Chapter 16

2550 Words
Chapter 16 Wala akong sinabi kay Greg na kahit ano tungkol doon. I’d like to think that I am just paranoid, but I am not. Naging busy si Greg sa practice at sa school works kaya tuwing walang pasok o matagal ang vacant ay sumasama ako kay Ywa na kumain sa labas at maglakad-lakad. At hindi ko naiiwasan na makita ang mga sumusunod sa akin. Same group of guys. I don’t have super senses, but I trust my instincts. Natatakot ako. And right now, I am with Greg. Seryoso siya at tahimik na parang nakikiramdam sa paligid. Katatapos lang ng practice nila at madilim na. The roads are all dark. At nakakapanindig balahibo ang paggalaw ng mga puno sa tabi ng daan. “Someone’s following us,” he said, and he drove even faster. Napalingon ako sa likuran namin at wala naman akong nakitang kotse sumusunod. Pero ilang sandali pa ay narinig ko ang maraming mga tunog ng pagtakbo na tila humahabol sa bilis ng takbo ng kotseng sinasakyan namin. “Greg,” I murmured nervously. Umigting ang panga niya at kita ko ang pagkulay ginto ng mga mata niya. His anger grew even more when he forced the car to stop because a big rock rolled in the middle of the road. “F*ck,” sambit niya nang sabay-sabay na nagpakita ang limang kalalakihan. They were all familiar and scary. Nagkukulay ginto ang mga mata at kitang-ita ko ang mga mahahaba nilang kuko at mga pangil na para bang handang-handa na silang makipaglaban. “Huwag kang bababa,” mariin na sambit ko kay Greg saka ko siya mahigpit na hinawakan sa braso nang kumuyom ang kamao niya. “Kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas dito. God knows that I’ll kill everyone if something bad happens to you,” mariin na sambit niya pero mabilis akong umiling. My eyes started to water when I saw determination in his eyes to fight. “Huwag ka ring lalabas!” sigaw ko kaya umigting ang panga niya at wala na siyang nagawa pa dahil tumulo na ang mga luha ko kung hindi muling paandarin ang kotse at mabilis na paatrasin para lumiko at maghanap ng ibang daan. We heard a growl after that, but he didn’t stop. Mas bumilis ang pagpapatakbo niya hanggang sa naramdaman namin na hindi na sila sumusunod. Pero hindi pa rin naalis ang kaba sa akin kaya hindi natigil ang pag-iyak ko. Greg made sure that we were safe first before he stopped the car. “Come here,” mahinan at marahan niyang sambit nang huminto ang sasakyan. Nasa bungad kami ng Hyndos Valle at sobrang dilim dito pero wala na ang presensya ng mga taong lobo na sumusunod. “I am scared. You can’t fight them. Ang dami-dami nila. Hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin,” iyak na iyak na sambit ko kaya napapikit siya at dinala ang kamay ko sa mga labi niya para halikan. “I need to keep you safe—” “And you need to be safe, too!” giit ko kaya natahimik na lang siya at huminga ng malalim bago ako marahan na nilapitan para yakapin. I calmed down a bit because of his hug, but I am still so scared and nervous. Nanatili kami doon ng isang oras at nang maramdaman ni Greg na ligtas nang bumyahe pabalik ay umuwi kami sa bahay nila. Natuyo na ang mga luha sa pisngi ko pero ang kaba sa akin ay hindi pa rin naaalis. We are dealing with serious problems now. Mag-isa si Greg at hindi namin alam kung ilan ang mga kalaban. Hindi ko kayang panoorin na pinagtutulungan siya kung saka-sakali at mas lalong hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya. “Stop thinking about those wild werewolves,” Greg said when he noticed my silence. “Paano?” tanong ko dahil hindi ko na alam kung maaalis ko ba iyon sa utak ko gayong takot na takot ako lalo na para sa kanya. “Let’s shower, come on. Water might help you forget,” sabi niya at nagpatianod ako sa kanya papasok sa banyo. Sabay kaming nabasa ng tubig mula sa shower at ng yumuko siya para abutin ang mga labi ko ay doon na nasentro ang atensyon ko. He licked my lips softly, and I couldn’t help but open my lips more to give him his access. “I will keep you safe…always,” he murmured, and that’s when we got lost in each other's touch again. Sa sumunod na araw ay pinilit ko siyang puntahan ulit ang matandang lalaki sa labas ng convenience store. Marami siyang alam at siguradong may alam rin siya kung paano patitigilin ang mga taong lobo sa binabalak nila. Greg killed the Alpha because he attacked us. And they need to understand that. Maaga pa kaming nakarating sa kung saan palagi nakikita ang matanda pero wala na ito ngayon doon. Wala na siya sa palagi niyang inuupuan at wala na siyang bakas doon. “Kuya, nakita niyo