Chapter 7

1933 Words
Creselle Eleighn's POV Ilang linggo narin akong nandito sa pinas. Nakakamiss din ang buhay sa America. Kapag nasa America kasi ako, ako ang sinusunod, walang gulong nangyayari at walang uri ng pambubully. Dito kasi sa pinas, magulo na nga may mambubully pa may machismosa at chismoso pa. Napansandal nalang ako sa upuan ng study table ko. Habang nag uunat. Tinignan ko ang orasan sa gilid ko, 7:30am kanina pa pala sumikat na ang araw. Nag-unat muli atsaka sinara ang librong nasa harap ko, tinanggal ang salamin, pinatay ang ilaw ng study table ko at dumeretso sa baba. Hindi ko na ginawa ang morning routine ko dahil nagawa ko na ito kanina. Pagkababa ko ay nakita ko si Mama Fey na nasa paborito niyong lugar, ang sala. "Mama Fey" sambit ko at tumakbo palapit sakaniya sabay halik sa pisngi nito. "Ella gising ka na pala, aba lamig na lamig ah" pang-aasar ni Mama Fey saakin Nakahoodie kasi ako ngayon at pants. Ganito ako kapag nasa bahay, kaya yung closet ko? Puno ng hoodie at pants kaysa sa mga croptop at shorts. "Mama Fey talaga parang hindi na sanay" sabi ko na ikinatawa na lamang niya. "Kumain na po ba kayo?" Tanong ko rito, umiling lang ito, "wait tignan ko kung may naihanda na sila na pagkain" dagdag ko at tumayo na sa sofa at nagtungo sa kitchen kung saan naroon ang mga maids inaayos ang mga pagkain. "Good morning Ma'am Eleighn" saad ng mga katulong at yumuko upang magbigay galang. "Magandang umaga din sainyo" saad ko "Ma'am Eleighn, nagugutom na po ba kayo? Huwag ko kayong mag-alala malapit na po itong matapos" saad ng isang maid, umiling ako "Huwag kayong mag-alala hindi ko kayo minamadali, nagtungo lamang ako rito upang tignan kung ano ang dahilan ng pagkadelay ng pagkain" saad ko at isa isang tinignan ang breakfast namin "Mukhang masasarap ang mga niluto nyo ngayon manang" saad ko habang tinitignan ang mga niluto nila. "Ma'am Eleighn talaga walang sawang puri ang lagi naming natatanggap sainyo" napakamot nalamang ng batok si manang sa sinabi ko Natawa naman ako at nagpaalam na. Tatawagin naman kami kapag naluto na. Bumalik ako sa sofa at tumabi kay Mama Fey. "Nanghihingi nanaman ng lambing ang baby Ella ko" saad ni Mama Fey habang yakap yakap ako "Mama Fey talaga" saad ko at tumawa lang sya "Alex, join" saad ng isang 10 years old na bata. "Aysus, come to lola" saad ni Mama Fey kay Alex Yes, Alex is just a 5 years old kid. Siya ang pinakabata sa pamilyang Samson. Which is sa side ni mom. "Hi Alex give Ate Ella ay kiss" I said and he gave me a kiss in the cheeks. Nga pala kaya ate Ella ang sinabi ko imbis na Ate Creselle, well nasanay sya na Ella ang itawag saakin dahil yun ang madalas nyang naririnig kay Mama Fey "Aww, my little Alex is so sweet" panglalambing ni Mama Fey kay Alex "Ay ang daya, ako yung nanghihingi ng lambing si Alex binigyan, wala na tampo na ako" sabi ko at nagpanggap na nagtatampo, may pacross arm pa yan "AHAHA ang mga apo ko talaga" saad ni Lola at hinila ako para yakapin. Nakita ko si Tita May na pababa ng hagdanan at may hawak na gamot. "Ay ganiyan kayo hindi nyo man lang ako sinasali sa yakapan nyo ha" saad ni Tita May Tumawa na lamang kaming tatlo at binuka ang mga kamay namin inaaya siyang sumama sa aming yakapan session. Binaba nya sa lalagyanan ng mga gamot sa coffee table at sumama sa aming pagyayakapan. "Mahal na mahal ko kayo" saad ni Mama Fey at hinigpitan ang yakap "Mama Fey talaga, minsan pag nagsasalita parang nagpapaalam na" saad ko na ikinatawa namin ni Tita May at Mama Fey. Wala naman magawa si Mama Fey kung hindi tumawa at halikan ako sa noo. "Alam mo kahit naman hindi natin sabihin, darating at darating ang araw na lilisanin ko ang mundong ito" saad ni Mama Fey dahilan para kumawala si Tita May sa yakap "Ma naman" naiiyak na sabi ni Tita May "Hay nako ibahin na nga natin yung topic, masyado ng magiging malungkot yung pinag-uusapan eh" saad ko "Ma'am Felicia, Ma'am Mayra, at Ma'am Eleighn nakahanda na po ang pagkain" saad ng isang maid "Very good" saad ko at pumalakpak Tumingin naman ang maid halatang naguguluhan "It's nothing" I said and pick up Alex, who's playing and took him to the dinning room "Eat?" Tanong saakin ni Alex matapos ko itong ilapag sa isang upuan. Tumango ako at naupo sa tabi niya na upuan. Sumunod naman si Tita May na nakaalalay kay Mama Fey tinulungan naman sya ng mga maids. Hindi naman kasi ako pwedeng tumayo sa kinauupuan ko dahil pwedeng mahulog itong si Alex sa upuan, kaya hinayaan ko nalamang sila ang mag-asikaso. Nang maakaupo na si Mama Fey ay agad kaming pinagsandok ng mga maids. "Kamusta pala ang bago mong paaralan Ella?" Tanong ni Mama Fey "Okay naman po, kaso may kinaiinisan akong lalaki dun Ma, napakayabang kasi" inis ko sabi habang sinusubuan si Alex "Alam mo, ganyan nagkatuluyan Mama Fey mo at ang lolo mo" singit ni Tita May at agad naman syang hinapas ni Mama Fey kaya tumawa nalang si Tita May "Hayaan mo na iyon, sadyang ganiyan ang mga tao ngayon, mapagmataas sa sarili" saad ni Mama Fey "Kaya nga po Mama Fey, nakakairita sila kung minsan" saad ko at sumubo sa pagkain ko "Hayaan mo na, ang mahalaga pinagbubutihan mo ang iyong pag-aaral" saad ni Mama Fey. Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos kaming mag-umagahan. Matapos ang umagahan at pumunta ako sa kwarto ko upang magbihis,pagkatapos non ay pumunta ako sa gym ng aming bahay. Oh bakit? Gulat kayo no? Ganiyan talaga pag mayaman, bakit kapa pupunta sa mga gym kung pwede naman gumawa ka nalang ng sarili mo sa loob ng mansyon nyong bahay. Pero may times naman din na pumupunta ako ng gym talaga. Pagkapunta ko ng gym ay agad kong sinuot ang headphones ko at nagpatugtog ng paborito kong kanta at saka ako dumeretso sa threadmill. Habang nag-eehersisyo ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan ang mga chats. 105 sa group chat ng section namin na puro students lang, masyadong maingay ang gc na ito kaya minute ko. 10 sa group chat naming tatlo nila Jayne at Arki na ngayon ang pangalan ay Powerpuff girls, ang lala na talaga nila. 2 naman kay.... Oh nag chat pala sya? Baka magpapatulong. Oh by the way, the one who chatted me is Vince, our P.I.O. Vince Carter Villanueva :hey pres umm, hindi ka po ba busy? :pahelp ulit hehe 😅 You: Sure sure. Saan meeting place and what time? : library po You: What time? : 10am po sana if free kapo You: Sure I'm free, don't worry. :yown, thank you pres. You: No problem. : 🫶🫶 ⑅୨୧⑅*⑅୨୧⑅*⑅୨୧⑅*⑅୨୧⑅*⑅୨୧⑅*⑅୨୧⑅* For someone who don't know, Vince is our P.I.O. oh baka sabihin nyo paulit ulit ako, syempre sinasabi ko ito kasi ipapakilala ko si Vince medyo may pinagsamahan na din naman kasi kami nito. Maliban kasi kina Jayne at Arki, sya din ang isa sa mga naging kaibigan ko sa Phoenix Crest High School. Masipag at mabait na kaibigan si Vince, may mga panahong nga lang na nakakapasok dahil sa financial problem na meron ang pamilya nito. Minsan kasi tinutulungan nito ang ama nya upang maghanap buhay, kaya may pagkakataon na hindi ito nakakapasok dahilan para may mamiss syang mga lesson. So I'm here helping him, sa totoo lang ako na ang nag insist na tulungan sya, nung una nahihiya pa ito ngunit nagpumilit ako, kaya ito ako ngayon nagshower na para hindi naman ako mangamoy pawis. Hindi na ako masyadong nag-ayos, hoodie at baggy pants lang ang sinuot ko, at ang buhok ko ay naka messy bun, nilagay ko sa maliit na bag ang mga kakailanganin kong gamit. Nang matapos ay bumaba na ako upang magpaalam. 9:30 am na kasi nakakahiya naman kung ako ay mahuhuli. And bedides, I'm not that kind of person na Hindi sumusunod sa oras ng pagpunta. Nang makapagpaalam na ako ay pumunta ako sa garahe at minanehi ang big bike ko. Saktong 10 am ay nakarating na ako sa library. Pumasok ako sa library at hinanap sya, nagmakita ko ito ay agad ko itong nilapitan. "Pres, pasensya na talaga kung nagulo pa kita" saad nito "Ano kaba ayos lang, atsaka ako naman nag-insist tulungan ka" saad ko habang inaayos ang mga gamit Nag-umpisa na kami sa study session namin. Matalino naman itong si Vince madali naman yang maintindihan kung ipapaliwanag sakaniya. Ilang oras din ang lumipas, at lahat ng lesson na hindi nya magets ay maexplain ko na. Saktong 12:00pm ng matapos kami. "Pres, hayaan mong ilibre kita ng lunch" saad nya pagkalabas namin ng library. Magsasalita pa sana ako upang tumangi, kaso hinila na nya ako. "Te-teka yung motor ko" tanging salita na lumabas sa bibig ko. Napahinto sya at humingin ng tawad. Pumunta kami sa pinagparkehan ko ng aking big bike. "Ang ganda naman ng motor mo, teka big bike ba ito?" Saad nya habang sinusuot ang helmet na binigay ko sakanya Tumango naman ako at sumakay na sa big bike ko. "Sakay na" saad ko pero tinititigan lamang nya ako Tinignan ko sya na naguguluhan. "Maari ko bang subukan?" Saad niya "ahh wag na pala baka masira ko" dagdag nya Sasakay na sana sya ngunit bumaba ako. Tinignan niya ako ng naguguluhan. "No worries, you can try it if you want" saad ko at ngumiti sakanya. Ngumiti din sya at sumakay sa big bike, umangkas naman ako rito. Nang masiguradong ayos na ang lahat ay pinaandar nya ito. "Hmm, infairness, magaling ka naman magpatakbo ng big bike" saad ko "Haha, pangarap ko kasi na magkaroon ng big bike kaso alam mo naman gipit haha" saad nya at pinark nya sa isang restaurant. Bumaba ako ay pinark nya yung big bike ko. Hinubaran ko yung helmet na suot ko at inayos ang buhok ko. "Salamat dahil pinahiram mo saakin ang big bike mo" nakangiti niyang sabi habang inaabot ang susi saakin. Nilagay ko naman ang mga helmet sa storage space ng big bike ko at pumasok na kami sa restaurant. **•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ 𝐴𝑓𝑡𝑒𝑟 10 𝑚𝑖𝑛𝑢𝑡𝑒𝑠 ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚* "Damn this restaurant is amazing" sabi ko habang papunta sa parking lot. "Nabusog ka ba? Hindi ito kamahal pero I hope nabusog ka" sabi ni Vince habang nagkakamot batok "Dont worry, it filled me up" I said skilling and then ride my big bike. "Pres" tawag saakin ni Vince "Hm?" Saad ko "Ahh, ano... Salamat" nahihiya niyang sabi "Walang anuman and also" "Hmm?" Naguguluhan nyang tanong "Thank for the treat" nakangiti kong sabi at nagmaneho na paalis Pero bago ako umalis nakita ko kung paano mamula ang mukha nya. Heh cute... Vince Carter's POV Ang ganda niya, simple manamik pero yung angas at yung kakyutan nya habang kumakain. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kapag naiisip yung mukha nya. Yung kung paano siya kaseryoso habang tinuturuan ako, yung pagiging cute nya habang kumakain at kung paano siya ngumiti. Nako Vince kung ano-ano mga iniisip kay Creselle. Huwag mong sabihin na... Gusto mo sya. Teka... Gu-gusto ko sya? Si Creselle? Ang president ng classroom namin? Gusto ko sya? Damn do I really like her, I'm confused, hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko, but one thing for sure. I like that girl. Vince nababaliw ka na, ngumingiti ka nanaman mag-isa. "Hoy!!"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD