Patakbong kinuha ni Tyler ang mga bata matapos mabayaran ang kinuha niyang taga-linis. Matapos nun sinalubong ang Misis habang bitbit ang bunso at hawak ang kanilang prinsesa.
“Honey! Kumusta ang lakad?” Kabadong tanong niya sa asawa na kasalukuyang iniinspek ang paligid.
“Okay naman, nakipagkita kami kay Ashley.” Walang tinging sagot nito sa kanya.
Tinignan niya ang anak ng binata na parang humihingi ng tulong. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin kaya ngingisi itong kinuha ang kapatid sa ama.
“Let's go upstairs guys. Mukhang may judgement na magaganap.” Pagtawag nito sa mga kapatid na sumunod naman sa kanya.
“Uh? What at are you looking mahal?” Tanong niya sa asawa habang unti-unti siyang lumalapit rito.
“You did not ask for help?” Muling usisa ng misis.
“N..No?”
“Hindi ka magtawag ng tagaligpit?” tanong pa nito ulit.
“Hahaha hi...hindi. Don't you trust my skills?” Napalunok na lamang siya nang seryoso siyang ineeksamin ng asawa.
Mukhang alam nitong nagsisinungaling siyan. Pero kalian niyang panindigan, nasimulan na eh. Taka niyang tinignan si Cheska nang bigla na lamang itong tumungtong sa lababo at may kinuha sa pinaka corner nito.
“Ano yan honey?” halos mamawis na siya. Para siyang batang malapit nang mahatulan ng magulang dahil naglaro sa putikan ng hundi nagpapaalam.
Nakasunod pa rin siya sa asawa hangganng matungo ang library ng bahay kung saan naging opisina na rin nila. Umupo si Cheska sa mesa at may kung ano-anong kinakalikot sa kanyang laptop at sa bagay na kinuha nito sa kusina.
Habang si Tyler naman ay naupo sa harapan niya. Ngayon naman'y para siyang estudyanteng nahuli ng principal na gunagawa ng kalokohan sa school at naghihintay kung suspended ba siya or magko-community service lang.
Napaayos rin siya ng upo nang umayos ang asawa. Sa itsura nito alam na niyang parang gusto siyang sunugin nito ng buhay. Pero mahal namin ang isa't-isa, hindi niya iyong magagawa. Pagpapakalma niya sa sa sarili.
Ngunit 'di niya talaga makayanan ang titig ni Cheska. Kaya naman ay tumayo na siya at paluhod na niyakap ang nakaupong asawa.
“Mahal, I really am sorry. I thought I can but I'm wrong please don't leave me.” paiyak niyang pagmamakaawa rito.
Pero hindi epektibo dail isang malakas na sapok ang natanggap niya mula sa misis.
“Tigilan mo nga ako. Para kang baliw at saan mo napulot 'yang don't leave me na yan? Ano ba ito break up? At bakit hindi ka tumawag sa akin. Bakit ka nagvolunteer na ikaw ang magbabantay kung 'di mo pala kaya?!. Muntikan mo nang pasabugin ang bahay! Paano na lang kung hindi dumating iyong tagalinis ano ang gagawin mo?!” nagpupuyos na galit sa kanya ni Cheska.
Napakamot na lang siya sa ulo. Wala siyang panama sa misis kapag ganitong sitwasyon. Hindi niya rin alam kung saan niya napagpupulot ang kadramahan niya. Basta ang alam niya in love siya.
“Where did you get that girl?” seryoso pa ring tanong niya sa Mister.
“Well, I'm not really sure they gave me her number.” Inayos niya na ang sarili dahil mukhang tapos naman na ang asawa. Love loves niya talaga ako, yay kiligs! Malanding isip niya.
___
Ngiting ngiti si Jo pauwi ng kanilang bahay dahil sa laki ng binayad sa kanya ng huling bahay na nilinisan niya. Nahirapn siya roon pero hindi niya inasahang ganun kalaki ang matatanggap niya. Namili na siya ng grocery para sa bahay nila, aabot naman na sigurong ng kulang isang buwan ang stock nila. Malaking tipid lalo na't nag-iipon siya ng pang-aral ng nakababatang kapatid dahil ieenroll na niya ito sa susunod na pasukan.
Malayo palang siya sa kanilang bahay ay tanaw na niya ang nagkokompulang tao. Hindi naman mahilig ang nanay niyang makipagkiwentuhan sa mga kapitbahay at madalas ay ang mga kaibigan na rin nito mismo ang nagtutungo sa bahay nila.
Mas nilukob siya ng kaba nang makita niyang nagmamadaling lumapit ang kapitbahay nilang si Aling Nena.
“Ano pong nangyayare bakit po nagkakagulo kayo sa bahay namin.”
“Joe! Ang nanay mo sinugid sa ospital...Hinatid na siya ni Kanor at ni Nora.” sobrang pangambang balita nito sa kanya.
“Pe...pero bakit po anong nangyari?” pigil luha kong tanong. Maayos naman si nanay ah.
“Bigla na lang 'di makahinga ang nanay mo, iyak na nagtungong bahay ang kapatid mo. Nang makarating kami ay wala na itong malay.” Halos hindi ako makahinga sa balitang natanggap. Inabutan naman ako ng isa sa mga kapitbahay namin ng tubig, at may ibang nagpapaypay pa sa akin upang kumalma.
Hindi ako kakalma hanggat hindi ko nakikitang maayos si nanay. Tumayo ako at nagpaalam na pupuntahan si nanay sa ospital.
“O siya sige, maiging magdala ka na rin ng magagamit niyo, naroon rin di Jojo.” bilin sa akin ni Aling Nena.
Walang oras ang aking sinayang at dali-dali ko nang isinaayos ang mga dadalhin ko. Nagpaalam na ako sa mga kapitbahay at ibinilin na ring ang bahay namin.
“Oo ako na ang bahala, basta balitaan mo kami huh. Bibisitahin ko rin kayo bukas.”
“Salamat po Aling Nena, mauna na ako.”
Sumakay na si Jo sa tricycle na tinawag nila, kaya hindi na niya kinailangan pang maghintay ng masasakyan. Mabilis niyang narating ang ospital at dali-daling nagtungo sa emergency room kung saan saktong palabas naman ang doctor.
“Who's the family of the patient?” tanong ng doctor.
“Ako po doc! Kumusta ang nanay?” Nagpakawala ng buntong hininga ang doctor bago siya sagutin.
“It's good that your mother was brought here on time. If it's later, she could be lost. Currently she is stable, but if you really want your mother be safe she needs to undergo surgery.” mahabang paliwanag ng doctor.
“Pero doc bakit bigla na lang inatake si nanay, maayos naman siya.” dagdag tanong ni Jo.
“Your mother hasn't take any of her maintanace medicine that's one of the reason that trigger her heart. And your mother's heart is really weak, the medicine will only help her a little even she takes her medicine, this will still happen. Surgery is really needed.” paliwanag pa nito.
“Pero po magkano po ang kailangan namin?”
“You will need less than a million...” tila alanganin pang sabi ng doctor, maaring alam niya rin ang sitwasyon niya.
“Saan kami kukuha non? Ako lang po ang nagtatrabaho sa amin doc.” Hindi niya mapigilan ang luha dahil na rin sa kung ano-anong pumapasok sa utak niya.
“You can give at least half of the payment and the half will be after. It may be hard but if you want to save your mother, you should find a way.” Tinapik ng doctor ang balikat ng umiiyak na dalaga bago umalis.
Napaupo na lang si Jo sa sahig sa sobrang panghihina, saan siya kukuha ng ganoong halaga? Kanino siya hihingi ng tulong? Lalo lamang lumakas ang hagulgol niya sa pag-iisip kung paano niya mairaraos ang problemang ito. Hanggang sa naramdaman niya na lang ang maliit na brasong umaakap sa kanya.
“Ate, huwag ka nang umiyak kaya natin 'to. Gagaling si nanay, tahan na” Umiiyak rin ang kapatid.
Niyakap niya ito pabalik. Ito lang muna ang kaya nilang ibigay sa isa't-isa mga yakap na siyang nagpapalakas ng kanilang loob. Yakap na nagsasabing hindi sila nag-iisa. Kailangan niyang maging matatag para sa kanilang magkapatid.