Mag-aral Dalawang linggo na ang nakalipas at hindi na muli nagparamdam si Harry. Narinig ko na lang na siya na talaga ang nag-take over sa kompanya na ang Daddy niya noon ang namamahala. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa anak ko sa tuwing nagtatanong kaya minsan ay nagsisinungaling na lang ako. “M-May trabaho kasi ang Papa mo, Anak, kaya hindi siya makauuwi rito,” ani ko at pinilit ang sarili na ngumiti. “Mama, baka hindi na tayo love ni Papa kaya gano’n!” pagalit niyang sinabi sabay patid sa bato na aming nadaanan. “Huwag na siyang bumalik, Mama!” Umawang ang labi ko at kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Siguro na-realize na rin siguro ni Harry na hindi worth it ang pagpupunta niya rito at hindi bagay sa kanya ang lugar na ito. Bumuntong-hininga ako at pumas

