Creselle Eleighn's POV
Mag-isa akong naglalakad ngayon sa hallway ng aming paaralan. Mabilis ang bawat hakbang sapagkat mahuhuli na ako sa unang klase. Bwesit kasi, hindi tumunog yung alarm clock ko. Sa pagmamadali ko ay muntik pa ako matisod, mabuti na lamang at nabalanse ko agad ang sarili ko.
Pero ang nakakapagtaka, wala naman akong nakitang hakbang o kahit anumang dahilan upang matisod ako, hindi naman ako lampa. That means...
Tumingin ang ng masama sa may likod ko at doon ay nakita ko si Prince at ang mga alagad nito na sina Gia at Marius. Tumatawa ang dalawa habang si Prince ay nakangisi at may hawak pang.. Sigarilyo?
"Your smoking in a school grounds?" Nanggagalaiti kong tanong
"So?" Sabi ni Prince habang unti-unting lumalapit sakin.
Shit naamoy ko yung amoy ng sigarilyo.
Habang palapit sya ng palapit ay palayo naman ako ng palayo. Ang baho ng amoy ng sigarilyo hindi ko kaya yung amoy, parang aatakihin ako ng asthma kahit wala ako non. Bigla ito nagbuga ng usok sa mukha ko dahilan para ubohin ako. Maya maya ay lumapit saakin ang mga alagad nito at hinawakan ako sa dalawang kamay.
Fuck, nalalanghap ko yung usok.
"Oh bakit Ms. President, why do you look so weak all of a sudden" Saad nya habang nakangisi
Sinubukan kong magpumiglas sa dalawang alagad niyang nakahawak sa mga braso ko. Pisti talaga, umagang-umaga iniinis akong ng mga ito.
"You know Ms. President, I like this side of yours. Pero, masyado kang matapang, kahit hindi mo ka-level binabangga mo" rinig sa boses nito ang pagkainis.
"But do not worry, because I'll teach you some manners" sabi niya habang nilalapit sa balat ang nakasinding sigarilyo.
Oh no you don't.
Bago pa man niya mailapit saakin ang sigarilyo ay sinipa ko na sya palayo saakin.
"f**k, that hurts" sabi ni Prince na ngayon ay nasa sahig, namimilipit sa sakit.
Agad kong tinuon ang atensyon ko sa dalawa. And just like what I did to their leader, pinatumba ko sila.
"Oops, I almost forgot to let you guys know. I learned martial arts" sabi ko at tinignan lang sila na hanggang ngayon ay namimilipit parin sa sakit
Pinuntahan ko ang leader nila.
"And by the way, no smorking inside the campus. You got that. You may be the son of the owner of this school, pero hindi ibig sabihin non ay maghahari-harian kana sa paaralan na ito" saad ko at mariing hinawakan ang mukha nito
Pinupuno ako eh, kaya sorry not sorry kung nasasaktan ka.
Binitawan ko syang at naglakad na papuntang classroom.
Prince Axle's POV
I'm here right now at the clinic. Jeez, I thought pag babae mahihina, well Gia is different because we taught her. But I didn't expect that tranferee is so freaking strong.
Nung sinipa nya ako, parang iluwa ko na lahat ng oragans ko sa sakit. Ang lakas nya, mas masakit sya sumipa kaysa sa suntok ni Gia.
Sina Gia at Niko naman muntik na nyang balian ng kamay.
Bwesit hindi ako nakapasok tuloy sa first sub. Now we have to wait until the second subject. Wait, as if I care about my grades. Kahit hindi na pala kami pumasok, parang may magagawa naman ang mga guro dito.
I'm not someone to mess with, pwede kong paalisin ang mga kinaiinisan ko. Hmm, oo nga pala no? Pwede ko naman paalisin sa school na ito yung babaeng iyon. But, to be honest, she's interesting, I'd like to know her better.
"Hoi Prince, nababaliw ka na ba? Napasobra ba sa lakas yung sipa nung babaeng iyon kaya nasiraan ka na ng utak. Para ka kasing ewan, ngumingiti mag-isa" sabi ni Niko na nasa katabi ko lang na higaan.
"What's the plan?" Singit ni Gia. Nakaupo sya ngayon sa may upuan sa tapat ng aking kama.
Parehas silang may cast ang kamay. Hindi naman nabali ang buto ng sobra, pero kinailangan pa rin daw lagyan para kapag gumaling raw ay hindi ito tumabingi. Hys basta wala akong maintindihan din nung pinapaliwanag kina Gia ang nangyari sa mga kamay nila. Basta ang alam ko minor injury lang daw ang kanilang natamo, hindi tulad sakin na muntikan ng madala sa hospital dahil sa pagkasipa sa tyan ko, sipa lang yon ah pero grabi ang impact.
Sabi saamin ng nurse, mabuti raw at naawa pa saamin ang gumawa nito. Anong awa ron? Muntik pa akong madala sa hospital dahil sa mala demonyo nyang sipa? Tapos may awa pa yon?.
"Axle" tawag saakin ni Gia dahilan para mabalik ako sa realidad.
"What?" Saad ko
"You didn't answer my question" seryosong sabi ni Gia
Napasinghap nalamang ako at napahawak sa buhok ko. "What is your question?" I said
"What is your plan? " Gia said fiercely
"Plan? Heh simple" I said with a smirk in my face "Make that stubborn girl taste her own medecine"
Creselle Eleighn's POV
Kanina pa ako kinakabahan dito, wala namang quiz pero iba talaga yung kaba ko. Kanina ko pa kasi iniisip sina Prince, Gia at Marius. Nasaktan ko ata sila ng sobrang, mag la-lunch break na kasi pero wala pari sila. Ayos lang kaya sila?
"Ang lalim ng iniisip ah" bungad ni Jayne saakin ng mapansing nakatulala ako sa kawalan
"Sino naman kaya ang iniisip niyo" pang-aasar ni Arki
"W-wala" nauutal kong sabi at tumayo na sa pagkakaupo sa aking pwesto.
Paglabas ko ng classroom ay agad din namang sumunod saakin sina Jayne at Arki.
"Alam kong may problema, pwede mo namang sabihin saamin ah, hindi mo naman kailangan na solohin ito" saad ni Arki patuloy parin ako sa paglalakad.
"Ayos lang kaya sila?" Wala sa sarili kong sabi
"Sinong sila?" Sabi ni Jayne, rinig ang pag-aalala sa kanyang boses.
"Sina Prince, Gia at Marius, hindi kasi sila pumasok simula first subject" saad ko.
"Hayaan mo na yung mga iyon, ganiyan talaga sila. Sila yung tipo ng tao na papasok lang kapag gusto nila. At hindi sila napapagalitan" saad ni Arki habang ang mga kamay nito ay nasa bulsa ng jacket niya
"Pero kasi" Nag-aalala kong sabi
"Gaya nga sabi ni Arkisha, hayaan mo na yung mga iyon. Huwag mo ng isipin sila, lalo ka lang maiistress" saan ni Jayne
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa sahig.
Ramdam ko ang paghinto nila Jayne at Arki sa paglalakad.
"Halatang hindi lang maliit ang problema mo" sabi ni Arki
Hindi ako nakatingin sakanila, nagsimula ko na ding laruin ang mga daliri ko. "Naulit kasi yung nangyari nung nasa elementary palang tayo" sabi ko
Nabalot kami ng katahimikan ng ilang segundo pero agad din naman nila ito binasak gamit ang sabay nilang pagtawa.
"Bakit?" Naguguluhan kong sabi
"Boom bading deserve nila yon haha" saad ni Jayne habang tumatawa.
"You don't have to worry kasi deserve naman nila yon" sabi ni Arki at hinakbayan ako
Hindi ko alam, pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Oo nga no? Bakit naman ako mag-aalala sa mga Loko-loko yun. Hys masyado na akong nagiging mabait.
Naglakad kami papunta sa canteen ng makasalubong namin ang 'PGM Vipers' hanggang ngayon ay natatawa parin ako sa pangalan ng grupo nila, sino ba kasing nakaisip ng pangalan nyan. Napaka baduy hahaha.
"You" sabi ng kanilang leader habang nanlilisik ang mga mata.
"Hm?" hirap talaga pag may mood swing. Parang kanina lang ang malungkot ako, tas naging masaya, tapos ngayon parang nabwebwesit nanaman ako.
"You will pay for this" saad nya ang nakita ko naman ang mga kaibigan nya na nakangisi. Pansin ko rin na dumadami na ang mga estudyanteng nakapaligid saamin.
Tsk mga chismoso
"How much ba?" Walang emosyon kong sagot. Lahat sila natigil pati narin yung trio, as in ang tahimik ng paligid namin maliban sa dalawa na tumatawa, sina Jayne at Arki.
"H-Hindi literal" nabubulol nyang sabi, hindi makapaniwala sa sinabi ko kanina.
"Magkano? I'll pay" sagot ko na nakangisi na ngayon
Namula si Prince sa hiya, lumakas naman ang tawanan ng dalawa at yung mga taong nakapaligid saamin ay nagbubulungan na.
"Grabe, parang hindi niya kilala kung sino binabangga nya"
"Ang tapang naman nya"
"Parang idol ko na sya"
"Ay basta ako hate ko siya kasi wala siyang manners"
Ilan 'yan sa mga sinabi ng mga estudyanteng nakapaligid saamin
"Masyado ka ng nagmamatapang" sabi ni Gia at aambang sasampalin ako
Agad ko naman pinigilan ang kamay nya bago pa man ito dumapo sa mukha ko
"Baka gusto mong mahalin din itong isa?" Sabi ko seryoso ang mukha.
Nandidilim nanaman paningin ko jeez.
Agad akong inawat nina Jayne at Arki ng makita nila na iba na ang tingin ko sa tatlo.
"Umalis nalang kayo please kung ayaw nyong masaktan pa" saad ni Arki habang hinaharangan at si Jayne naman ay hawak hawak ako.
Hindi ako pumapalag dahil ayoko sa gulo.
"That's enough" sigaw ng isang boses
Lahat kami ay napalingon kung saan nanggaling iyon, walang iba kung hindi kay Prince
"Gia, Niko let's go" Saad ni Prince at tinignan ako na parang sinasabi na 'hindi pa tayo tapos'
Tsk dont worry, I won't let you win.
Author's POV
Gusto kong magpasalamat sa mga sumusuporta sa kuwento ko. Marami man kayo o konti, I'm still thankful kasi nandyan kayo, thank you po 🫶.