Care
Marrying Harry Salazar was once my dream. He was my dream. I really admire him the most, until now. Kaya kahit sobrang ayaw niya sa ‘kin ay masaya ako kasi mapapatunayan ko na ang sarili ko sa kaniya. Blessing ang baby para sa ‘kin, na kahit ayaw ni Harry ay bubuhayin ko pa rin ito. I will make sure that Harry will accept his baby.
Isang buwan na ang nakalipas simula nang ikinasal na kami. Walang pagbabago, ayaw niya pa rin sa akin. Pero kahit gano’n, hindi ako tumigil.
“Hija,”malungkot na tawag sa akin ni Manang Helen habang pinagmamasdan akong nagluluto ng agahan ni Harry.
“Good Morning, manang!” maligaya kong bati at napahaplos pa sa tiyan ko. “Lulutuan ko na naman ng agahan si Harry.
“Hija, buntis ka, dapat nagpapahinga ka ngayon. Hindi naman din kakainin ng asawa mo ang pagkain na niluto mo,”malungkot na ani ni Manang na ikinirot ng dibdib ko.
Napangiti ako ng tipid at nilingon siya.
“Hindi ako susuko, Manang!” determinado kong sambit at hinain na ang niluto.
Tinimplahan ko rin ito ng kape dahil ito naman ang iniinom niya tuwing umaga.
Nang makita ko si Harry na papatungo sa dining area ay excited ko siyang sinalubong. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo dahil sa ginawa kong pagharang sa kaniyang daraanan.
I smiled at him sweetly.
“Kain ka na, nagluto ako ng agahan!”
Tinitigan niya ako ng matalim. Pero agad din akong nilagpasan. Kaya sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa upuan. Dali-dali akong nagpunta patungo sa kaniya para pagsilbihan siya.
“Nagluto ako ng agahan, bacon, eggs!” maligayang ani ko.
Nakita ko naman na napaangat siya ng tingin sa akin saglit bago tinulak palayo ang pinggan na may niluto kong ulam.
“Manang, cook me some breakfast!” he demand.
Nag-init naman ang puso ko dahil sa kaniyang ikinilos. Hindi ko maiwasan ang masaktan kasi ayaw niyang kainin ang niluto ko.
“B-Busy si Manang, Harry. Masarap naman itong niluto ko,”pagpipilit ko pa at ibinalik sa kaniya ang pinggan pero napasinghap ako nang bigla niya itong honawi dahilan nang pagkahulog at pagkabasag nito sa sahig.
Natulala ako saglit dahil sa ginawa niya. Ito ang unang beses na ginawa niya ito. Nang nilingon ko siya ay kita ko rin na parang nagulat din siya sa ginawa niya.
Nagsidatingan naman ang ibang kasambahay para linisin ang basag na pinggan.
“G-Gusto mo lutuan k-kita ng b-bago?” I tried again.
Kahit sakit na sakit na ako sa ginawa niya. Kung susuko ako, parang wala lang itong effort ko. Wala lang.
Padabog niyang hinampas ang kamay niya sa lamesa at tumayo. Napatalon naman ako sa gulat, pati na rin ang ibang kasambahay na nakasaksi.
He glared at me. “Huwag na huwag mo na itong gagawin ulit, naintindihan mo?”
“P-Pero, asawa mo a-ako, kahit sa pagluluto mapasaya l-lang k-kita…”
“Hindi ako masaya and I will never be hangga’t nakikita ko ang pagmumukha mo!”
Akmang tatalikuran na niya ako pero dali-dali akong naglakad patungo sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay na agad niya namang iniwaksi.
“Ano ba ang kailangan kong gawin para mahalin mo rin ako?” halos may pagmamakaawa na sa boses ko.
Sobrang sakit na sa dibdib pero kinaya ko pa rin. Kinaya ko pa rin ang lahat. Mahal na mahal ko si Harry kaysa sa sarili ko. Mahal na mahal.
Pero marinig mula sa kaniya ang mga masasakit na salita ay dinudurog ang puso ko.
“Then die…just die…”
Tumulo ang luha ko sa masakit niyang sinabi. Gusto niya akong mamatay? Parang mas lalo lamang niyang dinurog ang puso ko. Ang sakit niyang magsalita. Pero bakit gano’n? Bakit mahal ko pa rin siya? Na kahit masakit na sa akin ay gusto ko pa rin siya, mahal ko pa rin siya.
Tinanaw ko na lamang ang paglakad niya papalayo sa akin. I never thought that marrying Harry Salazar will be like this.
“Hija…”
Nilapitan ako ni Manang Helen at hinawakan ang braso ko.
