CHAPTER 37--We're Coming...

1908 Words
Matapos ang mahigit isang oras na byahe sa himpapawid ay bumaba sa chopper ang mag kakaibigang sina Jin, Dale, Tim, Ron at Xian. Sumalubong sa kanila ang mga nag gagandahang mga bulaklak at matatayog na mga puno sa palagid. Nag landing sila sa lugar kung saan sapat lang na maitago nila ang kanilang chopper mula sa mata ng mga kalaban, ng sa ganun rin ay madali silang makatakas mula rito ng hindi ganoong napapansin. Hindi nila alam kong ano ang naka atang sa kanila sa loob ng isla na ito, maaaribg naagay sila sa bingit ng kamatayan ngunit gayun pa man ay handa nilang harapin ito mailigtas lang ang dinukot na kaibigan. "Hang in there princess, we're coming to get you, so until then please be strong." Saad ni Jin sa kanyang isipan habang hinahanda ang nga dadalhin na gamit. Hindi mapigilan ni Tim na kabahan lalo na at first time nilang maka enkwentro ng napakaraming kriminal, upang mawala ang kanyang kaba ay pumunta siya sa harapan at nagsalita. "Guys! I know it may sound OA to you but I'm gonna say it anyway. I don't know kung ano ang mangyayari sa atin sa labas. We may be got injured during the fight, or worse get killed..." Napahinto si Tim sa sasabihin at tiningnan isa isa ang mga kasama. Nakakunot ang mga noo nito na para bang isng napakalaking pagkakamali na sinabi niya ang mga iyon, napangiti na lamang siya sa nakikita. "...if and only if that happens, gusto ko na malamang n'yo na masaya ako, sobrang saya na naging parte ako ng grupo na ito. Not only I found friends, but also I found family. I love you all." Naiiyak na saad ni Tim sa mga kasama. Alam ng mga lalaki na bago ito kay Tim at marahil natatakot lang ito sa maaaring mangyari. Hindi mapigilan ni Dale ang mapayakap sa kaibigan. Sumunod naman abg iba pa. "Walang mamamatay ngayon, mababawi natin si Jel. Trust me" Ngiting saad ni Jin kay Tim na tinanguan lang ng huli sabay ngiti. Nang matapos ang madamdaming eksena na iyon ay bumaba na ang magkakaibigan sa chopper, dala ang determinasyon na makukuha nila angnkaibigan ng walang buhay na malalagas. Nang tuluyan ng nakababa ang lahat ay nag simula na silang lima na mag lakad. Hawak hawak ni Ron ang kanyang tablet na s'yang mag sisilbing gabay nila upang mahanap at mapuntahan kaagad nila ang kinaroroona ng dinukot na kaibigan. “500 Kilometers from here, makikita natin ang isang lumang mansion, sa mansion na iyon nila itinago si Jel.” Imporma ni Ron sa lahat. Nagkatinginan ang lima at tumango ang mga ito sa isa't-isa. Maingat, mapanuri at mapagmatyag nilang tinatahak ang kakahuyan, palingon lingon sila sa paligid at alerto nilang pinapakiramdaman ang lugar. Medyo nahihirapan pa sila sa set-up nila ngayon dahil hindi na sila nasanay sa ganoong paraan ng pag kilos, hindi na ito kagaya ng dati na may gumagabay sa bawat daan na tinatahak nila. Ngayon ay kailangan talaga nilang mag dobleng ingat at kailangan pang mas talasan pa nila ang kanilang pakiramdam dahil wala silang nag sisilbing mata sa mission na iyon. Makalipas ang mahigit kalahating oras na pag lalakad ay natanaw na nila ang isang lumang mansion na tinutukoy ni Ron. Napapalibutan ito ng mga lalaking may bitbit na mga armas. Sa ilang oras na pananatili nila sa isla na iyon ay kapansin pansin na ito lamang ang nag iisang gusali na nakatayo sa islang iyon, dahilan upang hindi na gaanong nahirapan pa si Ron na tukuyin kung nasaan si Jel. “Ron maaari mo bang malaman ang blue print ng lugar na ito at kung ilan ang mga tauhaan na possible nating makasagupa?” Tanong ni Jin habang nagmamasid sa palagid. Agad naman na kinalkal ni Ron ang kanyang tablet na hawak. Ang tablet na kanyang bitbit ngayon ay hindi ordenaryong gadget na binibinta sa mga stores sa loob ng mall. Si Ron mismo ang gumawa ng gadget na iyon, mas enhance at mas pakipakinabang ang imbensyon ng lalaki lalo na sa mga sitwasyong kagaya ng kinakaharap nila ngayon. Maraming kayang gawin ang tablet, sa maikling panahon na ginawa ni Ron ang gadget ay hindi mo masasabing mabilisang pag assemble iyon. Nag pipipindot si Ron ng mga kung ano anong codes sa screen at hindi nga nag tagal ay lumabas ang blueprint ng bahay. “Itong mga red dot ay ang mga kalaban. Ang blue dot na nakikita ninyo ay ang kinaroroonan ni Jel. E sesend ko ito sa inyong mga infolens.” Saad ni Ron. Mabilis na naman itong nag titipa sa kanyang tablet at hindi nga nag tagal ay nakikita na nila sa kanilang harapan ngayon ang blue print na sinasabi ni Ron. “Ang yellow dot ay si Dale, Green si Jin, Black si Xian, Orange si Timmy habang ako ay brown. Makikita rin ninyo dito kung nasaan ang isa’t-isa upang hindi na tayo mahirapan pang mag hanap.” Paliwanag ni Ron na ikinatango lamang ng mga kausap. “Ron? Paano mo nagawang ipakita rito ang ensaktong kinaroroonan ng kalaban? at pati na rin namin?" Nagtatakang tanong ng kaibigang si Timmy. Nagtataka ang babae kong paano ito nalalaman ng kaibigan, paanong alam nito kung sino ang kalaban at sino ang hindi? “May sarili kaming satellite.” Sagot ng kaibigan na parang sa kanyang sinabi ay mauunawaan na dapat ng babae ang kanyang tinutukoy. Na para bang ito ang nag iisa at tamang sagot sa katanungan ni Timmy. Ngunit dahil nga sa hindi naman ganoon ka maalam si Tim pagdating sa mga bagay na alam ng mga kaibigan ay hindi n’ya kaagad na unawaan ang ibig sabihin ni Ron. “So? Kami nga may sariling barko!” Sarkastikong pahayag ni Tim. “Nakakabobo naman ang mga sagotan nito.” Saad pa ni Tim sa kanyang isipan. Napabuntong hininga na lamang si Ron dahil batid niya na na hindi na naman naintindihan ni Tim ang sinabi niyang iyon, “When I said na may sarili kaming satellite, ibig kung sabihin doon ay dahil sa satellite kaya ko nakikita ang tao sa loob ng lumang mansion na iyan. Hindi na mahirap para sa akin na malaman ang bagay na iyon, lalo na at may access ako sa satellite, maskin ang pinaka wanted na tao sa mundo malalaman ko kung nasaan. Kaya ko alam kung sino ang kalaban at hindi, iyon ay dahil sa naka register na info natin sa satellite namin, ininstall ko ito para malaman ko kung nasaan ang bawat isa---well, incase of emergency, kaya I assume na ang mga hindi na recognize ng AI ay mga kalaban. Gets?” Ngiwing pahayag ni Ron. Sa isip n’ya ay kinukwestyon n’ya ang kanyang sarili kung bakit kailangan n’yang magpaliwanag sa babaeng hindi rin naman maiintindihan ang tinutukoy n’ya. “Sana ol may satellite.” Isip-isip ni Timmy, hindi n’ya na lamang sinabi iyon dahil masyadong seryoso ang kanyang mga kasama at baka mapag buntungan pa siya ng mga ito. “Tama na ‘yan. Pag usapan na natin ang ating plano.” Seryosong turan ni Xian. Bumuo sila ng isang bilog at doon nag usap-usap kung ano ang kanilang hakbang na gagawin upang mas mabilis nilang makuha ang kaibigan. “Kaming tatlo ni Xian at Dale ang papasok sa loob. Habang kayo naman Tim at Ron ang mag sisilbing look out namin dito sa labas. E monitor ninyo ang aming galaw at ng mga kalaban. Alam na ninyo ang gagawin. The usual” Pahayag ni Jin sa dalawa, tanging tango lamang ang isinagot nila sa lalaki. Ngayon naman ay humarap si Jin kina Xian at Dale. “Tayong talo naman. Maganda sana kung mag hihiwa-hiwalay tayong tatlo ngunit dahil hindi natin alam kung ano ang kakaharapin natin sa loob ay kailangan nating mag samasama sa paghahanap sa kapatid ko, ng sa ganun rin ay hindi tayo mahihirapan sa pag takas.” Saad ni Jin. Sumang ayon naman ang lahat sa kanyang sinabi. Inilabas na ng magkakaibigan ang dala dala nilang mga  weapon. Si Jin ay may katana na nakasabit sa kanyang likoran, may shuriken na nakasuksuk sa kanyang belt  at  mayroon din itong bitbit na pistols sa magkabilang palad, ganun rin ang mga dala ng iba pang kasamahan nito. Mabuti na lamang at mayroon silang kaalaman sa pag gamit ng mga iyon. Kaya medyo may roon silang lakas na humarap sa mga armadong lalaki. Nang maiayos na nila ang kanilang mga gamit ay agad na umalis ang tatlo habang sina Ron at Tim naman ay nag tago sa isang malaking puno. Sa kabilang banda naman ay nag simula ng mag handa ang pamilyang Hamilton kasama si Charles at iba pang agent ng Hamton Agency. “Maari nating maka engkwentro ang isa sa mga lider ng sindikato kaya dapat maging alerto kayong lahat. Tandaan na ang pangunahing misyon natin sa araw na ito ay mailigtas ang aking anak at matulungan ang kanyaang mga kaibigan. Kaligtasan ng mga bata ang ating prayoridad. Maliwanag?” Pahayag ni Mr. Hamilton sa kanyang mga bata. “Sir, yes sir!”Malakas na sigaw ng mga ito. “Good. Now move!” Saad ni Mr. Hamilton sabay palakpak sa mga kamay nito. Mabilis naman na sumunod ang kanyang mga taohan at nag sipasok na ito sa helicopter. Humarap si Mr. Hamilton sa kanyang mga anak na lalaki at muli’y pinapaalahanan ang mga ito. Nang maka alis na ang grupo ay ipinagdarasal na lang ng mag asawa na sana ay walang masamang mangyari sa kanilang mga anak.     Someone POV   Questo gruppo non manca mai di stupirmi (This group never fails to amaze me). They thought kaya nilang iligtas ang leader nila na sila lang? Non lasciare che mi facciano ridere! (Huwag nila akong patawanin!) Ganoon na ba talaga kagaling ang tingin nila sa kanilang sarili upang mag lakas loob silang sumugod sa lugar na ito? Sige tingnan natin ang tapang ninyo. Nilapitan ko si Jel at pinagmasdan ang mukha nito, napangisi ako nang makita ko ang mga pasa sa kanyang mukha. Hmmm I want something memorable. Iyong tipong hindi n’ya malimutan ang kanyang karanasan sa aking munting mansion. “Buhusan ninyo ng isang napaka-lamig na tubig ang babaeng ito.” Utos ko sa aking mga tauhan na agad naman nilang sinunod. Napabalikwas ng bangon ang leader ng pakialamerang club sa Illustrious at agd na nilibot ang paningin sa paligid. “Why don’t we play a game Jennie?” Ngising saad ko. Tinitigan n’ya akong Mabuti at tila ba nag aanalisa ito sa kanyang utak kung paano nya ako papatayin. Makikita sa kanyang mata ang kapagoran, sakit at galit. HAHAHAHA Too bad, I’m just starting to enjoy the war you build up Unknown. “Let’s seeee” Saad ko habang nakatitig sa katawan n’ya. Nang may kalokohang pumasok sa aking isipan ay napangisi ako. “Let’s call this game a “Tik Tok strip.” Habang lumilipas ang limang minuto ay tatanggalin natin ang aiyong kasuotan. Kelangan mag madali ng iyong prinsipe, mahal na prinsesa Lavander… Bago mo pa man makamit ang kaligayang igagawad sayo ng aking mga tauhan.” Ngising anas ko. Nanlaki ang mata ng babaeng aking bihag ngayon. HAHAHAHAHAHAHAHAHA this will be going to be fun. Kaya naman bilisan ninyo unknown… Bago pa man mabaliw ang inyong leader.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD