19

1882 Words

CLOWN Nag-over time ako sa work ko dahil bukod sa maraming customer, ayaw ko ring makaharap ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako. Paano kung seryoso siya sa sinabi niya? Na sasama siya sa Papa niya? Paano naman ako? “Bea, umuwi ka na lang,” si Oreo at inagaw sa ‘kin ang kutsilyo. “Lungkot na lungkot ‘yang mukha mo. Magpahinga ka dahil mukhang pagod ka.” “Salamat, Oreo pero kasi…” “’Yong anak at asawa mo, nasa restaurant pa rin,” aniya. “Mukhang hinihintay ang paglabas mo.” Naibaba ko ang tingin ko sa lamesa. “Ako na rito. Overtime ka na…” Mahina akong tumango at nagtungo sa stock room. Kinuha ko ang bag ko roon at hinubad ko na ang apron ko tsaka hair net. Huminga ako ng malalim at inayos ang sariling buhok. Kailangan kong magtimpi. Kailangan kong magtimpi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD