Ilang buwan ding nangyari iyon. Tiniis ko ang panlalandi ni Ella sa akin. Sinabayan ko siya because I was desperate. Pero mukhang mas matigas pa sa bato ang babaeng iyon. “Kailan mo ba hihiwalayan ang buntis mong asawa? Bagot na bagot na oh! Ako na lamang mag-a-adjust sa relasyon natin,” inis na sambit ni Ella sa akin. I sighed. “Ella, ilang buwan na lang at manganganak na siya.” And I can’t wait to get rid of her in my life. I am planning to get the child away from her. Iyon na lang siguro ang paraan since my Mom wants to see her grandchild. Ngumuso siya. “Dapat lang na hiwalayan mo na pagkatapos manganak, at gusto ko, kunin mo sa kanya ang anak niya at sa akin na mapunta. I can be the mother of your child, babe.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. Kumunot ang noo ko nang nahagip ng

