Leila Presley Bumungad samin ang isang may katamtamang laki na mesa na puno na pagkain. "Ako ang nagluto ng fried rice!" Tuwang tuwa niyang sabi habang inilalatag ang dahon ng saging. "May poso diyan sa likod, hugas muna kayo ng kamay bago kumain." Tinuro niya yung old school na poso na agad naman naming pinuntahan ni Archer. "Anong tawag dito Margaery?" Tanong ni Archer habang binubuksan yung pamilyar na balot ng dahon ng saging. "Binutong, Archie. Mierda. Ang conyo mo talaga. Hindi mo yan alam?" Sinimangutan siya ni Marj tapos sinalinan ang baso nito ng mainit na tsokolate. I smiled upon remembering my childhood days. Pag umaga kasi meron din nito sa bahay lagi kasama ng..lechon. Lami kaayo! I sighed. Miss ko na ang Cebu. "Ikaw Les, you want binutong?" Umiling ako. "Fried ric

