Chapter 1
I can’t believe that I am now here in Hyndos Valley. Halo-halo ang nararamdaman ko nang unti-unting huminto ang kotse sa harap ng malaking unibersidad. Hindi maalis ang tingin ko sa mataas na gate nito habang unti-unti kong binubuksan ang pinto ng sasakyan.
“Will you be okay, Elle? Tumawag ka na lang mamaya para masundo kita pagkatapos ng klase mo,” sabi ni Daddy nang makababa ako ng tuluyan na ikinatango ko naman.
“Goodluck, Elle! Sa una ka lang mahihirapan pero sa susunod na mga araw ay makaka-adjust ka na rin,” sabi ni Mommy kaya ngumiti ako sa kanya kahit kabado ako.
Hindi ko pa tuluyang napo-proseso sa isipan ko ang mga nangyayari. Parang nagising lang ako isang araw sa desisyon ng mga magulang ko na lumipat sa lugar na ito. I don’t even know that this place exist. Hindi ko alam kung parte pa ba ng Pilipinas ang tuktok ng bundok na ito pero wala na akong magagawa dahil nandito na ako ngayon.
It’s so crazy that I am now on my Third year on college and I transferred here. Hindi ko alam kung bakit tumanggap sila ng mga transferees na ganoong level. O baka may kinausap si Daddy na hindi ko na gustong malaman kung sino.
“Hyndos Valley University,” mahinang pagbasa ko sa nakalagay na pangalan ng university bago nagpasyang pumssok.
Napabuntong hininga na lang ako saka sumabay sa ilang mga estudyante na pumapasok. Naayos na si Daddy ang lahat at kahapon nang makarating kami dito ay ibinigay niya na sa akin lahat ng mga kakailanganin ko dito kaya hindi na naging mahirap sa akin ang pagpasok.
The students were so noisy on the corridor. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung bakit maraming mga ulo ang bumaling sa akin. Kaagad akong nakaramdam ng kaba at napahawak ng mahigpit sa strap ng suot kong bag.
Ang nakalagay sa schedule ko ay alas otso magsisimula ang unang klase ko at malapit na iyon pero hindi ko pa alam kung nasaan ang classroom. First day of class kaya maiintindihan naman siguro ng instructor kung late pero nakakahiya pa rin.
Mas lalo akong nataranta sa pag-iisip na baka hindi tamang building ang napasukan ko. I can’t still processed everything. Parang kahapon lang ay nasa city pa ako. I don’t know the real reason why my parents decided to move here. Alam kong dito pinanganak si Daddy pero hindi ko kailanman naisip na makakapunta ako dito.
Maybe the pollution of the city drained them a lot? Gusto kong magreklamo pero alam kong wala rin namang magagawa iyon. I am here now. And I am back to zero again. No friends, completely alone and acting weird.
“Hi, good morning. Can I asked po, nasaan po ang GEB 1?” tanong ko sa nakasalubong ko nang makapasok ako sa building. I entered the first building. Ito ang sabi sa schedule na binigay sa akin ni Daddy.
Pinipilit ko ang sarili kong paniwalain na nasa Pilipinas pa rin kami. It’s so cold here. Everyone is pale white. At kaunti lang ang estudyante hindi kagaya ng dati kong university.
The girl ignored me! Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa bago tuluyang nilampasan kaya napasinghap ako sa gulat.
Now, I completely don’t know what to do.
Sa takot na ma-ignore ulit ay kusa kong hinanap ang room. It was a four storey building and it has no elevator. Tagumpay ko namang nahanap iyon pero hindi na rin ako tumuloy dahil sabay-sabay na lumabas ang mga estudyante mula sa loob kaya huminga na lang ako ng malalim at umiling.
I am not going to like it here.
New student, loner, and cluess, ano pa bang mas isasama ng first day of class ko?
And so far, I attended my first class talking with no one. I am literally sitting at the back like some weird girl not wanting to be seen but they keep on glancing at me. This is so ironic when I have so many friends back in the city and I am all alone here.
During lunch time, I was lucky enough to find the cafeteria. Akmang papasok pa lang ako nang may biglang lumipad na bola patungo sa akin. I was too shocked to even move. I was so sure that it would hit me but nothing came.
At nang matauhan ako ay nakita ko ang lalaki sa harap ko. He catched the ball. At sa bigla niyang paglingon sa akin ay nakita ko ang nagkukulay-ginto niyang mga mata. But just one blink and it’s all gone. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil mabilis siyang naglakad palayo at muling binato ang bola sa mga nagtatawanang lalaki sa loob ng cafeteria,
My body trembled. Sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang sa humalo siya sa mga nambato ng bola. His eyes found mine. I was so sure that I saw them glowed—gold. But his eyes now, they were gray.
Paanong nangyari ito?
Bumalik ako sa huwisyo nang may biglang lumingkis sa braso ko. I turned to the unknown woman and I look at her awkwardly.
“Hi, you’re new? Let’s eat together,” masayang sabi niya at siya ang humila sa akin papasok sa loob ng cafeteria. She’s a fashionista and ahe winks at every guy who looked at her.
Nang makaupo kami sa bakanteng table ay nginisian niya ako ng malaki.
“Oh, you’re pretty. By the way, I saw what happened. Greg just catched the ball for you?” manghang tanong niya kaya napakunot ang noo ko.
“Greg?” tanong ko at doon niya nginuso ang nasa harap namin. I looked at the group of guys but my eyes found the familiar gray eyes. Nakatingin siya sa akin at sagkit kaming nagtitigan pero ako ang kusang nag-iwas ng tingin.
I was so sure that his eyes were gold earlier. Hindi ako namamalikmata.
“He is Greg. By the way, I am Ywa. Kakarating ko lang. I have a class earlier but I woke up late so I was absent. Pero okay lang rin dahil alam kong wala pang pormal na klase. Who are you and what’s your program?” mahabang sabi niya.
“I’m Elara, you can call me Elle. Political Science, third year” sabi ko at doon siya napasinghap.
“Coincidence, I guess were classmates!” she said kaya napangiti ako ng mahina saka muling tumingin sa harapan namin. They were all wearing a jersey. Hindi ako sigurado iung anong sport pero isang grupo sila. But my eyes found the guy’s eyes once again.
Kumunot ang noo niya at bigla siyang tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyang makaalis sa cafeteria ng may pagtataka.
“Greg has been so hardheaded and bad mood lately. Stop crushing on him,” sabi ni Ywa saka sinamaan ako ng tingin kaya doon ako natawa at umiling.
“Hindi, parang nakita ko lang kanina na naging kulay ginto ang mga mata niya. I wasn’t sure. Probably my eyes,” sabi ko at nagkibit balikat na lang ako at natawa ng kaunti.
Meeting Ywa is a life saver. We are truly classmates and she toured me around the campus after lunch. It was pretty huge and being with her makes me feel happy. Siya rin mismo ang nag-suggest na pumunta na sa Dean’s office para makuha na ang final schedule ko. Sinamahan niya rin akong kumuha ng ID kaya naging madali ang lahat.
She’s a social butterfly and I am so glad she’s so nice for being with me.
At tama siya, wala pang pormal na discussion at hindi pa final ang class schedules. Hinila niya ako patungo sa isang soccer field at doon ko nakita ang maraming mga estudyante. Is this the reason why the buildings are somehow empty? Nandito ang lahat?
“We don’t play basketball here. We have soccer,” nakangising sabi ni Ywa saka nagsimula na siyang magsisisgaw para sa laro.
Mangha akong napatingin sa field. This is all new to me. May soccer field ang dati kong university pero basketball ang tinututukan ng lahat. And seeing everyone getting excited on a soccer game shocked me.
“Go! Greg! O my God! He’s really back!” sigaw ni Ywa nang pumasok na lahat ng players.
The familiar guy with the gray eyes got my attention. Nakikipagtawanan siya habang papasok at biro pa siyang tinulak ng isang lalaki.
“Hindi nakapag laro si Greg sa championship last school year. He stopped playing and we don’t know why. I’m so happy that he’s playing again,” masayang sabi ni Ywa saka nagsisigaw muli.
Nang tuluyang magsimula ang laro ay napahanga ako. That grayed eyes guy plays well. He’s so fast.
“Mas gumaling siya!” Ywa shouted.
I am observant. I know how to read the people’s emotions and body language. Hindi ko alam kung natural ito sa akin o natutunan ko lang dahil nakatira ako sa bahay kasama ang mga abogado. But I saw it. I saw how his fist clenched.
Napasinghap ang lahat nang tinulak ng isa pang lalaki mula sa kabilang team. The guy with the gray eyes fell on the ground. But he was so fast to get up. Tinulak niya rin ang lalaki at ang layo ng tinapunan nito ay hindi normal para sa mga mata ko!
Napatayo ako. Ywa was busy shouting so as others that they didn’t notice how that Greg ran from the field.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko. I ran too. I followed him hanggang sa makarating sa gilid ng field kung saan ang lockers ng mga players. At sa pagpasok ko ay bigla kong narinig ang isang malakas na suntok at pagkayupi ng isang bagay.
Napatalon ako sa gulat at kaba at doon pumasok sa isipan ko na mali ang pagsunod ko dito. Akmang lalabas na ako pero biglang sumarado ang pinto at nanlilisik na mga mata ang sumalubong sa akin.
“Why are you following me?” umiigting ang mga pangang tanong nito. His fist were clenched. His eyes were gray. Pawis na pawis siya at namumula.
“I am not following you,” matigas na sabi ko pero bigla niyang sinuntok ang pader. Hindi ko alam kung gaano siya kalakas at nagawa siyang ma-crack ang pader.
“F*ck! Leave now! I might hurt you! Lumabas ka! I can’t control it! Go out!” he shouted. Sa sobrang taranta ko ay bigla akong umalis doon nang mabilis nang walang naiintindihan.
Ano ang hindi niya ma-kontrol?
Hingal na hingal ako nang makalabas at nakita ko kaagad si Ywa na nagpapalinga-linnga.
“Elle! Come here! Kay bago-bago mo rito tapos kung saan-saan ka nanagsusuot. Let’s go home. The game is over and we have no class na. Kainis. Dapat hindi na lang ako pumasok ngayon. Come here!” sabi niya at hinila na ako palabas doon.
Hindi pa rin halos mag-sink in sa utak ko ang lahat kaya hinayaan ko siyang hilahin ako. I can’t understand what’s happening. Normal bang malalakas ang mga tao dito?
Are they vegetarian?
Bundok ito at marami ang dinaanan naming paliko-liko at masyadong malayo na sa city. Are eating something that we don’t eat in the city?
“Kainis si Trew! He’s making a lot of trouble again. Sinira niya ang game. Greg was playing good and he’s just jealous!” inis na sabi ni Ywa at wala na akong sinabi pa hanggang sa makasakay na kami sa traysikel para makauwi.
Ang mga bumabagabag sa isipan ko ay hindi naalis hanggang sa makauwi ako. Hyndos Valle itself is all new and foreign to me. Pati mga tao dito mukhang iba rin.
“Dad, can I just go back in the city? Kahit mag condo na lang ako,” sabi ko kay Daddy nang makasalubong ko siya sa sala.
“Elle, we talked about this. We’ll stay here. I grew up here. We are safe here than in the city. At tahimik rito. We need this. The weather is good, it’s far from pollution,” sabi niya at napangiwi na lang ako.
“Wala bang mga aswang dito?” tanong ko na kaagad niyang tinawanan.
“Stop reading fictions. Fictions are fictions, Elle. Piliin mo ang paniniwalaan mo. Baka sa susunod matakot ka sa wala naman,” tawa ni Daddy kaya napangiwi ako at natawa na lang rin sa sarili ko.
“Malay ko ba kung totoo? Baka may makasalubong akong aswang? O kaya bampira o werewolves? Katakot,” dagdag na biro ko na siyang inilingan lang ni Daddy habang natatawa.