Xania pov Nagising siya ng maramdaman na tila ba ay may kayakap siya. Napamulagat siya lalo na ng maalala na si Sabina ang kasama ng fiancee niya. Mabilis niyang naidilat ang kanyang mga mata, nagulat pa sya ng makita ang kayakap na fiancee. Gusto niya itong gisingin upang tanungin, ngunit galit siya dito kaya hahayaan niya lang ito. Mabilis siyang kumalas dito, tila nandidiring itinulak ito. Nagising naman ito sa kanyang ginawa. "Sweetheart maaga pa, tulog pa tayo." Sabi nito na muli siyang hinigit papalapit dito. Dahil sa laking tao nito ay naging napakadali lang siya nitong nahila. "Bitawan mo ako, anong ginagawa mo dito?" Galit na sita niya dito. "Nandito ako kaya dapat nandito ka din, tsss mamaya mo na ako awayin. Matulog na muna tayo, I'm too tired sweetheart." Ungot pa nito na

