Dalawang buwan na ang lumipas Maaga pa pero nasa bakuran na si Isla, abala sa pagdidilig. Hawak niya ang hose habang pinagmamasdan ang pagtulo ng tubig sa lupa. Isa na itong araw-araw na gawain—parang paraan niya para hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ng bahay. Hindi na rin kasi sila halos nag-uusap ni Clay. Nagkakasalubong lang sila sa iisang bubong, pero parang magkaibang mundo ang ginagalawan. Minsan lang itong umuwi, at kapag dumating man, diretso sa kwarto. Walang kumustahan, walang tanong, wala man lang tingin na may ibig sabihin. Binibigay naman nito lahat—pera, gamit, kailangan niya. Pero hindi iyon ang hinahanap ni Isla. Gusto niyang maramdaman na mahalaga siya. Na mahal siya. At simula nang malaman nitong buntis siya, lalo itong naging malayo. “Isla,” tawag ni Faroda mu

