Creselle Eleighn's POV
Papunta ako ngayon sa office ng adviser namin, nasa ko likod si Prince na napilit ko lang na samahan ako, hawak hawak nya ang mga papel na natapos ko ng icheck.
"Oh, baka gusto mo" Saad ko at inabutan siya ng lollipop
"Ano ako bata?" Inis niyang sabi
"Ayaw mo? Pamalit sana doon sa sigarilyong tinapon mo" sabi ko na patuloy parin sa paglalakad
"Pinatapon mo" pagtatama nya saakin, pero hindi ko siya pinansin
"Ayaw mo, bahala ka" sabi ko at nilagay sa bulsa ko yung lollipop
"May bitbit ako, hindi ko mabubuksan yan" Saad niya, at kahit na nakatalikod ako sakanya ay alam kong nakaiwas sya ng tingin.
Sus palusot pa itong Prince na ito, hindi pa sabihin na gusto niya, pakipot pa.
Kinuha ko sa bulsa ko yung lollipop at binuksan ito. Nang mabuksan ko na ito at humarap ako sakanya at nilapit ito sakanya, para bang sinusubuan ko sya.
Nagulat si Prince sa ginawa ko, hindi siya makagalaw sa pwesto nya.
"Oh ayan binuksan ko na para sayo kawawa ka naman kasi. Huwag kang mag-alala Hindi ko nilawayan yan at mas lalong hindi yan yung kinakain ko kasi ito yung akin oh nasa bibig ko" saad ko habang inaabot parin ang lollipop sakaniya
Hindi siya umimik at hindi din siya gumalaw sa kinatatayuan nito
"Aba'y bilisan mo naman nangangalay yung kamay ko dito noh, awa naman sana. " reklamo ko kaya sinubo nya yung lollipop.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ewan. Bakit ko naman sinabing 'awa naman sana' eh wala naman awa itong lalaking ito. Galing mo talaga Creselle, at dahil jan perfect score ka sa katalelukan.
Pagkatapos niyang subuin yon ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa faculty ng aming adviser.
Nang makarating kami, ay kumatok ako ng tatlong beses bago ko marinig yung salitang 'pasok' ng aming guro. Pumasok ako at binati ang aming guro, sumunod naman si Prince, pero imbis na bumati sa aming guro ay tumayo lang siya sa gilid ko at hindi bumatiq. Siniko ko ito, tinignan muna nya ako kaya tinignan ko rin siya na parang nagsasabing 'magbigay galang ka'.
"Magandang umaga 𝘱𝘰" Saad ni 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦, alam kong sarkastiko niya itong sinabi, pero okay na yon atleast bumati. Pero kung pwede lang tuturuan ko ito ng real manners
Nginitian ko na lang ito at binigyan ng thumbs up, nagulat naman ang aming guro at halos magkanda utal-utal na sa pagsabi ng 'maganda umaga din sainyong dalawa'.
"Ma'am narito na po pala ang mga papel na pinacheck nyo po saakin"
"Ganun ba? Ibaba nyo nalang yan dito sa aking lamesa" sambit ng aming guro
Sinenyasan ko si Prince, nakuha naman niya agad ang gusto kong iparating kaya nilagay na nya ang mga papel sa desk ni Ma'am Castillio.
"Wala na ba kayong kailangan?" Saad ni Ma'am
Umiling ako at sumagot ng "wala na po" na may ngiti sa aking labi
"Kung gayon maari na kayong lumabas, salamat sa pagcheck at paghatid nito sa aking faculty, Miss President at Mr. Vice President" Saad ng aming guro
Tumango naman ako at sinabing "Salamat din po Ma'am" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Prince palabas ng faculty room.
"Salamat sa pagsama sakin sa paghahatid ng mga papel sa faculty ni Ma'am, pwede ka ng bumalik sa classroom" sabi ko na may ngiti sa aking labi.
"Sige lang, walang anuman" walang gana nyang sabi
Nagpaalam na ito at naglakad na papunta sa classroom namin.
Hindi ko na muna siya sinundan dahil may kailangan pa akong asikasuhin, kaya pumunta muna ako sa isa pang faculty at yun ay ang faculty ng math teacher namin, pinapatawag kasi ako. Buhay President nga naman, kaya ayoo maging President nakakapagod.
Prince Axle's POV
What the hell? Why is my heart keeps racing? Kanina pa kumakabog ng ganito puso ko, lalo na nung isubo niya saakin yung pisting lollipop.
Nasisiraan ka na Axle dahil lang sa isang candy nagbabaliw ka.
Montallana what have you done to me.
"Boss okay ka lang? " nagulat ako ng biglang nagsalita si Niko na nasa harap ko ngayon
Nasa harap na pala ako ng classroom namin hindi ko man lang napansin.
"Oh boss okay ka lang? Gulat na gulat yan? Parang nakakita ng multo ah" Saad ni Niko at sinisilip silip pa nga ang mukha ko na parang may nagbago saakin.
"Oo" maiksi kong sagot at pumasok na sa classroom
Wala pang masyadong estudyante kaunti palang kaya napagpasyahan ko munang magpahinga. Baka dahil sa pagod kaya ganon nalang kung magreact ang katawan ko.
"Sigurado ka ba boss na okay ka lang?" Sambit ni Niko, kulit din talaga nito minsan
"Oo nga, ang kulit, gusto ko lang muna magpahinga kaya 'wag nyo muna akong guluhin" sambit ko
Hindi na umimik si Niko, siguro ay lumayo na ito.
Creselle Eleighn Montallana, bakit ka tumatakbo sa isip ko? Pwede mo ba akong lisanin at huwag guluhin?
Creselle Eleighn's POV
May dalawang subject kami na vacant kaya naisipan kong itulog nalang iyon tutal matagal pa naman bago mag-uwian,bawat subject kasi ay 1 hour, yes 1 hour nakakadrain diba? Pero imbis na makatulog ay dahil sa napaka ingay ng mga kaklase ko, hindi ako makatulog . Parang mga nakawala sa kural. Dinaig ang mga tao sa palengke kug mag ingay itong mga ito.
I mean sanay naman ako sa ingay pero nakakairita kasi dahil sabay sabay ang mga bunganga nila, meron pag ga sumisigaw.
"Arkisha mag lista ka nga, lahat ng malilista mo magbabayad ng sampo" sinadya o ng lakasan ang boses ko para marinig ng mga kaklase ko
Agad naman silang tumahimik at nagbulungan nalang. May mga oras na lumalakas ang mga bulungan nila.
"Sige ang malista ni Arki wag kayong magdadahilan na wala kayong pera" sabi ko habang nakadukdok sa mesa ko
Mabilis lang na lumipas ang 2 hours, parang kakapikit ko pa nga lang tapos uwian na agad.
"O teka bago kayo umuwi yung mga nalista, sisingilin muna ni Arki" sabi ko at sinenyasan si Arki.
"Uhm Pres? Ano po ba ang silbi ng pangongolekta ng nyan? Eh nagkokolekta narin naman kayo ng funds parang sobra sobra naman na po iyon" saad ng isa naming kaklase
"Kaya nga po Pres" kamot batok na pagsang-ayon ni Elion
"Hoi manahimik ka Elion porket nalista ka lang" singit ni Jayne
"Well we can use our funds for the upcoming teachers day, christmas party, other events na kailangan ng ambagan and also kapag may quiz na need bayaran ang papers" pagpapaliwanag ni Arki sa kanila. Aba kinuha trabaho kko
"Ay naalala ko hindi ako makakasali sa christmas party, INC ako" biro ko, agad naman akong binatukan ni Arki
"Ulol, hindi ka talaga INC" sambit nya na ikinatawa ko naman
"Pero INC po ako" pagtaas ng kamay ng isa kong kaklase may tatlo pang nag agree sakanya
"Then for everyone to celebrate this day with others, instead of saying na Christmas Party, edi gawin nalag nating year end party. So all of us can join, hindi naman kailangan na Christmas Party talaga, pwede naman mag Year End Party nalang" sabi ko na sinang-ayon naman nilang lahat
"O sya magbayad na lahat ng nalista, nang makapaglinis ang mga cleaners at makauwi na tayo" sabi ko at pumunta sa desk ko.
Nagsimula nang mangolekta si Arki. May mga ilan na nagbayad naman at may ilan na bukas nalang raw.
"Dagdag yan sa funds na hindi mo pa nababayad" saad ni Arki sa kaklase namin na sinabing bukas nalang daw magbabayad
"Oo" sabi ng kaklase namin.
Hinintay kong matapos si Arki sa pangongolekta at pinalinis na din ang mga cleaners para maaga kaming makauwi.