Chapter 3

2455 Words
**✿❀𝚂𝚊 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢❀✿** Ang boring naman, maaya nga ang mga kupal para maglakad lakad. 🩵Sino ka? bat ka nandito? Magaganda lang pwede dito. 🩵 You: Yow mga kupal Jayne: Hi pretty pretty babes Arkisha: Bored ka no? You: Omg Arki kilala mo talaga ako 🤩 Arkisha: Ay, malamang nagcha-chat ka lang naman dito kapag bored ka. Jayne: Sakit mo naman Cres, hinahanap mo lang kami kapag may kailangan ka 😿 You: Bakit ayaw nyo? Arkisha: Ano bang gagawin? You: Tara gala Jayne: Libre mo? You: Aba Jayne: Oh bakit nag aya ka You: Teka lang naman kasi, hindi pa tapos magtype pinangungunahan mo nanaman ako Jayne: Ay sorry po 😅😗 You: Ano tara? Arkisha: Sige, mag-aayos lang ako, sunduin ko kayo. You: Yown oh, may kotse siya 🤩 Jayne: Dapat talaga yung pangalan ng gc natin, Powerpuff girls eh You: Huh? Bat naman? Jayne: Ako si bubbles, ikaw si blossom, tas si Arki si buttercup 😻 You: Hindi ko gets 🤧 Arkisha: Imbis na mag-ayos nagchachat pa sila dito 🫩. Kapag ako nasa labas na ng bahay nyo at hindi kayo nakaready bahala na kayo, wag ng ituloy ang gala You: Sorry na mommy, wag ka na magalit Jayne: Uwu 👉🥺👈 Arkisha: Power puff girl nga You: Pangit ata ng childhood ko, hindi ko alam yang Powerpuff girls nayan Jayne: Pangit nga Arkisha: Pangit nga You: 🥹🥹 ─────୨ৎ──── Aba ang sasama ng mga ugali. Teka nga mag-aayos na ako. **✿❀ 𝐴𝑓𝑡𝑒𝑟 15 𝑚𝑖𝑛𝑠❀✿** Tapos na akong mag-ayos hinihintay ko nalang si Arki. Hala teka, nakalimutan ko palang magpaalam kay Mama Fey. Mabilis akong tumakbo pababa ng sala. Doon kasi madalas nakatambay si Mama Fey kasama si Tita May. Si Tita May ay kapatid ni Mom at anak ni Mama Fey. Siya lang ang narito sa pinas kasama ang anak niya si Alex. Dito din sila nakatira sa bahay ni Mama Fey, sila kasi ang nag-aalaga sakanya dahil sa may sakit ito. May naalala nanaman tuloy ako, gosh bawal umiyak. "Mama Fey" sabi ko at lumapit sakanya. Pagkalapit ko ay naupo ako sa tabi niyo at hinagkan siya, yes ganito ako kalambing sa lola ko, bakit papalag kayo? "Oh Ella, ay bihis na bihis ah" pang-aasar ni Mama Fey Hindi ko tuloy maiwasan na mapingiti, "Mama Fey ayos lang po ba kung gumala po ako kasama ang aking mga kaibigan?" Tanong ko sakaniya "Syempre naman, bakit naman kita pagbabawalan sa mga gusto mo" sabi niya at hinaplos-haplos yung pisngi ko Ito ang gusto ko kay lola eh, sakaniya ko namana ang pagiging malambing ko. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na ang palayaw ni Lola saakin ay Ella, wala man daw ito sa talagang pangalan ko pero hilig nya na tawagin ako nito, simula bata palang ay ito na ang tawag nya saakin. Ako lang kasi ang nag-iisang babae sa magkakapatid at magpipinsan, balak daw sana akong pangalanan ni Lola ng Ella kaso sabi nila mom na Creselle Eleighn nalang raw ang ipangalan saakin para unique daw. "Salamat Mama Fey, kaya lablab kita eh" sabi ko habang hinahalik-halikan ang mga pisngi nito at niyakap siya ng mahigpit. Magbo-bonding pa muna sana kami ni Lola habang naghihintay ako, kaso may bigla bumusina sa labas ng bahay. "Kaibigan mo na ata iyon Ella, puntahan mo na wag mo nang paghintayin pa" tumango naman ako at hinalikan siya muli sa pisngi "Bye Mama Fey, alis na po ako, pangako hindi po ako magpapagabi" sabi ko at hinalikan siya muli "Tita May alis lang po muna ako" sabi ko at tumango lang si Tita May na nasa kusina, hinahanda ang makakain ni lola. Kahit kasi may mga maid si Mama Fey ay hindi parin nagtitiwalan si Tita May, gusto niya siya ang maghanda ng nakakain ni Mama Fey para healthy raw. "Ingat ka ha" sabi ni Tita may, tumango naman ako at lumabas na ng bahay. Paglabas ko ay nakita ko ang kotse ni Arki. Binaba ni Arki yung bintana sa may passenger seat. "Sakay na" sabi ni Arki kaya dali dali akong pumunta at pumasok sa passenger seat. "Sana all oh, passenger princess ni buttercup" sabi ni Jayne na ngayon ay nasa backseat. "Sino si buttercup? " naguguluhan kong sabi "Ay oo nga pala pangit nga pala ng childhood mo, hindi mo kasi alam yung Powerpuff girls" sabi ni Jayne sabay irap Tumawa naman si Arki at nagsimula ng magmaneho. Wag kayong mag-alala sinuot ko na yung seat belt bago ipaandar ni Arki yung kotse. "Sorry ha Dora at Wonder Pets kasi yung pinapanood ko nung sanggol pa ako" biro ko "Ay grabi, wala ka pala eh, nasa tyan palang ako pinapanood ko na yang mga yan" sabi ni Jayne na agad naman sinundan ni Arki ng "Nako, talo kayo, ginagawa palang ako nanonood na ako ng paa patrol" sabi ni Arki "Hulaan ko crush mo don si Ryder" sabi ko at tumango naman si Arki. Kaya tumawa naman kami ni Jayne. "Oh bakit? Alangan naman sa aso ako magkagusto" dagdag ni Arki kaya hindi na namin napigilan tumawa ng malakas "Tawa kapa Jayne naging crush mo nga si brick" sabi ni Arki Tinignan naman sya ni Jayne ng masama habang ako ay naguguluhan "Sino yun" mangiyak ngiyak kong sabi "Yan pangit kasi ng childhood mo" pang-aasar ni Jayne "Aba, atleast pogi childhood crush ko" sabi mo sabay irap "Sino ba childhood crush mo?" Tanong ni Jayne "Si Riven yung sa Winx" sabi ni Arki habang tumatawa "Toxic naman yun" sabi ni Jayne "Hoy wag ka si Sky yung crush ko don" sabi ko sabay irap "Weh? Napaka defensive mo naman ata" pang-aasar ni Arki "Ikaw talaga" sabi ko at kinurot ang tagiliran nya "Hoy nag dri-drive ako" natatawang sabi ni Arki Makalipas ang ilang oras na pagmamaneho ay nakarating narin kami sa wakas sa destinasyon namin. Ang paborito kong lugar dito sa pinas. Parati kaming pumupunta rito nung mga bata pa kami, magpapahatid kami sa driver ko at ilang oras kaming maglalaro dito. Kung tutuusin ang bakanteng lupa na ito ay naging palaruan na lamang naming tatlo. Wala na kasing may balak bilhin ito kaya binili nalang ni dad, then we decided to design it. Naglagay kami ng tatlong duyan, isang maliit na bahay kung saan iniistore namin doon ang mga magagandang alala, at higit sa lahat ay isang hardin na puno ng mga paborito naming bulaklak at mga prutas at gulay na aming tinanim. "Lalong gumanda ang lugar na ito, nagsilakihan narin ang mga halaman na ating tinanim, parang kailan lang mga buto pa lamang sila" sambit ko habang tinitignan ang mga halaman "Ayan nanaman po siya, makata nanaman" reklamo ni Jayne. Hindi namin napigilang tumawa ni Arki. Ang kulit hahaha. "Tara tignan natin yung bahay" sambit ni Jayne at hinila ako papunta sa maliit na bahay. Pagbukas namin dito ay may isang bunk bed, at isang bed na nahiwalay, sa gitna ay may maliit na bedside table. Sa gilid ay may maliit na kusina at dalawang pinto, yung unang pinto ay cr, at yung pangalawa ay, isang kwarto. Pagbukas namin ng pinto ay tumambad saamin ang mga litrato. "Grabe parang kailan lang itong mga litratong ito" sambit ko habang tinitignan isa-isa ang mga litrato na nakadikit sa mga lubid na nakasabit sa dingding at yung mga nakadikit sa mga pader. May picture na nasa duyan kami, may picture na nagtatanim kami, may picture na matutulog si Jayne, meron din yung nadulas si Arki sa cr at syempre merong ako na kumakain ng buhangin. Lima o anim na taong gulang palang ata ako dito. Hindi ko rin alam kung bakit ako kumain ng buhangin sa litratong ito, basta ang alam ko mga masasayang memorya ito. "Nakakamiss no?" Sabi ni Jayne habang nakatingin din sa mga litrato Tumango naman ako bilang tugon. "Halika gawa pa tayo" sabi nya sabay piggy back ride sa likod ko "Ho-hoy mahuhulog tayo" sabi ko at tuluyan na nga kaming bumagsak sa sahig, ngunit bago pa man mangyari yon ay may narinig akong tunog ng camera na ng shutter. Pagtingin ko sa may pinto ay Kitang-kita ko si Arki na tumatawa habang may hawak na camera. "Ang daya mo kinukuhanan mo kami ng hindi nagpapaalam" reklamo ko "Sorry na" natatawang sabi ni Arki, habang winawagayway ang isang polaroid Hinabol ko siya palabas ng bahay upang kunin yung polariod sa kamay niya. "Akin na yan" sabi ko habang hinabol sya. Nakarinig nanaman ako ng camera shutter at nakita kong si Jayne naman ngayon may hawak ng camera. Tinignan ko siya ng masaya. "Grabe kayo ha mga paparazzi" reklamo ko na ikinatawa nila. Natawa narin ako, hys nakakamiss talaga ang makasama itong mga 'to, walang sawang tawanan ang aking nararanasan pag sila ang aking mga kasama. Nako naman Creselle tumutula ka nanaman. ♡*♡∞:。.。 𝐴𝑓𝑡𝑒𝑟 10 𝑀𝑖𝑛𝑢𝑡𝑒𝑠 。.。:∞♡*♡ Ang dami namin nakuhang litrato. "Ano pa hinihintay natin? Tara idikit na natin yan" sambit ni Jayne Sabay kaming tumango ni Arki at nagtungo muli sa loob ng bahay. Sinabit at dinikit namin ang mga litrato. Makalipas ang ilang oras ay natapos na din kami. "Kapagod" sambit ko at humiga sa nakahiwalay na higaan. "Ikaw pagod ako nagugutom, Arki luto ka naman oh" sabi ni Jayne na ngayon ay naka-upo sa bunk bed. "Oo nga pala, Arkisha patikim naman ng luto mo oh" nagmamakaawa kong sabi "Eh? Wala tayong ingredients" sabi ni Arki na sinisindi ang aircon "Edi bumili" sabi ni Jayne "Hoy teka, ano na nga ba ulit yung password ng wifi?" Ramdom kong question "Samahan mo ako" sambit ni Arki kay Jayne Luh hindi ako pinansin. "oi password" sigaw ko "Ate ko anjan talaga sa tabi mo yung wifi" sabi ni Jayne "Ay sorry" sabi ko at tinignan yung password sa may router. **•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ 𝑓𝑎𝑠𝑡 𝑓𝑜𝑟𝑤𝑎𝑟𝑑˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚* Nakabili na ng pagkain sina Arki at Jayne, ngayon ay nagluluto sila sa mini kusina, satingin ko ang niluluto ni Arki ay adobong manok. Tumayo ako sa hinihigaan ko at pumunta sa kanila. "Amoy palang ang bango na" sambit ko kaya napatingin saakincsi Arki sabay ngumiti "Bakit gutom ka na?" Tanong nya saakin "Mukha ba?" Tanong ko pabalik Umiling na lamang sya habang tumatawa "Malapit na ito" sabi niya "Ok, teka ayusin ko lang pagkakainan natin" sabi ko at pumunta sa labas ng bahay. Sa labas kasi may isa lamesa na may tatlong upuan at isang payong. Doon kami madalas kumain non. Kumapit ako doon upang ayusin ito nagdala na din ako ng mga plato kutsara at tinidor. Bumalik muli ako sa loob para magtimpla ng juice. Matapos kong matimpla yung juice ay lumabas ako muli, doon nakita ko si Jayne na inaayos naman ang kanin. "Grabe no, parang kailan kang maliliit palang tayo nung nandito tayo, ngayon 16 years old na hahaha" sabi ko "Alam mo, kung hindi ka kasi pumunta ng Amerika siguro punong puno na ng mga litrato natin yung kwarto" sabi ni Jayne kaya natawa naman kami Nakwento kasi nila saakin na simula nung umalis daw ako ay hindi na daw sila dumadalaw dito, pinapapunta nalang nila yung mga maid nila para mapanatiling malinis ito. "Pasensya na hindi ko rin naman ginusto na pumunta ron eh" sabi ko habang naglalagay ng juice sa mga baso "Anyways, Cres bakit hindi mo ikuwento saamin yung mga karanasan mo sa America?" Sabi ni Arki na kakalapag lang ng ulam sa lamesa. Sabi na nga ba eh adobo ang niluto nya. "Sure" sabi ko at umupo sa upuan Umupo nadin sila. Nagsimula akong magsandok ng kanin ko pagkatapos ay pinasa ko kay Arki at pinasa naman nya kay Jayne ng matapos ito. Ganon din sa ulam. Nang may pagkain na ang lahat sa kanilang mga plato ay nagsimula na akong magkuwento. Oo may group chat kami. Pwede ko naman ikwento doon sakanila mga karanasan ko, kasi masyado kasi akong nabusy sa school noon kaya wala akong oras na magkuwento sakanila . Sa 5 years na magkahiwalay kami, ni minsan ay hindi ako nakapagkuwento sakanila ng karanasan ko roon. Kung makakausap ko man sila, kaunting oras lang. Parang kamustahan lang tapos busy nanaman ang lahat. Maliban din kasi sa school, nag-aaral din ako kung paano magtake over ng company. Yes, kahit bata palang kami ay binibigyan na kami ng knowledge nina mom at dad kung paano mapanatiling tumatakbo ang mga kompanya namin. Pero kahit pa ganon ay hindi naman kami pinipilit ng aming mga magulang na itake over ang company kung hindi naman namin gusto. Binibigyan lang nila kami ng guide para kahit na iba ang aming mga pangarap ay alam namin kung paano sosolusyunan kung magkaroon man ng problema ang isang kompanya. Hussle man pero masaya naman aralin ang mga basic knowledge about business. Saktong pagkatapos naming kumain ay natapos na din ang aking kuwento. "Ako na ang maghuhugas ng mga plato" boluntaryo ko Tumango na lamang ang dalawa at tinulungan akong dalhin ang mga hugasin sa lababo. Oo galing kami sa mayaman na pamilya pero ang mga magulang namin ay tinuruan parin kaming maging masipag at hindi umaasa sa mga katulong namin. Kaya kahit na mayroon na kaming mga maids ay hindi parin ako sanay na sila ang gumagawa ng mga gawaing bahay, dahil mas sanay ako na ako mismo ang gumagawa nito. Natapos na akong maghugas ng pinggan kaya naisipan ko na lumabas at pumunta sa may duyan kung saan sina Arki at Jayne ay nanonood ng paglubog ng araw Umupo ako sa duyan na nasa gitna. "Ito yung paborito kong memory na nagawa natin dito" sabi ni Jayne habang pinagmamasdan ang magandang tanawin. "Bakit?" Tanong ko kay Jayne habang nakatingin din sa tanawin "Because we got to bond with you once again" sabi ni Arki "Aysus aminin nyo na kasi na miss nyo ako" sabi ko Tumayo naman si Jayne at lumapit sakin sabay kandong. "Syempre, walang papalit sa minsan makulit at minsan nonchalant naming kaibigan" sabi ni Jayne at niyakap ako ng mahigpit "Hoy teka sali nyo naman ako sa group hug nyo" sabi ni Arki na tumayo din sa duyan at sumama sa yakapan session namin ni Jayne "Teka lang naiipit na ako" reklamo ko pero sige parin sila pagyakap saakin, hanggang sa... *Blag* "Aray ko" reklamo ko ng bigla akong bumaliktad sa duyan "Hala sorry" sabi ni Jayne habang si Arki naman ay todo tawa lang. Grabi tong dalawang ito, sakit tuloy ng pwet ko. Tinulungan nila akong makatayo ang pinagpagan ang damit ko. Tinignan ko sila ng masama ang ngumiti naman sila sabay peace sign. Ito talagang mga kaibigan ko. Author's POV: Hanggang dyan muna, bye everyone. Hope you enjoy the story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD