Naghihintay na lamang si Isla na maluto ang brownies nang may narinig siyang busina ng sasakyan sa labas. Tiyak siyang si Matthias na ito. Nagpunas naman siya ng kamay sa kanyang suot na apron habang papalabas ng bahay upang salubungin ito. May gumuhit namang ngiti sa kanyang mga labi nang magtama ang kanilang mga mata. "Akala ko ay sa isang linggo ka pang mawawala," salubong niya rito habang papalapit upang tulungan sa mga dalahin. Umiling naman si Matthias at ngumiti. "Natapos ko na rin kasi lahat and Dad's already there," sagot nito sabay kuha ng kanyang mga pinamili. Nanlaki naman ang mga mata niya nang mapagtantong sobrang dami ng pinamili ni Matthias. "Sa abroad ka ba galing at para kang nagdala ng kabuhayan package," birong sambit niya dahilan upang matawa silang dalawa. "Good t

