CHAPTER 14

1176 Words
Narinig niya ang malamyos na awit ng mga ibon sa labas, isang marahang paggising mula sa malalim niyang tulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, tinatanggap ang ginintuang sinag ng araw na pumapasok sa silid. Ang napakalaking bintanang yari sa salamin ay nagbibigay ng malawak na tanawin ng bakuran—isang paraisong tila inilayo sa ingay ng mundo. Ang malalago at luntiang damo ay kumikislap sa hamog ng umaga, at ang mga orkidya, nakahilera sa perpektong ayos, ay namumukadkad sa mga kulay na parang hiniram sa bahaghari. Iginawi niya ang tingin sa kanyang tabi, hinahanap ang presensya ni Clay, ngunit wala na ito. Ang malamig na parte ng kama kung saan ito nahiga ay nagsasabi sa kanya na matagal na itong bumangon. Nananatili siyang nakaupo, tinatanganan ang malambot na kumot at pilit na inuunawa ang katotohanang hindi pa rin lubusang lumulubog sa kanyang isipan. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang unti-unting bumalik sa kanya ang mga alaala ng nagdaang gabi—ang init ng kanyang balat sa ilalim ng mga haplos ni Clay, ang mga bulong nito sa kanyang tainga, ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya na tila wala nang bukas. Napapikit siya, ramdam ang bahagyang kirot sa kanyang katawan, isang paalala ng lahat ng nangyari. Hinapit niya ang kumot sa kanyang hubad na katawan, pinupunan ang pakiramdam ng kahubaran na ngayon lamang niya tunay na napagtanto. Huminga siya nang malalim bago idinako muli ang tingin sa labas ng bintana. Ang liwanag ng araw, ang katahimikan ng paligid, ang banayad na dampi ng hangin—lahat ng ito ay para bang nagsasabing may isang bagay na nagbago. "Ang ganda naman dito," mahinang usal niya, halos isang bulong lamang, habang hindi pa rin maalis ang kanyang tingin sa tanawin sa labas—at sa bagong simula na tila unti-unting nagbubukas sa kanyang harapan. Pinagmasdan niya ang buong silid at napakalawak pala nito. Nasapo naman niya ang kanyang noo nang mapagtanto niyang wala pala siyang dalang mga gamit. Wala siyang maisusuot. "Paano na 'to?" tanong niya at napalingon sa bandang kaliwa niya at nakakita na may nakasabit na puting tshirt at itim na cycling. Mukhang inihanda ito ni Clay para sa kanya. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang suotin na lamang ito. Hindi naman siya nag-abala pang magsuot ng bra at panty dahil wala na ang kanyang mga damit sa kwarto. Marahil ay kinuha ito ni Clay kanina. Agad naman siyang pinamulahan nang maisip ang mga bagay na iyon. "Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?" wika niya at napagdesisyonang lumabas. Tahimik ang buong kabahayan at walang kahit na anong ingay hindi gaya sa syudad. Gusto niya ang ganitong katahimikan. Nakapag-iisip siya ng maayos. Habang patungo siya sa kusina ay may namataan ang kanyang mga mata na tila usok na nagmumula sa bakuran. Tumungo naman siya roon at unti-unti niyang naaamoy ang usok at nalaman niyang sigarilyo pala ito. Hindi niya gusto ang amoy ng sigarilyo pero iba ang amoy nito at pamilyar sa kanya. Kung hindi siya nagkamamali ay pareho ito sa sigarilyo ng kanyang ama, ang treasurer black. "You're awake," wika ni Clay na hindi siya nililingon. Nagulat naman siya rito dahil hindi naman siya lumilikha ng kahit na anumang ingay ngunit ramdam naman nito agad ang kanyang presensya. Tumango naman siya at naupo sa bakanteng upuan katabi nito. Pinagmasdan niya naman si Clay at kahit na bagong gising lang din ito tulad niya ay hindi ito halata dahil nakapagwapo pa rin nito. Parang hindi sila bagay dahil mas marami itong nakasasamang mga magagandang artista. Hindi tulad niya na isang plain woman. "You can stare at me all you want, Isla," wika nito at inupos ang hinihithit niyang sigarilyo kahit na hindi pa ito ubos. Nagtama ang kanilang mga mata at halos mahigit naman niya ang kanyang paghinga dahil sa mga tingin ni Clay sa kanya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang kanyang buong atensyon sa mga naggagandahang mga orkids. "Alam kong ayaw mo rin ng amoy ng sigarilyo and this will be the last time that you will see me smoke," wika nito sa kanya at hindi niya naman alam kung ano ang magiging reaksyon niya rito ngunit hindi niya maitatangging kinilig siya rito. "I heard you love French vanilla coffee so I made one. Try this," dugtong pa nito at nagsalin ng kape sa nakahandang tasa. Tumango naman siya bilang sagot at kitang-kita niya ang nag-uusok pang kape. Amoy na amoy niya rin ang aroma ng kape. Mas lalo pa yata itong sumarap dahil siguro sa inihanda ito para sa kanya ni Clay. "Thank you," wika niya nang iniabot na sa kanya ang kape. "Dahan-dahan mainit at baka mapaso ka," wika ni Clay sa malamyos na tinig nito. Hindi siya sanay sa ganitong Clay na kaharap niya ngayon at tila hindi pa siya sanay. Ngunit nakararamdam pa rin siya ng takot. Takot dahil na rin sa baka dumating ang araw na bumalik sa dati ang lahat. Natatakot siyang kapag naging komportable na siya rito ay bigla naman itong bumalik sa dati. "Mahilig ka pala sa orkids?" tanong niya para lang umiba ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Nagkibit-balikat naman ito. "I'm not particularly fond of flowers, but I discovered that orchids are to your liking, so I looked for a gardener who can cultivate these plants. I hope you liked it," wika nito at bigla namang nag-init ang kanyang mga tainga at alam niyang pulang-pula na siya ngayon. Bakit lagi siyang pinamumulahan dito? Ang buong akala niyang wala na siyang nararamdaman dito ay hindi pa pala. Mahal niya pa ito. Nakangiting napatango siya. "Sobrang ganda nila," wika niya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa malayuan. Lihim namang napangiti si Clay sa kanyang narinig na sagot at tumango. Marami na siyang napangiting mga babae ngunit iba ang pakiramdam niya ngayon na kasama niya si Isla. Marahil ay hindi niya lamang ito napapansin noon dahil nasa iba ang kanyang atensyon. "Magtatagal tayo rito ng marahil isang linggo," wika ni Clay na siyang ikinagulat naman niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita itong muli. "Huwag kang mag-alala dahil ipinaalam ko na ito sa mga magulang natin kung saan tayo pupunta," dugtong pa nito at tumango naman siya. "Ganoon ba? Paano 'yan at wala tayong mga gamit dito? Papaano yung set mo? Hindi ba't may bago kang project?" sunod-sunod na tanong niya at tumango naman ito. "Huwag kang mag-alala dahil bibili tayo ng mga gamit natin sa kabilang bayan. May maliit na bayan dito. Walang malalaking mga mall ngunit may mabibilhan tayong mga damit. I declined the project that was given to me. I chose to have my own break, away from the media . . . for now," sagot nito sa kanyang mga katanungan at malamlam na tinitigan siya nito. "O-okay," sagot niya na tila nasasamid sa mga titig na ibinibigay nito sa kanya. "I understand how overwhelming this sudden change between us, but I want you to know that I am sincere, Isla. I am serious about you. Sorry if it takes me longer to figure this out."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD