Wedding day Sunset ang napili niya na oras ng kanilang kasal, kaya naman walang problema kahit tanghali na siya magising. Ang nanay niya ay kanina pa siya kinakantahan ng sermon. Haha. "Dapat maaga kang kikilos, naku naman Xania pag nagbago talaga ang isip ni Rex at di na ituloy ang kasal wag kang ngangawa sa harap ko a!" Stress na sabi ng kanyang Nanay. "Ayos lang kung di niya ituloy, makakahinga parin naman ako kahit na walang lalaki sa buhay ko." Nakanguso niyang sabi dito. Tila nainis siya sa ganung isipin ba, na makakita lang ng kapintasan ay uurong nalang bigla bigla. Paano naman ang mga taong umasa at naabala para sa event, diba kung duda pa ay wag na muna magdesisyon. Kasi ika nga nila di lang ikaw ang tao sa mundo, bigyan mo naman ng pagpapahalaga ang oras ng iba. If you're s

