Crimson Red “Mama!” Natigil ako sa pagbalik sa kusina nang makita ko ang anak ko na kumakaway sa akin. Hindi na masyado busy kaya nakapagpahinga ako. “Tinawag ka ng anak mo, Bea. Wala pa namang bagong customer kaya puntahan mo na,” si Oreo habang hinuhubad ang kanyang apron. Agad akong tumango at nagtungo roon. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko na nakatitig sa akin si Harry. Hindi ko siya tiningnan at dumiretso sa anak ko. “Anak, gutom ka na ba?” Nag-squat ako upang magka-level ang mukha naming dalawa. “Ano’ng gusto mo?” “Bea, join us,” si Harry qt naghila pa ng upuan sa tabi niya. Napalunok ako at agad umiling. “Hindi na, may trabaho pa ako.” Hindi ko siya binalingan at hinaplos ko ang buhok ng anak ko. “Kayo lang muna ang kakain anak. May trabaho pq qko…” “It

