CHAPTER 13

2134 Words
Andito pa rin kaming anim sa investigation room. Tahimik at tila sobrang lalim ng iniisip ng bawat isa. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang taong sumusunod sa amin kanina. Pag labas pa lang namin sa club room ay naramdaman ko na ang taong iyon, kaya alam ko kung bakit sinabayan ako mag lakad ng aking kambal, paniguradong nakita o naramdaman niya rin ang presensya ng taong iyon. Akala ko hindi na kami susundan nito nang makarating kamo sa dorm ng mga babae, dahil ang hinala ko ay si Hazel ang pakay nito---O si Hazel nga ba? Ngayon lamang namin naramdaman na may taong sumusunod sa amin kaya I conclude na si Hazel ang sinusundan nito. Speaking of Hazel, kailangan naming malaman kaagad kung sino ang gumagawa nito sa kanya. Ayoko iyong pakiramdam na may sumusunod sa amin. Pakiramdam ko tuloy ay ini istlalk ako. At isa pa, kung mag papatuloy ito, malilimitahan ang pag kilos namin. Tumayo ako mula sa aking pag kaka-upo. Kinuha ko ang marker at nag sulat sa white board. Ramdam ko naman ang tingin ng aking kasamahan. SUSPECTS: Beatrice Peterson Jack Lumina Verlyn Hannah Pag katapos ko itong isulat ay humarap na ako sa kanila. “These are our suspects for Hazel’s stalking case. I want to disseminate you all to investigate each person. Andre---you’re in charge with Beatrice, Timmy---you’re with Hannah, Ivan---Jack, at ako kay Verlyn. While Ace and Ross will investigate Hazel’s room and monitor every person na papasok doon. Let’s beggin our investigation tomorrow. As of now, let’s all sleep muna. I know pagod na kayo.  Huwag ninyo na munang isipin ang taong iyon, saka na natin problemahin ang bagay na iyon kapag na tapos na natin ang kasong ito. At kapag nararamdaman ninyo pa rin na may sumusunod sa inyo pagkatapos nito. Dito malalaman natin sino talaga ang pakay ng taong iyon." I paused and look at them "Hindi madali ang pinasok nating anim, alam ninyo iyan. Kaya sana mag iingat kayo tuwing nag iisa kayo. Wala tayongbibang ma aasahan kundi ang sarili natin at ang isa't-isa." Saad ko. Ngumiti naman sila sa akin at nag thumbs up. Kaya nginitian ko rin sila pa balik. "Sige na, that's it for today. Let's all take a rest in our respective rooms. Dismissed!" I said. Bumuntong hininga ang aking mga kaibigan, tumayo na rin ang mga ito Si Dale ay pilit na lang na kinukulit si Tim para medyo gumaan naman ang atmosphere sa bahay na ito. Alam kong na bobother  sila sa nangyayari. Sino ba naman kasi ang hindi? Eh sinundan kami hanggang dito sa bahay. AT NAKAPASOK SIYA NG GATE! Capslock para intense. Anyway iyon na nga. Dahil nakapasok siya sa gate ng Villa, ibig sabihin ay taga rito siya o may access sa lugar na ito. Interesting huh? Sino naman kaya ang taong ito? Nag effort pa talaga mang stalk sa amin. Lumabas na rin ako ng I.R. at dumeretso na sa kwarto namin ni Timmy. Nakita ko sya na nakaharap sa vanity mirror ay nag susuklay. Titig na titig ito sa salamin na akala mo napaka importanting bagay nito sa buhay nya. Tsk! Tulala ang ate nyo mga sisxzt! “Hoy Timmy, maligo ka na nga, para kang timang riyan” Medyo pa sigaw na saad ko sa kanya. Ngunit deadma lang ang ate ninyo. Malalim nga ata iniisip nito. Hindi pa rin ba maka get over ang isang ito? Sinabing huwag munang osipin iyon ih. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat ngunit sininyasan niya ako na tumigil. Kaya kinunutan ko sya ng noo. Ano na namangbtrip to? Pinitik ko sya sa noo nang natutulala pa rin ito sa salamin. Paran kasi siyang may sapak sa ulo. “Aray! Teka lang kasi Jennie. Hindi mo ba nakikita?” Mas lalong nangunot ang aking noo sa sinabi niya. May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto, dahil baka may multo pa rito ng hindi ko nalalaman. Ngunit wala naman akong nakitang ibang tao rito bukod sa aming dalawa, wala rin akong makitang multo. Pinag loloko talaga ako nito ih “Anong dapat kong makita ba? Wala naman ih. Nako Tim ah? Tigil tigilan mo ako sa kalokohan mo.” Reklamo ko sa kaibigan. Jusmiyo! Nginitian niya ako habang naka tingin sa salamin. Nyayyyy! Ang creepy naman ng bruhang to! Sinapian na ata ng demonyo. “Hindi mo ba nakikita Jel? Mayroong napaka gandang dilag ang nasa harapan mo ngayo---ARAY!” Sigaw niya. Binatokan ko nga! Kung ano-anong pumapasok s ulo ng babaeng ito. Hindi na lang matulog ihh. “Jel ah? Masakit iyon ah! Totoo naman kasi na maganda ako! Ikaw lang naman itong kung ano ano iniisip. Akala mo pa ata may multo rito!" Saad niya sabay pout pa. Tsah! Hindi niya ako ma dadaan sa pagpapacute. Bakit ba kasi multo naisip ko kanina? Bulang ka rin Jel ih. Alam nang may topak kaibigan mo. Tsk tsk tsk.. “Masasaktan ka talaga Timmy kapag hindi ka pa naligo at matulog. Kung ano anong kalokohan pinag sasabi mo ih. Bilisan mo at may pasok pa tayo bukas." Panenermon ko sa kanya Sinimangutan niya ako bago padabog na pumunta sa banyo. Napahalakhak na lang ako sa isip. Hihihihi Bakit pakiramdam ko, nanay niya ako? Hihi Alam ko na isang oras kong maligo iyang si Tim kaya lumabas na muna ako sa kwarto at pumunta ng kusina upang uminom. Dadalhan ko na rin ng tubig ang bruha para hindi na siya bumaba pa mamaya. Na abotan ko si Xian na dumudukwang sa ref na animoy may hinahanap. “Hey! Anong hinahanap mo dyan?” tanong ko sa kanya. Nilingon lang ako nito at pagkatapos ay patuloy pa rin sa pag hahanap. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang kanyang boses. Halos pabulong niya na itong sinabi. “I’m hungry”   Napa hagikhik ako sa narinig. Kaya pala. Nag hahanap ng pagkain ang lolo niyo kaya snob ang ganda ko. Linapitan ko siya at hinila pa punrang lamesa. Pina upo ko muna ito . “Hinndi ka ba nabusog kanina?” Tanong ko habang kumukuha ng limang piraso ng itlog. E boboil ko nalang para mas mabilis. Isininyas ko sa kanya ang itlog at tumango naman ito sa akin. “Hindi” Maikling sagot nito. Hindi na lang ako umimik at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Nang malagay ko na sa pot ang itlog ay umupo na rin ako sa lamesa. OO lamesa talaga, tinabihan ko lang siya. Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay maluto ang itlog. Wala na sana akong balak na mag salita pa nang tanungin niya ako bigla. “What do you think of this case?’ Ngumisi lang ako sa kanya. Ano nga bang tingin ko sa kasong ito? “I’m amazed on how the culprit executed her/his plan” dagdag niya pa na sinang ayonan ko rin naman. Tama siya, napaka smooth ng pag gala niya dahil hibdi man lang siya na halata ng suspect. Lumingon ako sa aking kausap at nag tama ang aming paningin. Para naman akong kinilabutan dahil sa lapit ng aming mga mukha. Nag titigan lang kami, hindi ko alam kong inabot ng minuto bago ko nakita ang kanyang pag ngisi. Tumingin siya sa labi ko at hindi ko ala kung bakit napa tingin rin ako sa labi niya. Magsasalita na sana ulit ito ng biglang pumito ang pot kaya napabalikwas ako ng tayo. Nakakaahiya naman! Baka may muta pa ako sa mata ng hindi ko namamalayan. Bakit ka naman tumingin doon Jel? Nilapitan ko ang pot at kinuha ang mga itlog. Nang nalagay ko na ang mga ito sa malamig na tubig ay binigay ko na ito sa kanya, kumuha na rin ako ng isang pitchel na tubig at dalawang baso. “Ito na ang itlog mo, una na ako sa taas sayo, baka tapos na rin maligo si Timmy. Have a good night sleep Ace” Nginitian ko muna siya bago lisanin ang lugar. Napapangiti nalang ako habang tinatahak ang hagdan. Trip ko lang ngumiti ngayon, ba’t ba? Pagkapasok ko sa kwarto ay saktong pag labas naman ni timmy galing banyo. Nilapag ko lang ang dala kong tubig sa mesa at pagkatapos ay dumeritso na ako sa banyo. TIM’S POV Pansin ko ang aliwalas sa mukha ni Jel pag kapasok niya sa kwarto namin. Pa ngisingisi pa ito habang pupasok sa banyo. Anong nakain ng empaktang yun? Nasobrahan ba sa tubig? Hmmmmmm. Makainom nga rin, at baka gumanda din ang pakiramdam ko. Nababahala kasi talaga ako sa taong sumusunod sa amin kanina. Pero baka stalker ko iyon ano? Hihihi Napalingon ako sa bintana ng linipad ng hangin ang kurtena nito. Doon ko napansin ang isang bulto ng tao na nakasandal sa puno ng park. Naaaninag ko ang kanyang kamay kaya na kita ko ang briefcase na dala dala nito. Hindi ko mawari kong babae ba ito o lalaki dahil sa kapa na suot niya, naka hood rin ito. Nang makikita ko na sana ang kanyang mukha dahil nalaglag ang hood na suot nito, ay bigla na lang natakpan ang bintana ng kurtina. ”Ahh!! Badtrip!” Tili ko. OO tili talaga. Tsk. Sino naman iyon? May dala-dala pa talagang briefcase ah? Baka siya ang sumusunod sa amin? Omooo ang nakakatakot namin this place! Ay ano daw? “Oh! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Bigla-bigla ka nalang tumitili riyan." Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Jel na tinutuyo ang basa niyang buhok. Bakas sa mukha nito ang oagka irita. High blood na naman! Umupo na ako sa aking kama habang tinitingnan ang ginagawa niya.  Tinitigan niya naman ako ng sobrang lagkit. “Hoy Jel ah! Hindi tayo talo! Wag mo akong titigan ng ganyan. Yuckkkkkk! Kahit lab kita hindi pa rin ako papatol sayo” Nanlalaking mata ko pang turo sa kanya habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Mabilis naman akong umiwas ng ibato niya sa akin ang lotion na kanyang hawak hawak. Pikon talaga kahit kailan! Napaka sadista rin ng babaeng ito ih. Nang makita ko ang inis sa kanyang mukha at tinawanan ko lamang ito. Ang sarap talagang inisin ihy. Noong ramdam ko na nagiging true na ang pagka inis niya ay tinaas ko na ang dalawa kong kamay bilang sinyales ng pagsuko. Minsan kasi pinapakita niya sa akin na naiinis siya kahit hindi naman kaya ginigisa ko pa siya lalo, pero kapag tumagal ng ilang minuto na nakabusangot pa rin ang kanyang mukha ay iyon na ang senyalis na tumigil na ako. Nakakatakot siya mainis ihy. Ayokong matulad kay Dale ng minsang nainis siya rito. Binalibag lang naman niya ito! Halos isang linggo rin na hindi ma galaw galaw ni Dale ang kaliwang braso niya dahil doon. Nakakatakot si President swearrrr! Ngingisi ngisi akong humiga sa aking higaan. Kahit ang totoo ay medyo kinakabahan na ako. Medyo lang naman. Hmmm esishare ko na lang sa kanya ang nakita ko, I'm sure mawawala inis niya sa akin. At saka kailangan niya rin naman talagang malaman. "May na kita akong tao sa park" saad ko matapos ng ilang minutong panahimik. Alam kong nakuha ko ang kanyang interes dahil napalingon ito sa akin. "Kapag kalokohan na naman ito Tim. Sinasabi ko sa iyo. May matutulog talaga sa sala ng wala sa oras" seryosong saad niya. Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi. Savage talaga itong kaibigan ko. Paano ko nga ulit naging best friend to? Huhuhu inaalipusta niya ako! Hindi makatarungan! Mag eemote na sana ako nang nakita ko ang titig niya sa akin. Mag kukwento na nga ih. Huhu "Ang seryoso mo talaga Jennieeee." pagmamaktol ko. Ngumiwi siya sa akin kaya kinuwento ko na agad ang nakita ko. Ayokong matulog sa sala. Topakin pa naman ito, baka tutuhanin niya pa. "Kanina kasi habang nakatingin ako sa bintana, may nakita akong tao sa may park. Hindi ko alam kong babae ba ito o lalaki kasi naka hood siya. May dala siyang briefcase at parang may hinihintay" Seryosong saad ko. Hindi ko alam kong sino talaga ang taong iyon, pero napaka unusual naman na may taong mag dadala ng briefcase sa oras na ito. It's almost 12, alam ko hindi iyon studyante dahil curfew na namin ng mga 10pm. Hindi rin ito guro, dahil walang guro na nakakapasok sa Villa na ito, maliban kung nasa visit list ng student. At hindi oras ng pag dalaw ngayon. Kaya ang tanong, Sino iyon? Tumayo si Jel mula sa kanyang kama at lumapit sa bintana. Kunwari ay sinara niya ito at ni lock pero alam kong mabilisan niyang inobserbahan ang labas. Nang makabalik siya ay tinitigan niya ako ng seryoso. "I think there's a transaction happening outside."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD