Nagising siya na maliwanag na ang boung paligid, bagamat nakasara ang mga kurtina at di iyon naging hadlang upang maikubli ang liwanag ng kalangitan. "Hala, lagot na first day ko sa trabaho pero tinanghali na agad ako." Napabalikwas siya ng bangon at natataranta na kinuha ang kanyang tuwalya. Muntik pa siyang mapasigaw ng sumigid sa kanyang kalamnan ang lamig ng tubig. Di niya natanong kahapon ang amo niya kung ano ang kanyang isusuot sa oras ng kanyang trabaho. Kaya naman ay naisip niyang mag pantalon nalang na butas butas at tshirt na maluwag. Alam niya na malikot na ang bata pag mga nasa ganung edad. Di paman niya natatapos ang pagsusuklay ay ipinusod nalang niya ng basta basta ang kanyang buhok. Mabilis na binuksan ang pinto, di na siya nag abala pa na magdala ng kanyang cellphone.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


