Wheel Chair Nagising ako dahil sa ingay ng ilang tao. Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Wala si Harry sa tabi ko at may damit na rin ako. Bumuntong-hininga ako at bumangon sa kama. Masakit pa rin ang katawan ko pero kaya ko na naman siguro ang tumayo. “Mabuti at may tubero na,” narinig ko na boses. “Oo, baka nabasa at nalunod na buong bahay mo, Elena. Nasaan ba kasi si Bea at bakit niya hinayaan ito?” Umawang ang labi ko at napatakip sa bibig. Namilog ang mata ko nang may napagtanto. Shit! ’Yong tubig! Ang gripo! “Pagod siguro si Bea, pero inasikaso naman agad ng asawa niya. Mabuti naman.” “Pero lalaki ang bayarin ninyo. Nawalan nga ng tubig ang ibang mga gripo dahil sa nangyari!” Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Kasalanan talaga ito ni Harry, eh! Dahil lang sa gano’n, na

