upahan lamang. Isang linggo hanggang isang buwan lamang ang pananatili ng mga tao na umuupa sa bahay. Solely for vacation purposses lang talaga ang mga bahay dito.  Naka ilang ulit pa akong nag doorbell bago sa wakas ay binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang nasa mid-50s na babae. Halata ang pagod at puyat sa mukha ng ginang na bumukas ng pinto. Nginitian ko ito bago magalang na nag salita. "Magandang hapon po Ginang, andito po ba si Andrea?" Tanong ko.  "Oo, andirito siya, ano ang kailangan mo sa anak ko?" Tanong niya sa akin. Kinuha ko sa aking bulsa ang isang identification card at ipinakita ko sa kaniya ito. "Isa po ako sa personal investigator ni Mr. Becket Bright. Gusto ko lang po sanang makausap ang iyong anak tungkol sa nangyaring p*****n noong nakaraan, kukunin ko lang po ang kanyang salaysay sa nangyari."  Saad ko.  Alam ko na hindi siya mag dududa sa aking identity dahil bago kami umalis ay inayusan muna kami ni Timmy para mag mukha kaming mga nasa mid-20s. Binigyan din kami ng identification card ni kuya Ket para hindi mag hesitate na mag salita ang aming iimbistigahan. Nakasulat kasi iyon sa penermahan nilang papelis bago sila tumira sa villa. Nakasaad doon na kapag may mga hindi inaasahang bagay ang mangyari sa villa ay kailangan makipag operate ang uupa sa personel ng may ari. "Sige pasok ka hija. Umupo ka muna. tatawagin ko lang ang aking anak." Paalam niya sa akin. Nang umakyat ang ginang ay nag libot libot na muna ako sa paligid.  Unlike sa bahay ni kuya Ket ay mas maliit ang bahay na ito. Simple lang na may pagka modern spanish ang interior design ng bahay na inuukupahan nila. Hindi naman nag tagal ang aking pag hihintay dahil bumaba naman na ang babaeng aking pakay. "Magandang hapon sa iyo Andrea" Bati ko sa kanya. Nakipag kamay ako sa kanya, inaya naman niya akong umupo. Bakas ang stress sa mukha ng babae, mapapansin ang pagiging balisa nito. Parang ilang araw na siyang hindi kumakain dahil sa pagkaputla ng kanyang mukha. "Marahil ay alam mo na ang aking pakay kung bakit ako nandirito. Hinihingi ko na sana ay sagutin mo aking mga katanungan Miss Andrea." Pormal na pahayag ko.  Tumango naman ang babae.  "Ikaw ang nag report ng pag kawala ng iyong mga kaibigan tama? Ngayon, paano mo nalaman na nawawala nga sila? Malay mo, pumunta lang pala sila sa kung saan at hindi lang nakapag paalam sayo." Pahayag ko. Umiling naman ang babae. Nag sisimula na siyang manginig at umiyak kaya hinagod ng kanyang ina ang kanyang likoran. "Nang gabi ng aming graduation party ay sobrang na lasing kaming tatlo, hindi ko na ma alala ang mga pangyayari dahil sa kalasingan at pagka hilo, nang magising ako kinatanghalian ay wala na ang aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung paano ako naka uwi at hindi ko alam kung nasaan silang dalawa. Noong una ay hindi ko lamang pinansin dahil baka umalis nga lang ang dalawa saglit. Ngunit gabi na ay hindi pa rin sila umuuwi, hindi ko rin sila ma contact dalawa. kaya nag report na agad ako sa mga pulis kinaumagahan." Saad niya sa akin. Na mamalibis ang luha sa kanyang mga mata at mararamdaman mo talaga ang sakit na kanyang nararamdaman. Tumango naman ako sa kanya. "Bago kayo malasing ay may napapansin ka bang kakaiba sa iyong paligid? may hindi ba kayo pagkakaunawaan na tatlo? Sino ang mga kasama ninyo sa gabing iyon?" Sunod sunod na tanong ko. Nagulat ako nang lalong humagulhol sa iyak ang babae. "Ang na aalala ko lang sa gabing iyon ay nagkasamaan kami ng loob na tatlo dahil nag away kami ng boyfriend ko kaya gusto ko nang umuwi kaso ayaw naman nila akong samahan kaya nagalit ako sa kanilang dalawa. Ang na aalala ko lang ay pinipilit ko silang umuwi at inaaway sila dahil ayaw nila akong damayan. Hanggang doon lang aking na aalala dahil na lasing na rin ako sa dami ng alak na aking ininom. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana hindi ko na sila inaway at tinawag ng kung ano-ano. Sana ay nandirito pa sila ngayon. Sana ay hindi sila namatay." Umiiyak na saad ni Andrea. Humahagolhol ito sa balikat ng kanyang ina. Maag tatanong na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang babae at dalawang lalaki. Mukha silang galit.  Dumeritso ang apat sa aming dereksyon. Tumayo naman bigla si Andrea nang ma pansin ang mga bagong dating.  "Tita I---PAK!" Nagulat ako ng biglang sinampal ng babae si Andrea. "Kung hindi mo pinilit na sumama sa iyo sa party na iyon ang anak ko ay sana humihinga pa sila ngayon! Napaka wala mong kwentang kaibigan! Pinabayaan mo lang sila na mamatay!" Galit talagang sigaw ng babae.  Pinipigilan naman ito ng lalaking kasama niya, habang ang isang babae ay tahimik lang na nagmamasid, mahinahon man ang mukha nito ay mababakas pa rin na galing ito sa iyak at nasasak tan siya.  Si Andrea naman ay patuloy lang sa pag iyak at pag hingi ng tawad sa mag asawa. Tahimik lang ang ina ni Andrea na naka alalay pa rin sa anak. Sasampalin na sana ulit ng babae  si Andrea ngunit pinigilan ko ang kamay nito. "Mawalang galang na ginang pero hindi mabubuhay ang anak mo sa iyong ginagawa ngayon." Seryosong saad ko.  "Ha! At sino a naman?" Hindi makapaniwang saad nito. Ipinakita ko sa kanya ang aking identification card. "Huwag kayong mag aalala dahil bukas na bukas rin ay ihaharap ko sa inyo ang salarin." Walang ka gatol gatol na pahayag ko. Confident ako na mahuhuli namin ang salarin sa kasong ito. Alam ko na nasa paligid lang ito at natutuwa sa mga pangyayari. Prepare yourself kung sino ka amn dahil sa susunod na pag gising mo ay rehas na ang pintoan ng iyong kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD