22

1036 Words

LOST “Marami namang guest room dito, hija. Huwag muna kayong umalis,” pakiusap ni Manang sa akin. Nasa may ikalawang palapag na kami ng mansyon nila Harry habang pinipilit kami ni Manang na manatili rito. Okay lang naman sa akin na manatili rito kahit isang gabi lang lalo na’t inaantok na ang anak ko, kaya lang ay masyadong nakakahiya. “Manang, who’s that?” Namilog ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Tita Fely. Naka-daster lang siya at mugtong-mugto ang kanyang mata. Parang wala siyang tulog at hinang-hina. “M-Ma’am…” si Manang sabay baling kay Tita Fely. Noong una ay nakakunot pa ang noo ni Tita dahil mukhang hindi niya ako nakilala pero nang tuluyan na siyang makalapit ay namilog ang mata niya at hinawakan ang kamay ko. Gulat na gulat siyang pinasadahan ako ng tingin. “I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD