Creselle Eleighn's POV
Maaga palang ay nasa school na ako. Narito ako ngayon sa hallway, nag-aantay ng signal. Mahina kasi ang signal sa loob ng room kaya kailangan ko pang lumabas makakuha lang ng signal.
"Huy"
"Ay palaka" gulat kong sabi ng may kung anong boses ang biglang nagsalita sa harap ko sabay sundot sa bewang ko
Tinignan ko naman ng masama yung nanggulat kaso, napawi din iyon agad ng makita ko na si Vince pala ang nanggulat na ngayon ay humahalakhak sa harap ko
"Kainis ka" saad ko at hinampas ang braso nito
"Haha, ang cute mo naman magulat" sabi niya habang nagpupunas ng luha
Hindi ko maiwasang ngumiti at umiling sabay irap. Oh diba ang dami kong ginawa.
Nang tignan ko muli sya ay doon ko lang nakita ang pasa sa kanyang mukha.
Hinawakan ko ito.
"A-aray" daing ni Vince
"Napano yan?" Tanong ko
"Ahh wa-wala" nauutal nyang sabi sabay kamot sa batok at iwas ng tingin.
"Sigurado ka?" Taas kilay kong sabi
Suminghal sya, hindi parin ako matignan sa mga mata.
"Ano kasi-"
"When you speak look at me, baka isipin ko pang nagsisinungaling ka" putol ko sa sinasabi niya, suminghal muli sya at tinignan ako.
Pansin ko sa mga mata nya na hindi niya ako matignan ng maayos, huminga sya ng malalim atsaka nag-umpisang magsalita.
"May nahablotan kasi ng bag kahapon kaya hinabol ko yung magnanakaw, hindi ko naman aakalaing dadalhin niya ako sa isang madilim na alley, tapos nung pagpasok ko don pinagtulungan nila akong bugbugin" kuwento niya
"Ilan sila?" Saad ko at sumandal sa pader
"Tatlo, yung dalawa hinawakan ako habang yung isa sinusuntok ako" hindi ko alam pero bakit parang natatawa ako.
Hindi ko tinatawanan yung experience nya pero kasi, para siyang bata na nagsusumbong sa ina.
"Huy hindi kaya yun nakakatawa" Saad ni Vince at suminangot
"Kasi naman para kang bata na nagsusumbong sa ina kasi kinuha kendi mo" Saad ko
Lalo syang sumimangot, dahilan para tumawa ako.
"Ang cute cute naman ng batang iyan" Saad ko at pinisil ang magkabilaan niyang pisngi.
Napansin ko na, umiwas sya ng tingin at unti-unting namumula ang mga mukha nito.
"Eherm" ubo ko at umayos na, dahil nararamdaman ko yung atmosphere sa paligid namin ay umiiba na
"So... Nakuha ba yung bag?" Pagbabalik ko sa kwento niya
"Yup, may mga tumulong din naman, balak pa nga sanang tumakbo nung tatlo pero naharangang naman sila agad, kaya ayun wala silang takas" proud niyang sabi
"Yieee, proud si mommy sa baby niya" pang-aasar kong sabi habang ginugulo buhok nila
Napansin ko na namula nanaman ang mukha niya.
"Hay nako Vince Carter Villanueva, nagmumukha ka ng kamatis sa lagay mo" pang-aasar kong sabi, dahilan para umiwas siya ng tingin.
Napatawa nalang ako sa ginawa niya.
Tinapik ko ang balita niya "halika na pumasok na tayo sa classroom, malapit na ring pumasok ang first subject natin" Saad ko
Nakita kong tumango ito bago ko siya lagpasan para pumasok sa room.
Saktong pagpasok namin ng room ay pumasok na din ang guro at sa likod nito ay yung tatlong tukmol.
Bodyguard yarn? Dinaig ang mga bodyguard kung sumunod sa likod ni Ma'am eh.
Gia Briella's POV
Break time na, pero hindi na kami lumabas dahil may mga baon din naman kami. Wala din namang ganang lumabas at maglibot yung isa. Nakadukdok nanaman kasi sya sa lamesa nya, binagsakan ng langit at lupa nanaman ito.
"Bri" tawag sakin ni Niko
"Ano nanaman ang gusto mo ha Niko? " sagot ko habang binubuksan ulam ko
"Uy ano ulam mo" sabi niya at hinablot yung baunan ako sa kamay ko
"Ano ba akin na yan" Saad ko habang inaabot yung baunan ko pero kahit anong abot ko nilalayo naman niya
"Sst" sitsit ni Prince, mukhang naiingayan sya
Pero imbis na huminto itong si Niko mas lalo pa nyang sinubukang ilayo ito.
"Akin na kasi Niko" sabi ko pilit inaabot ang baunan ko
"Teka lang kasi" Saad nyaa t binuksan ito "uy friend chicken penge naman" pagmamakaawa nya
"Ayoko, akin na yan" saad ko at kinukuha yung baunan ko pero mas lalo lamang niya itong nilayo
"Hoy, ano ba" suway nanaman ni Prince pero hindi ko na nagawang hinaan pa ang boses ko dahil naiinis na ako kay Niko
"Sige na, madami naman itong ulam mo, sige na isa lang" bigla akong kinilabutan ng magpacute ito, yuck.
"Ayoko nga kasi, kulit mo naman Niko kapag sinabi kong ayaw ko ayaw ko. Akin na yan" sambit ko at kinukuha parin baunan ko
Napatigil kami ni Niko ng makarinig ng kalabog ng mesa, looks like someone is mad.
"Ano ba kasing pinag-aawayan nyo ha? Kita nyo namang natutulog yung tao" saad niya at nilabas ang wallet nya sabay lapag ng 1 thousand sa desk nya "ito oh 1k bumili kayo ng ulam nyo, natutulog yung tao tapos iingay nyo" saad nya at lumabas ng room
Napatingin kami ni Niko sa isa't isa "hala ka" pabulong naming sabi.
"Kunin mo yung pera nya mawala pa yan" bulong ko at kinuha yung baunan ko sa kamay nya at naupo sa upuan ko
"Wag na, marami namang pera yun, hindi naman masakit sakanya kung mawalan pa yang ng kalahating million" sabi ni Niko at umupo sa tabi harapan ko
"Pengeng manok please" pagmamakaawa nya
"Ayoko nga" sabi ko at inirapan ito
"Sige na please, bigyan nalang kita ng ham para patas na tayo" saad ni Niko
"Tsk pasalamat ka favorite ko yung ham eh" sabi ko at kumuha ng isang manok at nilagay sa baunan nya
Ganun din ang ginawa niya, kumuha sya ng dalawang ham at nilagay sa baunan ko
"Oh dahil mabait ako bibigyan kita ng dalawa" sabi ni Niko
"Thank you" sabi ko na may pekeng ngiti
"Luh, ganyan ka talaga napaka sungit" sabi ni Niko at umiling
"Tsk, bahala ka dyan" pagsusungit ko at nagsimula ng kumain
Tinignan ko si Prince na ngayon ay nasa hallway at may sigarilyo sa bibig. Hindi ko masasabing payapa sya ngayon dahil halata sa kaniyang mukha ang pagkairita.
Bad mood nanaman sya, nagising kasi sa pagkakatulog. Ayaw na ayaw pa naman nya ang nagiistorbo siya sa kaniyang pagkakatulog. Mayroon guro noon ginising siya sa kaniyang pagkakatulog at ayun napaalis siya, naalala ko pa mukha nung guro nung nalaman niya na hindi dapat binabangga si Prince.
Tahimik lang siyang nagsisigarilyo ng bigla siyang lapitan ni Creselle, hys yung tranferee naming naging President, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ng mga kaklase ko at pinili siyang maging president.
Pansin kong maraming buhat buhat si Creselle, may sinasabi siya kay Prince pero hindi ko marinig dahil malayo ako. Nakita ko kung paano mainis si Prince mukhang nagpapatulong itong si Creselle. Teka, tinapon ni Prince yung sigarilyo? Nakakagulat yon ah, kahit sino man kasi ang sumuway sakaniya sa paninigarilyo walang siyang sinusunod, tanging ang kuya lang nya ang nakakapagpatigil sakaniya sa paninigarilyo.
Atsaka hindi lang iyon ang nakakagulat, Prince helped Creselle carry the things she was carrying. Binuhat ni Prince lahat at naglakad si Creselle palayo, sinundan naman siya ni Prince. Damn ang lakas ng loob nya, how dare she treat our boss like a dog.
"Hoy Bri yung kutsara mo yupi na" sabi ni Niko na may laman pa ang bibig.
Tinignan ko ang hawak ko kutsara at tama nga siya nayupi yung kutsara, ayos lang tapos narin naman na akong kumain. Inayos ko ang baunan ko at tinapon ang kutsara.
I think, kailangan kong kausapin si Creselle, hindi niya alam mga ginagawa niya, binabangga niya ang mga hindi dapat banggain.
But, I'll talk to Prince also, bakit niya sinunod si Creselle? Prince is someone who doesn't follow orders to anyone, kaya nakapagtataka kung bakit niya sinunod yung Creselle na iyon.
Hmmm, I feel something weird. Something that I don't know how to explain. Something that only Prince know the answer.