“Huwag mo nang pansinin ang asawa mo. Unahin mo ang sarili mo, ang baby mo…Huwag kang magpadala sa emosyon mo, hija.”
Wala sa sariling niyakap ko si Manang at umiyak na lamang sa kaniyang balikat.
Nagdaan muli ang mga buwan, ginawa ko ang gusto ni Manang. Nagpokus na lamang ako sa aking baby. Lumaki na rin ang tiyan ko kaya medyo na-excite ako.
Minsan ay binibisita kami ng Mommy ni Harry para kamustahin ako. I always lied to her. Sinabi ko na okay lang ang pagsasama namin ni Harry kahit hindi naman talaga.
“Hija,” si Tita Fely.
“T-Tita…”
Kumunot ang noo nito, na parang hindi nagustuhan ang aking binanggit.
“Bakit Tita pa rin ang tawag mo sa ‘kin? Call me, Mama alright?”
Namula naman ako sa kahihiyan. Narito kami sa may malaking sala habang hawak niya ang kamay ko. Bumisita kasi ulit ito, may dala ng mga vitamins.
“S-Sige, M-Mommy.”
Ngumiti naman ito nang binanggit ko ito.
“May dala ako na mga vitamins para sa ‘yong pagbubuntis! Kailangan mong maging malusog! Sinabihan ko na rin si Manang Helen na healthy foods lang ang ihahain sa ‘yo.”
Parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Aside from Manang Helen, the mother of Harry too cared about me.
Napayuko naman ako at hindi mapigilan ang maluha. Nakita ko ang pagtaranta ni Mama Fely.
“Why are you crying? May masakit ba sa ‘yo?” nag-alalang tanong nito.
Umiling ako at nag-angat ng tingin. “W-wala pong masakit sa ‘kin! M-masaya lang ako kasi tanggap niyo ako…”
Ngumiti naman si Tita sa akin at hinaplos ang pisngi ko.
“Of course, Bea…Tanggap kita, you are part of our family.”
At iyon ang mas lalong nagpatatag sa akin. Iyon ang mas lalong nagpursige sa akin na hindi sukuan si Harry. Iyon ang naging lakas ko.
One night, naghintay ako sa kaniyang pag-uwi kasi matagal siyang nakauwi. I was waiting at the balcony when I saw a car approaching. Napangiti ako, kasi nakauwi na siya. Ngunit napawi ang ngisi ko at napalitan ng pagtataka nang makita ko ang paglabas ng isang magandang babae.
Napahigpit ang hawak ko sa kurtina at nag-init ang puso ko sa nakita.
Nakita ko ang paglabas ni Harry sa kotse at nanubig ang mata ko nang makita ko ang pagtagpo ng kanilang mga labi…
Napatakip na lamang ako sa aking bibig para pigilan ang sarili sa paghagulhol. Tumalikod ako at sinarado ang kurtina.
“Harry…”iyak na bulong ko.
Marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin. Nakita ko siyang sobrang gulo ng buhok.
“B-Bakit ka tinagalan sa pag-uwi?” I asked, kahit kitang-kita ko na kanina.
Hindi niya ako nilingon at dumeretso sa walk-in-closet.
“Harry,”tawag ko muli.
Lumabas ito na naka-boxer na lamang. Dumeretso ito sa kama namin at humiga.
“Harry,” tawag ko muli.
“Don’t ask me again kung ayaw mong magalit ako sa ‘yo! Wala kang ibang gagawin kundi ang alagaan ang batang iyan,”anito sa malamig na boses.
Batang iyan…
Palagi na lamang dinudurog ang puso ko sa bawat pakipag-usap ko sa kaniya pero hindi pa rin ako sumusuko. Alam ko na darating ang panahon na mamahalin niya rin ako. I am hoping for that.
Ang sakit mahalin ni Harry lalo na’t kasing tigas ng bato ang puso niya. Pero masyado atang manhid itong puso ko kasi kahit patuloy na nasasaktan, patuloy pa rin na nagmamahal.
Desperada ako sa pagmamahal kasi wala namang nagmamahal sa akin. My mom and dad died from a car crash back when I was a kid. Walang kumupkop sa akin, kahit saan-saan na lamang ako nag-working student dati hanggang sa makatapos ako.
Kaya desperada ako sa pagmamahal. Kaya ganito ako…kaya hindi ko magawang ipalaglag ang bata kasi blessing na ito sa akin.
Akala ko isang beses ko lang iyon makikita. Akala ko isang beses ko lang makita ngunit may mas ikinahigit pa pala. Ganito pala kasakit kapag ayaw sa ‘yo ng tao. Ganito pala kasakit kapag hindi ikaw ang mahal.
Gumuho ang mundo ko at tingin ko magiging miserable na ang buhay ko.