Believe Hindi ko muna kinausap si Harry. Naiiyak ako sa nalaman. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba iyon o hindi. At saka possible naman talagang mabuntis siya, right? Hindi ko rin naman kasi hindi ko naman hawak ang buhay ni Harry. Malay natin habang wala ako sa tabi niya ay nandoon siya kay Ella. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nakaupo sa bench. Nasa may hardin nila ako habang nag-isip-isip. Masakit sa puso pero kailangan kong magpapakatatag. I just gave him a chance and if it was true, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Hindi lang ako lubos na masasaktan kung totoo man iyon, pati ang anak ko. “You’re so pathetic.” Natigil ako nang marinig ang boses ni Ella. Nakahalukipkip na siya ngayon habang nakangisi. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Hinarap ko siya at ti