po ba ang matandang lalaki dito?” tanong ko sa nagtatrabaho doon kaya bahagya siyang napaisip. “Ah, si Lolo Joey? Hindi namin alam pero ang alam ko may bahay siya sa bundok. Baka umuwi na?” hindi siguradong sabi niya kaya napatingin ako kay Greg na napatingin lang rin sa akin. “Hayaan mo na. We’ll figure this out,” sabi niya sabay hawak sa kamay ko para makabalik na kami sa kotse. “Si Fate, baka may alam siya,” naisip ko pero kumunot lang ang noo niya at umiling. Wala na akong nagawa kung mag-overthink sa klase dahil doon. I want to help Greg in dealing with these creatures. Pero paano? We need help too. Baka hindi lang pagsunod ang gagawin ng mga taong lobo. Para sa susunod ay umatake na sila. They are strong, and I don’t know if Greg can deal with them all. Hindi ako umuwi matapos ang klase ko dahil may practice sila Greg ng soccer. I waited for him with Ywa, and when the practice ended, Ywa went home first. Ako naman ay nanatili doon habang sa field habang tinatanaw ang unti-unting pag-alis ng mga players hanggang sa ako, si Ize at si Greg na lang ang natitira. “I’m so tired!” sigaw ni Ize at matapos iyon ay tatlo kaming natigilan nang marinig kami ng malakas na alulong. My eyes widened, and Greg ran towards me so fast. Hinawakan niya ako at kaagad kong naramdaman ang pagiging alerto niya. “D*mn, I am fascinated with werewolves, but they can’t be true,” sabi ni Ize at lumapit na rin sa amin. “Let’s go,” Greg said, but we stopped from moving when we heard another loud growl again. Napahigpit ang hawak ko sa kanya at sabay kaming napatingin sa paligid. Halos dilim na ang buol University. Tanging dito sa field na lang ang may ilaw. “Naninindig ang balahibo ko,” sambit ni Ize nang magtuloy-tuloy ang alulong na parang nagwawala. Natahimik kaming tatlo at nakiramdam ng maigi. I didn't move, but I am holding Greg’s hand really tight because I am so afraid. Nanlalamig na ako at naninigas sa sobrang takot at kaba. “Why are you still here? Dito kayo tumitira?” Napatalon kaming dalawa ni Ize sa gulat sa biglang nagsalita at paglingon namin ay nakita namin si Trew na papalapit. “Gago ka! Muntik na akong himatayin sa’yo, Samillano!” inis na sambit ni Ize pero hindi na rin nakapagsalita pa si Trew dahil mas lumakas ang alulong na parang ang lapit-lapit na nito sa amin. Lahat kami ay nakiramdam ng maigi. “Someone’s coming,” sambit ni Greg kaya nanlaki bigla ang mata ni Ize at takot siyang lumapit sa amin. “What’s that? Aswang?” sambit ni Trew at kita ko ang pagpulot niya ng bato na parang naghahandang makipaglaban. “If I told you to run, you’ll run in the building. Pupuntahan kita doon mamaya,” mahinang bulong ni Greg at marahan niya akong tinago sa likuran niya dahil unti-unting lumabas sa dilim ang isang lalaki na nakangisi ng nakakatakot habang nagkukulay ginto ang mga mata. He is familiar. Isa siya sa palaging sumusunod sa amin. Kita ko ang gulat sa mukha ni Ize at Trew pero si Greg ay nanatili lang na seryoso. “Hindi ka magiging pinuno ng pangkat. Hindi ka purong lobo,” sambit nito at doon lumabas ang pangil niya at matatalas na kuko. “F*ck,” sabay na mura ni Ize at Trew dahil sa mga nasaksihan. He transformed into werewolf. Naging mahaba ang tainga niya at tumubo ang mga balahibo ng lobo sa gilid ng mukha niya. He looks even more scary, and his eyes are raging with anger and danger. “F*ck!” muling mura ni Ize at halos hindi na maipinta ang mukha niya nang malingunan niya ang bigla ring pagkulay ginto ng mga mata ni Greg. “Run,” malamig na sambit ni Greg pero wala ni isa sa amin ang gumalaw. The two boys are too shocked to even move while I can’t leave Greg here alone, so I am staying. The werewolf ran towards us. Halos hindi namin makita sa sobrang bilis niya pero nagawa iyong pigilan ni Greg. Nasipa niya ng malakas ang lobo kaya napunta iyon sa malayo dahilan para muli itong umalulong ng malakas. “The f*ck!” sigaw ni Trew nang batuhin kami ng taong lobo ng isang mahabang upuan na hindi naman tumama sa amin dahil naharang ni Greg at binalik sa taong lobo na nagwawala. “Hindi ikaw ang alpha!” “Run!” Greg shouted, and he dragged me. Mabilis kaming tumakbo patungo sa pinakamalapit na building. We can still hear the loud growl. “Fate! Takbo!” sigaw ni Ize nang makita namin si Fate na papalabas sa building habang may dala-dalang mga boxes. Gulat siyang napatingin sa amin pero hindi na siya nakapagsalita pa dahil padarag na siyang hinawakan ni Ize at dinala sa pagtakbo papasok dahil nakasunod na sa amin ang nagwawalang tao lobo at nambabato habang patuloy na umaalulong. We managed to hide in one of the rooms on the third floor. At doon takot kaming hinarap ni Trew at Ize na walang naiintindihan sa mga nangyayari. Hindi sila pinansin ni Greg at lumapit lang siya sa akin para halikan ako sa noo. “Stay here with them. I need to go out to face him. Huwag kang lalabas,” bulong niya pero paulit-ulit ako sa umiling habang nakakapit sa kamay niya ng mahigpit. “Anong nangyayari? Ano iyon? At ikaw? Bakit kulay ginto ang mata mo? Monster! Are you a monster!” hindi na napigilang pagsigaw ni Trew. “He is a werewolf,” sambit ni Fate kaya lahat kami napabaling sa kanya. “Ano? Alam mo? Anong nangyayari? Can someone explain it? Sino ang lalaki sa labas? Bakit gusto ka niyang patayin?” sunod-sunod na sambit ni Ize pero hindi na sumagot si Greg dahil narinig namin ang pagkabasag ng mga salamin sa labas. Muli kaming tumakbo patungo sa kasunod na room at agaran namin iyong ni-lock at nilagyan ng malalaking harang para hindi tuluyang makasunod ang taong lobo. “This is all your fault!” sigaw ni Trew at biglang tinulak si Greg ng malakas. Hindi iyong inaasahan ni Greg kaya bahagya siyang napaatras. “Hindi ito ang oras para mag-away!” sabi ko pero hindi nawala ang galit kay Trew. “You go out there and deal with that monster! Pareho kayong halimaw at ikaw lang naman ang pakay niya dito! Hindi kami halimaw na tulad mo kaya huwag mo kaming idamay!” sigaw ni Trew at nang biglang maging kulay dugo ang mga mata ni Greg ay mabilis na akong humarang sa pagitan nila. I heard Fate gasped, and he pulled Trew away from Greg. Si Ize at tahimik kang na parang hindi niya pa rin maintindihan ang nangyayari ngayon. “You are not a werewolf. You are an alpha,” sambit ni Fate kaya napalingon ako sa kanya. “I need to go out,” sambig ni Greg nang marinig namin ang pagkabasag ng malapit na pader. At lahat kami napasigaw bigla nang biglang malakas na sumabog ang pinto kung nasaan kami ngayon. Lumipad ang mga upuan at tumama sa amin lahat ng iyon. Tumama rin sa amin ang malaking lamesa at hindi iyon kaagad napigilan ni Greg. Ramdam ko ang sakit na dulot ng malakas na pagtama sa braso ko pero hindi ko iyon ininda at napasigaw ako bigla nang makita ko ang pagsugod ng taong lobo kay Greg. I saw blood and they fell out of the building. “Greg!” I cried my lungs out. “Elle!” sigaw ni Ize nang makita niyang balak kong tumalon pasunod kaya kaagad niya akong hinawakan. Lahat kami tinamaan ng malakas ng pagsabog ng pinto kanina. Kita ko ang dugo sa braso ni Trew at ang sugat sa noo ni Ize. Si Fate ang hindi gaanong natamaan pero pawis na pawis siya. “Sa puso. Kailangang saksakin ni Gre sa puso ang taong lobo! Or silver! Tatalab ang silver!” sabi bigla ni Fate. “Let’s leave him? He’s a monster now!” sigaw ni Trew kaya nilingon ko siya ng galit kong mga mata. “Ikaw lang ang aalis! He is Greg, and he is fighting for us! He is not a monster!” sigaw ko kaya natawa ng sarkastiko si Trew. “Anong tawag mo sa kanya? May tao bang ganoon? Wake up!” “Shut up!” sigaw ni Ize at lahat kami napadungaw nang makarinig kami ng malakas na sigaw. At nakita namin mula dito sa itaas ang pagtaksik ng dugo ng taong lobo nang saksakin ito ng Greg ng isang bakal diretso sa puso. “Greg!” I shouted, and I ran. Tumakbo ako palabas at rinig ko ang pagsunod nila hanggang sa makababa kami at makalapit kay Greg. “He’s dead?” nagawa pang itanong ni Ize. “Burn him,” sambit ni Greg kay Trew kaya mabilis itong umiling. “Duwag, ako na! Pahinging lighter!” sambit ni Fate at nanginginig na mga kamay ni Ize at nagbigay sa kanya ng lighter na kaagad niyang binuksan at tinapon patungo sa patay na taong lobo at kita namin kung paano ito natupok ng apoy. “Come here,” mahinang tawag sa akin ni Greg at nakita niya ang sugat sa braso ko kaya mabilis niya iyong hinawakan at ilang sandali lang ay nawala na iyon. “Pwede bang gamutin mo rin ako? Kasalanan mo naman ‘to,” naisatinig ni Trew pero tinalikuran lang siya ni Greg. “Greg, they are after you now. Hindi ko alam kung paano ka naging alpha pero dahil sa pagpatay mo dito sa isang werewolf at mas lalo kang hahabulin ng isa pa. Alam ko na may mga taong lobo sa tuktok ng Hyndos Valle. At mukhang nandito na sila ngayon sa baba,” sambit ni Fate at lahat kami napalingon sa kanya. She is so serious. “Paanong alam mo ang mga ‘to?” tanong ni Greg. “My grandfather researched this secretly. We are close, and before he died, he gave me the book that he wrote about the werewolves.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD