Narito ako ngayon sa garden ng school, kasama ang mga makukulit kong kaibigan. Lunch break kasi ngayon kaya naisipan naming tumambay muna rito.
"Hmm, nakakaurat naman" reklamo ko
"Ano ba naman 'to napaka reklamador" sambit ni Arki
Inirapan ko sya at kumagat ako sa burger ko. "Ang boring naman kasi, itour nyo kaya ako dito sa school nyo" sambit ko
"Hindi na aabot meron na lamang tayong sampung minuto bago bumalik sa room" sabi ni Arki
"Awts" sabi ko at sumimangot
"Next time nalang o kaya pag may vacant time tayo" ngiting sabi ni Jayne, ngumiti ako at tumango na lamang
"Halika na, balik na tayo sa room" anyaya ni Arki
**•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ 𝑆𝑎 𝑅𝑜𝑜𝑚 ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*
"Ngayon ko lang naalala na wala pa pala kayong class officers, so I've decided that we make it now, do someone will take in charge when your teacher's are not in the room" sambit ng adviser namin.
Nakalimutan ko nga palang sabihin sainyo, nung pumasok ako sa paaralan nila Jayne at Arki ay second week palang sila, which means kakaumpisa palang nila.
"Okay, lets start the nomination" Saad ng aming guro at tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo
Nagsulat sya sa board ng president, vice President, secretary, treasurer at iba pa.
"Okay" Saad ng guro namin matapos syang magsulat sa board
Hulaan nyo kung ano favorite word nya hahahah.
"The position for president is now open, you can start the nomination" Saad ng aming guro
"Ma'am I nominate Mr. Fernandez as our class president" Saad ng isang naming kaklase at halos lahat sila at tumango
"Ok Mr. Fernandez come stand over here as our nominee" Saad ng aming guro
Kahit ayaw nitong Prince na ito tumayo sa kanyang kinauupuan ay wala din naman siyang choice kung hindi sumunod at pumunta sa harap.
"Anyone? May iba pa ba kayong nominee?" Saad ng aming guro
"Ma'am" sabi ng isang ko kaklase sabay taas ng kamay
"Yes" Saad ng aming guro at pinatayo nag kaklase ko
"I close the---"
"Ma'am, sorry for disturbing but I want to nominate Creselle Eleighn Montallana as president" pagputol ni Jayne sa kaklase ko
Hindi na ako umimik, kahit naman kasi tumanggi ako sige parin sila sa pagnominate sakin. Kaya lagi akong president noon dahil sakanila eh.
Pinatayo ako ni ma'am sa harap at sinunod ko naman siya. Tumayo ako sa harap, at nagsimula na silang mag bilang. Infairness hindi lang sina Arki at Jayne ang bumoto saakin.
In the end, naiinis ako, kasi ako ang nanalo. Bwesit naman, ako panga ang president.
"Well then, looks like miss Creselle here is our president, what about vice pres?" Sabi ng aming guro at syempre pinili nila si Prince.
They continue the nomination, hanggang sa lahat ng spot ay mayroon na.
"So here's our list of class officer's.
President - Creselle Eleighn
Vice president - Prince Axle
Secretary - Gia Briella
Treasurer - Arkisha
Auditor - Kelsey Jayne
P. I. O- Vince Carter
Muse - Reese
Escort - Elion
Now our class officers are complete, class dismissed" Saad ng aming guro at umalis na.
Paglabas ng aming guro ay lumapit ako kina Jayne. Nang makalapit ako sakanila ay saka ko pinag-aalog si Jayne.
"Alangya kayo teh, naging president pa nga" sabi ko habang patuloy lang sa pag-alog kay Jayne
"Kanina hindi ka nagrereklamo tas ngayon" sabi ni Arki tinignan ko naman sya ng masama habang hininto ang pag-alog kay Jayne na ngayon ay nahihilo na.
"Aba paano ba naman-" pinutol ni Jayne yung sinasabi ko habang tumatawa
"Kasi lagi ka nalang president" sambit ni Jayne
Sa totoo lang kahit saan ako pumunta, ako laging ginagawang president, matapang daw kasi ako, kaya ko daw patahimikin ang mga magugulo gamit ang isang saway o tingin.
Magsasalita pa sana ako kaso dumating na ang sunod naming guro. Kaya wala akong choice kung hindi bumalik sa upuan ko.
"Tsk ang likot mo" bulong ng katabi ko na nakadukdok ang ulo sa mesa
"Nandiyan na ang guro natin, kaya umayos ka na diyan" bulong ko sakaniya
Hindi ko naman ineexpect na susunod siya kase nga base sa kuwento saakin nina Jayne at Arki, hindi ito basta basta sumusunod sa kahit anong utos. Pero, ikinagulat ko na lamang ng umayos sya ng pagkakaupo at nakinig.
Sigurado ba sila sa kuwento nila? O mali lang ang tingin ko dito? Ay basta, makikinig na lang ako sa aking guro.
Matapos ang mahaba habang lecture ng guro namin napaka daldal.
Hay salamat at oras na para umuwi.
Pagkalabas ng aming guro sa classroom namin ay agad na akong tumayo at nag unat-unat. Hay ang sakit ng likod ko, grabe matanda naba ako?
"Okay everyone before we leave, gusto ko sanang mag set tayo ng mga maglilinis ng classroom natin, we have to maintain our classroom clean. Pagpasok, sa kalagitnaan ng mga klase, at paglabas ng classroom. We have to be responsible" sambit ko, hindi ko na kailangan nang sumigaw sigaw pa katulad ng ibang president para lang makuha ang atensyon ng kanilang mga kaklase.
Ako kasi yung klase ng tao na kapag nagsalita na ay wala kang ibang magagawa kung hindi makinig, gulat nga ako pati itong katabi ko at yung mga alipores nya nakikinig. Pag mga feeling mataas kasi mahirap mapasunod, yan din dahilan kaya nahirapan ako sa America, kailangan ko pang turuan ng leksyon, ipakita kung gaano ako kademonyohan bago sila sumunod.
"Tsk maglilinis pa, why not let the janitor's clean it? Trabaho naman nila yan eh" iritang sabi ng katabi ko. Nako pigilan nyo ako at baka masapak ko ito.
"Not because they are a janitor, ay hidni na natin sila tutulungan, beside it's your trash you should clean it yourself" sabi ko sabay irap
Magsasalita pa sana yung alipores nitong si Prince kaso tinignan ko ito ng masama, na para bang sinasabi na "I'm your president, respect me or else" kaya ayun hindi na umimik. Aba nagana din naman pala sa kanila ang mga ganoong tingin.
"Anyway's I'll send the list of cleaner's in the gc" sabi ko at pina dissmiss na sila
"Wait. Class officer's wag muna kayong umalis, pinapatawag tayo ni Ma'am" sambit ko, tinignan ko yung Prince at mga alipores nito.
"Tsk, no." As expected
"As a class officer you have a obligation to follow our leader, our adviser. So whether you like it or not your going" Seryoso kong sabi
"If i said no. No. " Saad nito at tinignan ako ng masama
Halos lahat sila natahimik, tila natatakot sa titig nito, ngunit hindi ako nagpatinag, sapagkat hindi ako basta basta natatakot ng mga titig na mala demonyo dahil isa din ako mala demonyo kung umakto.
"I'm the president here, so whether you like or not, susundin mo ang utos ko" I said and look at him with no expression.
"You're just a class officer, while I'm the son of this school" sambit nya.
Heh palaban I love this. Pero wala ako sa mood ngayon eh. So I punch him in his stomach. Joke ayoko ng gulo kaya hinayaan ko nalang sya.
"Bahala ka sa buhay mo hindi ko sasayangin ang oras ko sa 𝘱𝘢𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 na tulad mo" sabi ko habang diniin ang word na oabugat.
Halos lahat sila nagulat maliban kina Jayne at Arki, they know me. At kahit sino ay sasagutin ko ng ganoon, lalo na kung pet peeve ko.
Hindi nakaimik ang lahat pati mga alipores ni Prince, maliban kina Jayne at Arki na sinundan ako palabas.
"Class officers. I'm warning you, pag may kulang mamaya sa meeting, wag kayong magpapakita sa monday" sabi ko
May narinig akong ingay ng upuan, looks like someone is mad.
**✿❀ 𝑀𝑒𝑒𝑡𝑖𝑛𝑔 ❀✿**
"Is everyone here?" Tanong ng guro namin, walang umimik ni isa.
Tsk looks like we're incomplete then.
"Let's take an attendance then" Saad ng aming guro
Nagsimula sya sa muse. Ewan ko bakit, trip nya ata na sa muse mag umpisa.
"Gia Briella Silvestre?" Tawag ng aming guro "Gi Briella Silvestre?" Ulit ng guro namin "looks like our secretary is not here" sabi ng aming guro habang kino-cross out ang pangalan ni Gia.
Napa-irap nalang ako, pinupuno talaga ako ng mga yon.
"Next is--" naputol ang sasabihin ng aming guro nang biglang may pumasok sa meeting room.
"Sorry we're late" sambit ng isang boses sa likod ko,
"Tumingin ang mga kasama ko habang ako naman ang nanatiling nakatingin ng deretso hanmbang nakacross arm.
"Ms. Silvestre and Mr. Fernandez, your here so looks like everyone is here, well then let's start our meeting" sambit ng guro namin at sinenyasan ang dalawa na umupo na
Umupo ang dalawa sa bakanteng upuan at nag-umpisa na ang meeting.
**✿❀ 𝐴𝑓𝑡𝑒𝑟 𝑡ℎ𝑒 𝑀𝑒𝑒𝑡𝑖𝑛𝑔❀✿**
Naglakad kami palabas ng meeting room. Syempre tapos na ang meeting alangan mag stay kami doon diba?
"Hoy, Montallana" sambit ng isang lalaki sa likod ko
Nilingon ko ito at tumambad saakin ang galit na galit na Prince Axle
"Oh bakit? Mr. Fernandez?" Seryoso kong tanong
"Ano yung sinasabi mo na pabigat ako ha?" Naiinis niyang sabi
Hindi ko mapigilan ang tawa ko "Jeez para kang bata" sambit ko habang nagpupunas ng luha
Nakita ko kung paano namula ang mukha nito sa galit.
"Damn you" sambit niya ngunit hindi ko na ito pinansin at naglakad nalang paalis habang kumakaway
"I'm not in a mood to cause a fight" I said as I continue walking away
Narinig ko ang pagtadyak nya sa sahig. Galit na galit gustong manakit.
Author's POV
Sorry for a short update. Buy I hope you enjoy it. Until next time