"Good morning class" bati ng aming guro pag pasok nito sa classroom namin.
"Good morning din po sainyo Ma'am" bati namin pabalik sakanya
"You may now sit down" saad nya at lahat kami ay umupo, maliban kay Prince na hindi naman talaga tumayo kaninang pumasok si Ma'am.
Naupo naman si Ma'am sa kaniyang upuan. Kapag ganiyan ay may i-aanounce sya saamin. Kapag discussion kasi lagi siyang nakatayo, uupo lamang sya kapag may announcement or magche-check ng papel.
"Okay, so naalala ko na wala pa pala kayong performance task sakin. Kaya ngayong araw ay igrugrupo ko kayo sa anim na grupo para sa performance task nyo. Pero bago ko kayo igrupo sa anim sasabihin ko muna ang peta na ipapagawa ko" sabi ni Ma'am habang inaayos ang hdmi ng tv.
Nang maayos na nya ito at kinabit na nya sa laptop nya.
"Music video? Kadali naman ng performance task, easy lang kasi gumawa ng music video" Pabulong kong sabi
"As you can see in the television you will make a music video, easy right?" sabi ni Ma'am
Lahat naman ang tumango, pero may iba na halatang hindi sigurado sa sagot nila.
Tinaas ko ang kamay ko "Ma'am may I ask a question?
"Sure, what is it Creselle?"
"Ma'am paano po iyon? Kung anim na grupo, pito lang po ang member bawat grupo. And about po sa haba po ng video? Ilang minuto po ang kailangan?" Saad ko
"Good question, yes pitong members lang, kaya nyo naman yan, madali lang naman ang gagawin nyo, and by the way ayoko pala na yung ambag lang ng ibang member ay taga edit at taga video ha dapat nasa video ang lahat. Para sa sunod mong tanong Creselle Hindi na kailangan pang magset ng minimum at maximum minute ng music video, atsaka wala naman sigurong 1 hour na music no? Kung pagsasamahin lahat ng paborito nyong kanta baka mag 1 hour pero isang kanta lang ang gagamitin nyo" sabi ni Ma'am
Muli kong itinaas and kamay ko "any song po ba?"
"Yes any song, basta ang gusto ko lang na makita sa music video nyo ay may maganda na quality, hindi magulo ang story, may aral kung pwede at higit sa lahat konektado ang music sa kwento nyo." Saad ni Ma'am
Tumango naman ako at naupo na.
"Simulan na natin ang paggrupo sainyo. Ano gusto nyo? Ako ang pipili ng mga kagrupo nyo o kayo nalang? O bilang nalang tayo?" Tanong ni Ma'am at tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo sa kaniyang upuan.
"Ikaw nalang po Ma'am/bilang/ kami po" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko
Agad namang sumenyas si Ma'am upang patahimikin ang mga kaklase ko, sabay sabay naman kasi magsalita.
"Ganito nalang itaas nalang ang kamay ng sumasang-ayon para hindi sabay sabay ang nagsasalita" sabi ni Ma'am
Ginawa namin ang sinabi ni Ma'am, sa huli si Ma'am ang pipili. Ito kasi ang pinakamaraming sumang-ayon.
20 ang pumili na si Ma'am na ang pumili, 15 naman sa pagbibilang at 7 naman sa kami ang pipili.
"Dahil marami ang sumang-ayon na ako ang pipili ng mga kagrupo nyo, nasaan ang secretary ninyo?" Tanong ni Ma'am kaya agad naman tumayo si Gia
"Nasayo naman yung masterlist nyo tama ba?" sabi ni Ma'am at tumango naman ng si Gia "pahiram ako saglit" dagdag ni Ma'am
Kinuha naman ni Gia yung masterlist namin sa folder nito at inabot ito kay Ma'am. Kinuha naman ito ni Ma'am at nilapag sa kaniyang table, kinuha din nito ang salamin niya sa bag niya at sinuot ito.
"Okay, ito ang mga miyembro ng group 1...."
✧❁❁❁✧✿✿✿✧❁❁❁✧
"At ang huling grupo, group 6 at yung pitong natira. Marius Nikolai Aguillar, Prince Axle Fernandez, Vince Carter Villanueva, Arkisha Castro, Kelsey Jayne Mendoza, Creselle Eleighn Montallana at Gia Briella Silvestre, kayo ang ika-anim na grupo. Ngayon na may mga grupo na kayo, tutal mayroon pa tayong ilang minuto. Maari na kayong pumunta sa mga kagrupo ninyo at pag-usapan ang mga plano nyo para sa music video na gagawin nyo" sambit ni Ma'am at pumalakpak ng tatlong beses hudyat upang tumayo ang lahat sa kanilang mga upuan at pumunta sa kanilang mga kagrupo.
Hindi na kami tumayo ni Prince sa aming upuan at hinintay na lamang ang lima na lumapit sa amin. Nang makalapit sila at siniko ko ang natutulog na si Prince, hindi ko nga alam kung narinig ba nya ang sinabi ni Ma'am kasi kanina pa ito natutulog, umayos naman ng upo ito at nag kusot ng mata. Sa tingin ko narinig naman niya siguro yung sinabi ni Ma'am.
"Ano meron bakit kayo nakapaikot sa harap ko" napatampal nalang akong ng noo sa sinabi ni Prince
Binabawi ko na yung sinabi ko, hindi pala niya narinig. Kung titignan mo kasi sya parang lahat ng sinabi ni Ma'am ay narinig niya, kaya akala ko ay nakikinig siya, mali pala ako. Hay nako Creselle nag-expect ka pa talaga na makikinig yang si Prince, sa tigas ng ulo niyan, malabo.
Pinaliwanag ko kay Prince lahat ng sinabi ni Ma'am kanina, simula sa performance task na music video hanggang sa groupings. Habang pinapaliwanag ko lahat ng iyon kay Prince, napansin ko yung ekspresyon ng mukha niya na parang walang pake na mga pinagsasabi ko, humihikab hikab pa ito halatang inaantok sa mga sinasabi ko.
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla ko nalang hinawakan sa tenga si Prince at piningot ito.
"A-aray" reklamo niya
"Makinig ka kasi pisti, umiinit dugo ko sayo" sabi ko at patuloy parin ang pagpingot sa kaniyang tenga.
"Aray ko" reklamo niya pero di ko parin siya tinigilan, siguro tinigilan ko lang siya nang makita ko yung gusto kong makita sa mukha niya.
"Ngayon balik tayo sa paggawa ng plano" sabi ko at binitawan ang tenga ni Prince
"Unahin nating ang kanta, mas maganda kasi kung ito yung uunahin natin bago ang story, so any suggestion?" dagdag ko
"Kung ganon ano kanta?" tanong ni Jayne
Tinignan ko naman si Jayne na parang sinasabi na 'seryoso ka?'
"Ay sorry naman" kamot batok niyang sabi na ikinatawa naman ni Arki at Vince
Naubos na ang oras ni Ma'am at wala pa rin kaming napipiling kanta para sa music video namin. Jusmiyo paano namin sisimulan yung kwento nyan?
"Ma'am" tawag ko kay Ma'am Castillio na ngayon ay nasa labas pinuntahan ko ito
"Ma'am one last question po pala, kailan po yung deadline?" Tanong ko sa kanya
"Ay oo nga pala hindi ko nasabi sainyo kung kailan ang deadline no. Sa monday next week, sabihin mo narin sa ibang grupo. Tapos gawa ka sana ng Google Drive para doon nyo isend yung mga music video nyo, ako na bahala magsave tas papanoorin natin dito" sabi ni Ma'am bago umalis
Pumasok ako sa room. Ang iba ay nag-uusap parin para sa music video na gagawin nila.
"Guys may pinapasabi pala si Ma'am yung music video nyo daw sa monday pasahan, next week. Gagawa ako ng Google Drive sa linggo isend nyo doon mga music video nyo, si Ma'am na raw bahala mag save ng mga videos dahil papanoorin daw natin dito sa room" sabi ko
Maraming nag react, parang ayaw ipapanood sa iba ang gagawin nila. Pero ano ba ang nagagawa nila? Yung ang gusto ng aming guro. Mas okay pa nga yon kaysa nalang dun sa ginawa ko noon sa America buong campus ba naman nanood ng film namin. Kahiya kaya nun. Mabuti nalang talaga at nagustuhan nila yung film namin non, at kami ang nanalo, kami kasi ang may pinakamagandang film na nagawa.
Naupo na ako sa aking desk dahil dumating na ang sunod namin guro. Umayos narin ng upo ang iba.
"Yung kanta" bulong sakin ni Prince.
"Kaninang hay nako talaga... Mamaya na sa gc nalang pag-usapan may teacher na oh" sabi ko at tinuon ang atensyon sa lesson.
✿°•∘ɷ∘•°✿ ... ✿°•∘ɷ∘•°✿ ... ✿°•∘ɷ∘•°✿
Kakauwi ko lang galing paaralan. Sinalubong ako ng mga maids upang bumati kaso sinenyasan ko sila na huwag na dahil wala rin ako sa mood. Pinuntahan ko muna si Mama Fey na nasa sala nanonood ng tv.
"Hi Mama Fey" sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi
"Oh Ella nakauwi ka na pala, magbihis ka muna at magpahinga, uutusan ko na si Cass na ipaghanda ka ng pampaligo mo" sabi ni Mama Fey
Naupo ako sa tabi nya at niyakap ito "okay po, akyat muna po ako sa kawarto ko"
"Sige" sabi ni Mama Fey at hinalikan yung noo ko
Umakyat na ako sa kwarto ko, nilapag ko ang bag ko sa study table ko at naupo. Hindi muna ako nahiga sa kama ko kahit pagod na ako. Ayoko kasing mangamoy maasim higaan ko.
Hindi din naman nag tagal ang pag-aayos ni Cass ng pampaligo ko. Naligo na ako at agad ding nagpalit ng pambahay na damit, tinulungan ako ni Cass na patuyuin ang buhok ko at saka na ako nahiga sa higaan ko. Idlip muna ako mamaya nalang ako iisip ng kanta para sa music video na gagawin namin.
∘₊✧──────✧₊∘
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, minute ko na lahat ng gc ah? Bat ang ingay pa din?
Kinuha ko yung phone ko na nasa bedside table ko. Binuksan ko ito at tumambad saakin ang isa gc na may 99 messages. Nahiya pa sila, hindi pa nila sinaktong 100.
Binuksan ko yung gc at tumambad saakin ang spam text. Akala ko pa naman napla-plano na sila, ini-spam lang pala pangalan ko. Pagkakagaling.
Group 6
Jayne:
@Creselle Eleighn Montallana
You:
Pisti kakagising ko lang, masyado kayong maingay.
Jayne:
Ay pasinsya pasinsya
Arkisha:
Morning sleeping beauty
Vince:
Morning sayo pres
You:
Ang lala nyo
Prince:
Stop chitchatting and start planning
You:
Tsk.
At nagsimula na nga kaming magplano, madami din kaming napiling kanta pero hindi naman magawan ng kwento. Meron din naman iba, kaso too common.
Jayne:
Sandali ano Cressy
You:
I still hate that nickname.
Jayne:
Ay ang ganda nga. Anyways, bakit hindi nalang tayo kumuha dun sa kanta ng mga idol mo?
You:
Hmm pwede. Teka open ko lang Spotify ko.
━━━━━━༺༻ ━━━━━━
You:
Found one
Arkisha:
Yun.
Vince:
Ano title?
You:
Liham.
Gia:
Paano yung story?
Pinaliwanag ko sakanila yung naiisip kong flow ng story. Nagustuhan naman nila yung flow ng story.
Prince:
So? When we will start it?
You:
Much better kung bukas agad, kaya ngayon ko na sisimulan yung paggawa ng story mismo. Para malaman na din natin kung saan tayo magvi-video at kung anong mga props na gagamitin, damit na dadalhin at mga character na gaganapin natin.
Jayne:
Rhyme well
Arkisha:
Mas gusto ko yung makata mong side
Jayne replied to Arkisha:
Ako ayoko
Arkisha replied to Jayne:
No one asked
You:
'Wag kayong mag-away dito
Vince:
Pres, kailan mo sisimulan yung paggawa ng story
You:
Ngayon na mismo para masimulan na natin yung pagvideo bukas.
Vince:
Okay
You:
Sige na gagawin ko na yung kwento, update ko nalang kayo kapag natapos ko na.
Vince:
Okay po Pres
Jayne:
Oki
Arkisha:
Kk
*Gia reacted 👍 to your message*
*Marius reacted ❤ to your message*
Prince:
👍