17

1501 Words

COMMEMORATE Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kay Harry na ngayon ay may alam na ako sa kanya. Hindi ko akalain na siya pala ‘yong nagpapadala ng mga groceries na akala ko ay galing kay Anna. Hindi ba ay ayaw niya naman talaga sa anak ko? Hindi ko makalimutan ang sinabi niya na ipalaglag ko ang bata. Hindi ko makalilimutan ang mga masakit na salita na binitawan niya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Hindi ko na alam kung ano ang motibo niya dahil sigurado naman ako na may plano siya. “Mama, punta tayo Mars!” Napatalon ako sa gulat nang kinalabit ako ni Amer. Kanina pa pala ako nakatulala habang binabantayan ang sinasaing ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Tiya Elena sa ‘kin. Gusto ko tuloy tanungin ng diretso si Harry kung ano ang plano niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD