Narito ako ngayon sa harap ng bago kong paaralan. Infairness malaki din itong paaralan na ito. Pagtapak ko sa campus ay mayroon biglang sumalubong ng yakap saakin.
"Omg, you're back, nagbabalik na ang aming Creselle" nasasabik niyang sabi
"Jayne huminahon ka, kakabalik palang ni Cres pero baka isipin niyang bumalik na muli sa Amerika dahil sa inaasta mo" sambit ni Arkisha na nasa likod ni Jayne
"Ayos lang, huwag kayong mag-alala hindi naman ako ganoon no" natatawa kong sabi
"Hindi daw pero nung 11 years old palang tayo sino kaya ang nang-iwan?" Sambit ni Jayne habang nakataas ang isang kilay nito
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa inaasta nila. Damn 5 years and still nothing has changed, they are still the clingy Kelsey Jayne Mendoza and the nonchalant Arkisha Castro.
Sila nga pala ang mga kaibigan ko dito sa pinas, We've been best friend since elementary. Ngayon high school na kami ay wala paring nagbabago sa aming pagkakaibigan.
Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunong ang bell hudyat na ang lahat ng estudyante ay nararapat lamang na nasa kanilang mga silid-aralan na at hindi pakalat-kalat sa kahit anuman sulok ng paaralan. Ibig sabihin lamang nito ay bawal magtambay ang mga estudyante sa hallway, cr, basta kahit saang sulok.
"Halika na, punta na tayo sa classroom natin" sabi ni Jayne sabay hila saakin
"Sandali lang dahan dahan madadapa ako sa bilis mo" pagrereklamo ko, si Arki naman ay nasa likod, tahimik na nakasunod saamin
Nang makarating kami sa silid-aralan namin ay hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko hinihingal ako na kinakabahan na ewan basta hindi ko mapaliwanag. Paano ba naman kasi kung hilain ako ni Jayne parang lilipad na ako, ang higpit ng hawak sakin tapos ang bilis pa ng lakad niya, namumula tuloy yung wrist ko. At hindi lang yon, my gosh ang layo ng room namin, hindi naman sobrang pero third floor??? Seryoso?.
"Good morning sa mga naggagandahan at nagpopogian kong mga kaklase" bati ni Jayne sa mga kaklase namin
Napatakip nalang ako ng mukha sa kahihiyan na ginawa ni Jayne, si Arki naman nakatayo lang sa gilid na para bang sanay na sanay na, sabagay matagal tagal nadin silang nagsama. Ako kasi nahiwalay sakanila kaya medyo naninibago tuloy ulit ako sa kakulitan ni Jayne.
Sabay kaming pumasok ni Arki at doon ko lang napansin na may guro pala. Hindi ko napansin yung teacher kanina akala ko mga estudyante lang nandito.
"Good morning po" I said with respect and polite voice
"Ahh ikaw pala ang sinasabi nilang bagong estudyante, tama ba ako?" Tanong saakin ng guro, tumango naman ako bilang tugon
Nakita ko kung paano senyasan ng guro nila or namin kasi parte na ako sa section na ito, sinenyasan ng guro namin ang taong nasa aking likod, siguro si Arki iyon at sinabihan nya ito na pumasok na at umupo. Pagka-upo ni Arki sa kaniyang upuan ay tumayo ang aming guro.
"Okay miss..?" Sambit ng guro namin halatang naghihintay sa akong sagot
"Montallana po" sambit ko
"No, your first name" sabi niya habang umiiling
"Ahh, Creselle po" I said
Tumango sya at tinuro ang aking mga kaklase "well then Miss Creselle I'm Ma'am Castillio, you can now introduce yourself to your classmate" sambit ng aming guro at umupo muli sa kaniyang upuan
Hinarap ko ang aking mga kaklase, tumindig ng maayos at nagsimulang magsalita "Good day to you all, to my fellow classmate and to Ma'am Castillio, I'm Creselle Eleighn Montallana, I was born here in Philippines but we move to America for some personal things. I came back here because my grandmother insisted. Sorry for my long introduction. But, all I can say is I hope we could get along" I said, I don't know why pero bigla na lamang nagpalakpakan ang mga kaklase ko
"Grabi para syang valevictorian na nag speech"
"Kaya nga, atsaka yung boses nya para siyang reporter"
"Sigurado ako matalino yan"
"Halata naman siguro, kasi isipin mo galing siyang Amerika"
"Hindi lang yun, siguro mayaman din sila"
Ilan yan sa mga narinig kong usapan ng mga kaklase ko
"Everyone silence, Ms. Creselle you may sit with Mr. Prince Axle over there" sambit ng aming guro sabay turo sa lalaking natutulog sa may pangalawa sa huli na upuan.
Tumango ako at tumungo sa upuan ko, habang patungo ako roon at may mga narinig akong bulungan mula sa mga kaklase ko. Mga chismosa ngq naman.
"Bakit naman doon pa pinaupo ni maam"
"Kawawa naman sya"
"Sana huwag siyang maglikot para hindi magising yan"
"Kaya nga, nakakatakot pa naman siya"
Ano kayang meron sa lalaki ito at bakit bawal siyang gisingin? Atsaka bakit natatakot sila sakaniya?
Hys itatanong ko nalang mamaya kina Jayne kung ano meron sa lalaking ito.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napansin ko na nasa table ko yung kamay niya kaya inusog ko ito ng kaunti. Hindi naman sobrang lakas ng pagkakausod ko pero nagising ito bigla at naglabas ng isang daing na halatang naiinis ito sa ginawa ko.
Lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa gawi namin. At nagsimula na ulit magbulungan.
"Hala nagising nya ata sya"
"Malalagot siya"
"s**t pre, nagising si Prince"
"Patay ganda pa naman nung transferee"
Tsk nakakairita naman yung mga bulungan nito, napaghahalataang mga marites ang section na ito.
UUuúyaà
Ramdam ko yung masamang titig nung lalaki saakin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko or anong kabaliwan meron sa bibig kodahil bigla nalang itong nagsalita, walang isip isip, bigla nalang ako nagsabi ng..
"Tigilan mo kakatitig sakin ng ganyan kung ayaw mo dukutin ko yan mga mata mo" masungit kong sabi
Pati yung guro namin na balak na nagche-check ng mga test paper ata yon ay napatigil, lumakas din mga bulungan nila. Tsk nakakarindi.
"Tsk, stupid girl" bulong niya pero narinig ko
At syempre dahil lumaki akong palaban. Hindi ko din alam kanino ko ito namana, dahil hindi naman palaban ang mga magulang ko, at lalong hindi nila ako pinalaki na ganito, sadyang nasa personality ko na ito. Pero hindi ako lumalaban sa mga magulang ko ha baka kung anong isipin nyo.
"Atleast hindi piling guwapo, kahit mukha naman kulugo" bulong ko din pero sapat na ito para mapahiyaw ang mga kaklase ko
"Grabe kakadating palang niya pero parang feeling ko mapapaalis na sya agad"
"Palaban si ate girl"
Nagsimula nanaman ang mga bulungan nila. Lalong lumalakas, tsk nakakarindi naman.
"Everyone silence" sigaw ng guro namin kaya natahimik silang lahat.
Nakatitig parin ng masama sakin yung lalaki, kaya pinakitaan ko ng matulis kong ballpen at umaakto na itinatarak ito. I think effective naman kasi umiwas siya ng tingin.
◦•●◉✿ 𝐿𝑢𝑛𝑐ℎ 𝑏𝑟𝑒𝑎𝑘✿◉●•◦
"Huy ang tapang mo naman don Cres" sambit na sabi ni Jayne saakin habang umaakto na parang kinikilig.
Nababaliw na talaga 'to. Malapit lapit na talaga boluntaryo ko itong dadalhin sa mental hospital. Baka magtino naman.
"Teka nga ano bang meron sa lalaking iyon at bakit parang takot ang buong klase sakanya?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi lang buong klase natin" pabitin na sabi ni Jayne
Tinignan ko sila na naguguluhan. Wag kasi pabitin, alangya to oh.
"Buong campus ay kinatatakutan sya" tuloy ni Arki
Kaya lab ko itong si Arki eh siya yung nagtutuloy ng mga nauudlot na kwento ni Jayne. Pero hindi parin sapat yung impormasyon na binigay nila.
"Kumpletuhin nyo naman paputol putol kayo eh" reklamo ko, napapakamot nalang ako ng batok dahil sa putol putol na impormasyon ang binibigay nila.
"Ateh koh hendi nha dhaphat nammn ikwentho saho yahan kahshi yagi nhaming kinukwentoh sayoh yahn" sabi ni Jayne habang ngumunguya
"Sige salita ka pa habang ngumunguya, akala mo naman naiintindihan kita" sabi ko sabay irap
Nilunok muna ni Jayne yung nginunguya nya bago magsalita "sungit mo nanaman, ang sabi ko 'ate ko hindi na dapat namin ikwento sayo yan kasi lagi naming kinukwento sayo yan' oh ayan malinaw na" sambit si Jayne na mukhang nanggigil pa, pandilatan ba naman ng mata
"Eh hindi ko nga alam" sabi ko at pinandilatan don siya ng mata.
"Oh teka lang, huminahon kayo at baka mag-away pa kayo rito, Jayne sige ka babalik ng Amerika yan" sabi ni Arki kaya tinignan siya ni Jayne ng masama
"Bat ako-" pinutol ko ang sasabihin niya "ops na, Arki mind if you tell me about him? Again. Kung ito ay nasabi nyo na maari mo bang ulitin?" Sambit ko
"Kay Cres ka lang talaga makakakita ng englishera pero makata kung magsalita" sabi ni Jayne kaya hindi namin maiwasang matawa.
Tinignan ko si Arki parang sinasabihan siya na ituloy niya.
"Prince Axle Fernandez, is the most feared student here in Phoenix Crest High, why? Because he is the youngest son of the owner of this school, so messing with him means he can removed you from this school anytime he want" kuwento ni Arki
"Hindi lang yon, mayroon din siyang grupo na tinatawag na 'the PMG vipers'" sabi ni Jayne
"PMG vipers? Ang baduy naman ng pangalan" sabi ko, pero syempre curious ako kaya "ano ba meaning nyan?" Tanong ko sakanila
Tumingin sila sa isa't isa at tinignan nila kung may makakarinig ba. Like bruh sa ingay ng mga tao dito sa cafeteria, hinding hindi sila maririnig ng kahit sino.
"P stands for Prince Axle Fernandez, he's the leader of the group" well sino pa nga ba ang magiging lider? Sa mukha palang non parang hindi na magpapasakop sa kahit sino.
"M stands for Marius Nikolai Aguillar, he's the playboy of the group, every week may iba't ibang babae syang napapaiyak" tuloy ni Arki
"G stands for-"
"Hulaan ko Gio" nakangiti kong sabi
"Close enough, but wrong, it's actually Gia" sambit ni Arki na may seryosong mukha
"Babae?" Naguguluhan kong tanong
"Babae" singit ni Jayne, tumango naman ako bilang tugon
"She is the only girl in their group, her full name is Gia Briella Silvestre, let's just say she is the queen of the campus. And as for vipers we don't know why they pick that name" Saad ni Arki
"Baka mga ahas kasi" nakakaloko kong sabi
"Pwede, kasi tingin palang nila parang tutuklawin ka" pagsang-ayon ni Jayne, nagkibit balikat naman si Arki.
Magtatanong pa sana ako about sa PMG Vipers na yon ng biglang lumakas ang bulungan at mayroon pang mga nag titilian.
"Ayan na ang PMG Vipers" rinig kong tili nila
"Magbigay kayo ng daan" sigaw nung isa
At marami pang-iba, pero dito talaga ako natawa
"Prince, anakan mo ako" sigaw ng isang estudyante like ate gurl aral muna or kung sino mang bakla o tomboy o kung ano man sya na humiyaw non.
Ngunit sa likod ng hiyawan ay patuloy lang sila sa paglalakad. Patungo sa... Table namin?
"Hey pretty girls" Saad ng isang lalaki, siguro ito yung Marius Nikolai na yon, yung playboy daw.
"Who among you is the transferee girl?" Nanggagalaiting sabi ng babae, siguro ito si Gia, malamang Cres siya lang nag-iisang babae.
Napansin kong nasa likod lang si Prince nanonood nakacrossed arm. Aba sumbungero din pala itong si Kuya, ano yan pabebe lang?
Magsasalita pa sana si Jayne nang tumayo ako sa upuan ko, walang emosyon ang mukha.
"Me, why?" Maiksi kong Saad
Nakita ko kung paano ngumisi yung Marius na iyon "aba matapang" Saad niya
Lumapit saking si Gia at aamba na sana ng sampal, ngunit pinigilan ko ito. Pasalamat ito kakarating ko lang sa paaralang ito, baka mapaalis ako kapag gumawa ako ng gulo. Okay na ako sa eksenang ginawa ko kanina sa classroom, wag na sanang dagdagan pa.
"Ganito ba talaga kayo magwelcome ng mga tranfered student? Ginagamitan ng pisikal na pananakit?" Saad ko
Tila ba may na kung anong pumutok na ugat sa Prince na yon at biglang sumingit.
"If your not so annoying kanina, maybe you won't experienced this" sabi ni Prince
"Ah so kasalanan ko? Kasalanan ko na pahara-hara yang kamay mo sa desk ko" sabi ko, hindi na ako gagawa ng eksena pero nagagawa nilang makuha yung pikon ko.
"You-" sasampalin nanaman sana ulit ako ni Gia ng humarang si Arki
"Forgive our friend, she's new here, she doesn't know what rules we have in this school" pagdependa ni Arki sakin
"ARKISHA" ewan ko ba lumalabas talaga ang pagiging demonyo ko pag may mga kaharap ako na feeling hari at reyna
"Halika na umalis na tayo" bulong ni Jayne
"But-"
"No buts" Saad nila at hinila ako palabas ng cafeteria
Humanda talaga saakin yung tatlo na iyon, akala nila papalampasin ko yung ganito. I'm not some soft girl na hahayaan lang sila na bullyhin ako.
Author's Note:
Hello everyone, pasensya na kung nakakabitin man ang aking kuwento, bawi nalang ako sa susunod. Anyways hope you enjoy the story. See you in the chapter.