Nakapagtataka na kinabukasan ay di naman siya nakaranas ng pananakit ng katawan. Bagkus ay tila energized pa nga. "Ano yun nakakapagbigay lakas ang s*x?" Usal nya sa sarili niya. Lumingon siya sa lalaking tulog na tulog padin at nakayakap sa kanya. Di parin siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa buhay niya ngayon sure na sure na siyang di siya nananaginip. Iginalaw niya ang katawan at babangon siya para umihi. Naghahanap ang kanyang mga mata ng damit na ipangtatakip sa kanyang kahubdan. Nagulat pa siya ng makita ang tila kulambo na kulay pula sa sahig. Pinulot niya iyon at nanlalaki ang mga matang napatitig dun. "Susmaryusep! Kailan pa naging damit to?" Mahina niyang pagbulalas. Narinig niya ang paghalakhak ng lalaking katabi niya, kaya sinamaan niya ito ng tingin. Ngunit n

