Do siya mapakali habang naka monitor lang sa ginagawa ng kanyang asawa sa bahay nila. Halata ang pamamaga ng mga mata nito, alam niyang iniinda nito ang ginawa niyang kalokohan. "Hay naku Bro, pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Samantalang may pwede ka namang magawa." Sabi ni Yael. Ito ang kasama niya matapos na maihatid si Sabina sa pagtataguan nito. They already cleared up things between them. Kunot ang noo na napabaling siya dito, minsan lang itong seryuso kung magsalita. Lalo na kung sa usaping pampuso ay ito ata ang tao na di pwedeng pagkatiwalaan sa ganung usapin. Lalo at allergy ito sa salitang commitment, a man with the six months rule nga ang tawag nila dito. Pero may kinababaliwan itong babae. "What do you mean?" Tanong niya dito. "I don't understand why you need to deprive

