35

1597 Words

In love Simula nang hinayaan ko si Harry at pinagbigyan ng pagkakataon, naobserbahan ko ang pagbabago niya. “Son, kaya naman pala gusto mo rito! Talaga namang maganda ang probinsya,” sambit ni Tita Fely habang nagkakape. Isang linggo na sila rito at namamasyal lagi si Tita Fely kasama si Manang at ang kanyang bodyguard. Hindi ko akalain na magugustuhan niya rito. Sariwa naman kasi sa pasyalan ang probinsya, lalo na’t may preskong hangin at magagandang tanawin. “Siguro kapag babalik ako rito, bibili ako ng lupa so we can build a rest house,” aniya at nakita ko ang biglang paglungkot niya. “Sayang at hindi man lang nakapunta ang Daddy mo rito. Sigurado ako na magugustuhan niyang manirahan sa probinsya.” Kinagat ko ang ibabang labi ko at unti-unting inilapag ang meryenda. “Elena i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD