Gulat na gulat ang pamilya niya ng dumating siya, lalo at wala naman siyang pasabi na uuwe na siya. Kung isang maleta lang ang dala niya paalis ay triple naman ang dala niya pauwe. Parang nag abroad lang siya, sa dami kasi ng mga dala dala niya e dinaig niya pa ang nag abroad. Pinadala kasi ni Ate Lory lahat ng mga damit na pinamili sa kanya ni Tita Riva. Bukod doon may tatlo pang bodyguard at ang tatlong bilyonaryo na kaibigan ni Rex na naghatid sa kanya. "Sino ang nga yan?" Tanong ni Xadrin sa kanya. "Bodyguard na padala ni Rex." Sabi ko, napangiti naman ang kapatid kung alam kung iba na naman ang iniisip. "So nalaman ni Rex na nagtrabaho ka doon, at pinauwe ka?" Si Nanay na matamang nakamasid sa kanya. Tila ba ay inaaral nito ang kanyang ekspresyon lalo at may kakaiba na sa kanya.

