Rain Huminga ako ng malalim. Masakit para sa akin ang araw na ito. Gusto ko na lamang umuwi at magkulong sa kwarto at matulog. Itutulog ko na lamang ang pighating ito. Siniguro kong wala nang tao sa labas bago ako tumayo at nag flash. I didn’t do any business, I just sat and cried until my eyes hurt. Lumabas ako ng cubicle at humarap sa malaking salamin. My face seems puffy and red especially in the nose area dahil panay ang punas at pagsinga ko habang umiiyak. Hinugasan ko ang aking kamay at naghilamos ng aking mukha, hindi ko pwedeng kusutin dahil naka makeup nga pala ako. Just enough to freshen and feel light. “Papa, these people are so hard to please.” I internalized. I wiped my hands with the tissue aggressively. Hindi pa din pala ako kumakalma. People only see me as a Carluccio

