CHAPTER 5

1093 Words
"CUT! Ilang take pa ba ang kailangan nating gawin Clay?" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid. Gigil na gigil sa galit ang direktor dahil halos pang ilang take na ang kanilang nagagawa. Napabuga naman nang paghinga si Clay at humingi ulit ng dispensa. Kahit siya ay naiirita sa kanyang sarili. Aminin niya man o sa hindi ay kanina pa tumatakbo sa kanyang isipan si Isla. Nagitla naman siya nang may tumapik sa kanyang balikat, si Melissa. Ang kanyang leading lady sa kanilang ginagawang pelikula. "It's okay, Clay. Ayos lang naman sa akin kung ilang take pa ang magagawa natin sa araw na 'to," wika nito at lumakbay pa ang kamay nito sa dibdib ng binata. Marahas namang tinabig ng binata ang kamay ni Melissa at naglakad papalayo. Matagal na niyang gusto na palitan ang kanyang magiging ka-love team ngunit hanggang ngayon ay nadidikit pa rin kanyang pangalan kay Melissa. Mayroon silang limang minuto para makapagpahinga. Hindi niya rin alam kung bakit hindi maalis-alis sa kanyang isipan si Isla. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari ngunit heto siya ngayon at kinukonsumisyon. Uminom naman si Clay ng tubig na siyang inabot sa kanya ng kanyang assistant. "Pansin ko na hindi ka focus sa set kanina. Ano kakausapin ko bas i direk na ipagpabukas na lang 'to? Magdadahilan na lang ako na nasusuka at nilalagnat ka," wika ni Ms. Kang, ang kanyang manager. Umiling naman si Clay. "Don't, I'll fix this," sagot naman nito saka tumayo nang magtawag na ang mga staff. Tuloy-tuloy ang naging daloy ng direktor hanggang sa matapos at makuha ang gusto nito. "It's a wrap! Okay good job everyone! Pwede na tayong umuwi at nang makapagpahinga ng maaga," wika ng direktor at halos pumalakpak naman ang lahat dahil doon. Nakapaskil sa kanilang mga mukha ang malalaking mga ngiti. "Would you like to join me for dinner?" alok ni Melissa habang nakabuntot ito sa binata. Wala pa rin itong kadala-dala at kahit na anong taboy ni Clay dito ay para pa rin itong linta kung makadikit. "Kumain ka mag-isa mo, Melissa," wika nito at agad na tinalikuran ang dalaga. Kahapon ng gabi . . . Habang abala si Clay sa kanyang iniimpakeng mga gamit ay bigla niyang naalala ang kanyang naiwang wax sa banyo. Habang papalapit nang papalapit sa banyo ay tila may naririnig siyang rumaragasang tubig. Kumunot naman ang kanyang noo dahil hindi naman niya ito iniwang nakabukas. Papatayin niya na sana ang shower nang bigla siyang natigilan. Tila nanigas ang kanyang katawan at tila hindi magawang kumurap ng kanyang mga mata. Nasa harapan niya si Isla at hubo't hubad ito ngunit nakatalikod ito sa kanya. Kitang-kita niya ang hubog ng katawan ng dalaga at kinis nito. Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig at nagising sa kanyang ulirat. Bago pa man mapansin ng dalaga na naroroon siya ay maingat na umalis si Clay. Pagkalabas niya nang pagkalabas ng kanyang kwarto ay napabuga naman ng paghinga ang binata. Hindi niya inaasahan ang kanyang nakita at hindi niya alam kung bakit doon nakikiligo ang dalaga. Hindi niya na rin nagawang kunin ang kailangan niya sa banyo ngunit hindi na rin iyon mahalaga at bibili na lamang siya sa labas. Nagkukumahog naman siyang kinuha ang kanyang mga gamit at bumaba sa hagdan. Nakita naman niya si Faroda at tinawag niya naman ito. "Manang, sira po ba ang banyo ni Isla sa kanyang kwarto?" agad na tanong ni Clay habang mahigpit ang pagkahahawak niya sa bag. Hindi pa rin maalis-alis sa kanyang isipan ang mga nakita niya kanina. Tumango naman si Faroda. "Opo Sir, sira po at kasalukuyang inaayos. Mamaya nga po ay babalikan naman ng tubero at may binili lang po sa hardware para pamalit sa nasira," sagot naman nito habang pinupunas ang kanyang mga kamay sa suot-suot nitong apron. Napabuntong-hininga naman si Clay at tila naintindihan na nga kung bakit naroroon ang dalaga ngunit pwede naman itong maligo sa ibang silid. "I'll be gone for how many days, Manang. Tutal ay tapos naman ang pagbisita ng mga magulang namin. Kayo na lang po muna ang bahala rito," wika ni Clay at tumango naman si Faroda rito. "Sige po Sir, paano po si Isla?" biglang tanong ni Faroda at tinitigan lang naman siya ng binata. Napahampas naman si Clay sa kanyang manibela habang nasa byahe. Hindi naman siya dapat makaramdam ng pagkabalisa dahil wala naman siyang ginagawa o ginawa. Habang tinatahak ang daan papunta kay Lexus ay nakita niya ang billboard ni Atania, ang babaeng kanyang minamahal. Mahal na mahal niya pa rin ito kahit ano'ng klaseng pagtataboy ng dalaga sa kanya. Sikat na sikat ang dalaga sa pagiging modelo at ito lamang ang kanyang nag-iisang rason kung bakit siya naging artista, upang maabot si Atania. Bumaling naman ang kanyang atensyon nang marinig niya ang kanyang selpon na tumutunog. Ipinarada naman niya ang kanyang sasakyan sa isang gilid upang sagutin ang tawag. "Manang?" sagot niya sa tawag nang malaman niyang si Faroda ang tumatawag. "Sir Clay? Si Isla po," sagot naman ni Faroda sa kabilang linya at tila kinabahan naman ang binata rito. Kumunot naman ang noo ni Clay. "Bakit ano'ng nangyari?" diritsang tanong niya. "Binosohan po kasi si Isla nung kasama ni Berting. 'Yong nag-aayos ng banyo sa kanyang kwarto. Nagkukulong po siya ngayon sa kwarto niya. Naririnig ko siyang umiiyak po sa loob," paliwanag naman ni Faroda at hindi na ito pinatapos pa ni Clay at pinatay ang tawag. Dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan, halos mapunit ang hangin sa bilis ng kanyang kilos. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela, at ang kanyang dibdib ay halos pasabog sa tindi ng kaba at galit na nag-uumapaw sa kanya. Mabilis niyang iniliko ang sasakyan pabalik sa daan pauwi, hindi alintana ang panganib. Pinaharurot niya ito nang walang pakialam sa naglalagablab na ilaw ng mga kasalubong na sasakyan, halos magpagulung-gulong ang mga gulong sa tindi ng preno at biglang arangkada. Isang saglit lang, at muntik na siyang sumalpok sa isang paparating na trak—isang pulgada na lang at katapusan na niya. Ngunit sa halip na bumagal, lalo pa niyang dinagdagan ang tapak sa silinyador, parang hinahabol ng sariling mga demonyo. Ang malamig na pawis ay bumalong sa kanyang sentido, at ang kaba ay nanunuot sa kanyang bawat hinga. Pero wala siyang balak huminto. Hindi siya titigil hangga't hindi niya naaabot ang nais niyang puntahan—kahit pa ang kapalit ay sarili niyang buhay. Namumula naman ang gilid ng kanyang mga mata at lumalabas ang ugat sa kanyang leeg. Gusto niyang makauwi agad at suriin ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD