CHAPTER 48---Confession

1864 Words
Binabagtas ko ngayon ang kahabaan ng hagdanan papuntang Rooftop. Ako lang mag isa ang pupunta, pero maririnig at makikita pa rin naman ng mga kasamahan ko ang pag uusap namin ng kung sino man ang haharap sa akin ngayon. Nang sa wakas ay nasa harap na ako ng pinto ay huminga muna ako ng malalim. Hiningal ako dun ah? Nang mahimasmasan na ang pagod ko ay binuksan ko na ang pinto. Lumingon ako sa paligid upng hanapin ang taong napapunta sa akin dito. Sa hindi kalayoan ay nakita ang isang balingkinitang babae na nakatalikod. Mataas ang itim nitong buhok, ang uniporme niya ay katulad ng sa akin. Kaya nasisiguro kong HUMSS student din ito. "Pamilyar to me ang girl na yan" komento ni Timmy. Rinig na rinig ko ang pagnguya niya. Tss. "Miss?" Tawag ko dito. Dahan dahan itong lumingon sa akin. Nagulantang ako nang makita ang lumuluha niyang mga mata. Bigla itong tumakbo papunta sa akin at biglang yumakap. "Woah! woahhh! May payakap si ate niyo" Komento na naman ni Tim. Humagolhol ng iyak sa akin ang babae. Kaya wala akong magawa kung hindi ang hagodin ang kanyang likod upang kahit papaano ay gumaan anv kanyang pakiramdam. Ilang minuto din kaming ganoon hanggang sa tumahan na siya sa pag iyak. Kumawala ito mula sa pagkakayakap sa akin at pinahid ang mga luha niya gamit ang sariling palad. "Pasensya ka na Ms. President. Masyado lang talagang mabigat ang pakiramdam ko. Salamat." Ngiting saad nuto sa akin. Namunugto ang kanyang mata at namumula rin ang kanyang ilong. "Ayos lang, ikaw ba ang nag ipit nito sa libro ko?" tanong ko. Saby pakita sa letter na nakita ko kanina. Tumango siya sa akin, tiningnan niya muna ang paligid bago ako hinila sa isang sulok. Pinaupo niya ako sa isang silya na naroon at may kinuhang mga papel sa kanyang bag. Ipinakita nita ito sa akin. "Isang linggo mahigit nang may nag papadala sa akin niyan. Hindi ko alam kung sino, at sa kada threat na pinapadala, mas kinakabahan ako. Noong una krayola na pula lang ang pinagsusulat hanggang sa naging ketchuo at likidong pula, ngayon ay totoong dugo na talaga. Natatakot ako na baka bukas makawala ay totohanin na ng taong yan ang sinusulat niya . Please, tulongan mo akong kilalanin siya." Umiiyak na namang paliwanag niya. Binasa ko ang mga nakasulat sa papel na binigay niya sa akin. "Tell the truth or you'll be dead" " "The time is ticking, the bomb is coming" "Death begins when you don't sings" "I. WILL. COME. TO. YOU." Napabuntong hininga ako sa mga nabasa. "I think you need to explain something to me, miss?" Saad ko, seryoso ko siyang tiningnan. Kinikilatis ang kanyang mga galaw. Nanginginig nag kanyang kamay, pilit niya itong kinakalma sa pamamagiyan ng pagsiklop ng mahigpit sa dalawang palad pero patuloy pa rin sa panginginig ang mga ito sa kabila ng kanyang ginagawa. "Jel, I think I now know who is that girl. She is the club president of Illustrious Broadcast and Journalism club. Abygail Roa. Daugher of the famous Anastasia Roa, Anchor of Philippine News and Public Affairs." Rinig kong imporma ni Tim. "Aby, just call me Aby. President of Illustrious Broadcast and Journalism. And I'm willing to confess my crime just to know the person who threatens me." Nakayukong saad nito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, pinagpagan ko ang aking palda pagkatapos ay ibinalik ko ang mga papel sa kanya. "Good, then meet me again later after class. Unknown club room is open 24/7. Miss broadcaster. We'll be waiting for you." Saktong pagkatapos ko iyong sabihin ay tumonog ang bell, hudyat na tapos na ang lunch time at may 15 mins. na lang kami upang mag handa para sa aming afternoon classes. Tinalikoran ko na ang babaeng nagpakilalang abuly at tuloyan nang bumaba sa rooftop. Dumiretso ako sa aking classroom. Doon nadatnan ko sina Timmy at Xian na magkatabi habang nakatitig sa kawalan at tila may mga kausap. Kung ordinaryong mag aaral lang ako ay iisipin ko na magkausap lang silang dalawa, pero alam ko na hindi ganoon ang nangyayari. "After so many weeks. May bagong case na naman!" Excited pa na saad ni Dale. Napailing na lang ako at pinatay ang connection namin. Napalingon sina Tim sa dereksyon ko at agad naman na tumayo ang bruha papunta sa akin. "Akalain mo iyon, may hina-hide rin palang crime ang president ng mga chismosa." Agad nitong bungad sa akin. Binatokan ko siya at bahagyang sinipa sa paa. "Shut up!" saad ko. Nag pout lamang siya at bumalik na rin sa kanyang upoan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at umupo na sa aking upoan. "Sungit ata natin ngayon? Mahinang saad ni Xian. "Huwag mo akong kausapin. Wala ako sa mood" masungit pa rin na saad ko Nagkibit balikat lang ito, ipinagpatuloy na lamang niya ang pagbabasa ng libro habang tinutupi ang kawawang bondpaper. Saktong tumonog ang bell nang pumasok ang aming guro. "Good afternoon, please open your books to page 56 and answer the pre-test. You'll be given 15 minutes to answer that 20 items test. Goodluck! Agad kong sinimulan na buklatin ang libro at sagutan ang pinapasogatan ng aming guro. Matapos ang kinse minuto ay nagpasapasa na kami ng papel ng mga kaklase ko upang maitama ang aming mga sagot. Habang na chechecking ay pinapaliwanag rin ng aming guro ang aming aralin. Matapos ang dalawang oras ay pinakawalan na kami nito. "Mayor, please collect the papers and give it to me after your class. Class dismissed! Have a great day." Iyon lang at umalis na ang aming guro. Pagkatapos ay pumasok rin kaagad ang 2nd professor namin. Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang aming klase. Sabay kami na tumayo ni Xian, sumabay na rin sa amin na lumabas si Tim. Nagmamadadali pa itong humabol sa amin. Dumiretso kami sa aming club room, nadatnan namin na naghihintay sa harap ng pinto si Aby. Mukhang kanina pa ito nag hihintay sa amin basi na rin sa posisyon niya. Nakaupo ito habang nakasandal sa pinto. "Oh hi Aby! Kanina ka pa ba naghihintay?" bati kaagad ni Timmy. Nalilitong tumingin sa akin si Aby, marahil nagtataka ito kung bakit siya kilala ng aking kasama. "Nasabi ko na sa mga myembro ng club ang kaso mo kaya kilala ka na nila." Sagot ko na lang sa nagtatanong niyang mga mata. "Ah, hihi hello" Bati niyapabalik kay Timmy. Kumaway pa ito ng bahagya at awkward na ngumiti sa.aking kaibigan. "Tara, pasok!" Paanyaya ni Tim. Binuksan niya ang pintoan at pinauna niya na pagpasok si Aby. Sumunod na kaming dalawa ni Xian sa.kanilang dalawa. Ilang minuto pa ay pumasok na rin sina Jin, Dale at Ron. "So, kompleto na pala tayo. Let's start?" Umpisa ko. Tumango silang lahat. "We have a client here who holds such power and responsibility in our school. And she comes here because of some circumstances. And that is..." pinutol ko ang aking sasabihin at sininyasan si Aby na ipagpatuloy ito. Tumango siya sa akin at bumuntong hininga pa muna bago mag salita "I committed a crime" Saad niya  Hindi na nagulat ang mga kaibigan ko sa sinabi niya. Seryoso lamang silang nakatingin sa babae. Maging ako ay inaabangan ang susunod na bibitawan niyang salita. "There was a girl named Anne, A STEM student from my batch, she is a scholar, first scholar of our school. Last year, someone give me a photos of her, it was taken at a bar. Some dudes were hugging and kissing her. As far as I know, that was against school rules, you see, she is working at a bar, she was a prostitute... or so I thought that time. I wrote an article and published it through our official Broadcast page. And the issue was brought to the head office. The next moment I knew, Anne was kicked out. At first, hindi ko lang pinansin kasi tama lang naman ang nangyari. It's our school rules that she broke. After a week, I found out that she committed suicide because of depression and humiliation. That's when I realized that what I did was too harsh. I should've talked to the principal and discussed the issue privately, but instead, I humiliated her by writing that article. So I go to her funeral and that's when I found out tha-that" Aby's voice suddenly cracked, kanina niya pa pinipigilan ang mga luha niya na tumulo. She tried her best to stop ger tears from falling but she failed. "I found out that she's not a p********e, yes she's working in that bar as a waitress, but never a p********e. Sh-she she was harassed by those men, she was forced to let those filthy dudes hugged and kissed her because she can't lose the job. Her mother was seriously ill, her siblings are so little to help her make money. I...I'm the reason why she committed suicide. I... I killed her..." She then burst into tears. Napayuko na lang ako matapos marinig iyon Media.....Sucks! Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko na nagbabasa ng school articles. Masyado kasing toxic, hindi ganoon ka informative, as for my opinion lang din naman. Halos lahat na kasi ng sinusulat nilanis it's either about students na may affairs or mga updates sa hot couples sa school. Ni minsan wala akong nabasa na binalita nila ang katiwalian na nangyayari dito sa school or kahit sa mga teachers. Kahit sa labas ng school, ang mga media ngayon ay hindi na katulad ng dati.Parang nagiging instrument nalang nga ang media para pagtakpan ang mga illegal na gawain at parang ito na langbrin ang ginagamit para pabagsakin angbisang tao. May mga inosenti nadadamay dahil sa pansariling ambisyon. "Who do you think ang may pakana sa mga threats mo?" Tanong ni Tim. Umiling lang si Abby, na fu-frustrate niyang sinabonotan ang sarili. "I really don't know. Hindi ko personally na kilala si Anne, hindi ko alam kung sino ang mga kaibigan niya dito sa school. We are not classmates and hndi ko siya nakikita sa school before I know her existence. That is why I don't really have an idea on who to put the blame. I know it was my fault, it was me who bring the graveyard to Anne, but do you think that reason is enough for that person to do this harsh thing to me?"  iyak na complain pa niya. Nagkatinginan na lamang kaming magkakaibigan. "Can you tell us Abby kung ano ang gusto ng nagpapadala sa iyo ng threats?" Tanong ni Ron habang pinapaikot-ikot ang hawak na phone. Naka upo ito sa table niya. "Ahh--ahem! sabi niya kailangan ko daw mag confess at linisin ang pangalan ni Anne sa buong school. At pati na rin sa pamilya niya." Sagot nito.  Tumango ako. "That's easy deal. Paglinis mo ng pangalan ni Anne at pag hiningi ng kapatawaran sa pamilya niya kapalit ng buhay mo." Komento ko. "NOOOOO!" Nagulat ako nang bigla itong sumigaw at tumayo pa mula sa pagkaka upo. Mariin niyang pinahid ang luha mula sa pisngi. "I can't do that, kapag ginawa ko 'yan, baka iwan ako ng boyfriend ko. Boyfriend? nagkatinginan kaming anim. Sa palagay ko ay may mahahanap na kaming lead sa kasong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD