Maaliwalas ang umaga. Ngunit sa pagkakataong ito, walang kaginhawaan sa simoy ng hangin para kay Isla. Nakaupo siya muli sa balkonahe ng bahay, ang tasa ng kape ay nakapatong sa mesa, malamig na at di na iniinom. Ang kanyang puso ay mabigat, puno ng alalahanin at hindi maipaliwanag na sakit. “Kailangan kong gawin ito,” bulong niya sa sarili. Ngunit kahit ilang ulit niyang ulitin iyon, hindi nito maibsan ang takot na nararamdaman niya. Pinikit niya ang mga mata, pilit na inaaninag ang lakas ng loob na tila nawawala. Mula sa sala, naririnig niya ang masiglang halakhak ni Cerius habang pinapanood nito ang mga paboritong cartoons. Napangiti siya nang bahagya, ngunit ang kirot na kanina pa bumabagabag sa kanya ay muli na namang bumalik. Hindi niya mapigilang isipin kung ano ang magiging epekt

