Chapter 30 Nagsalubong ang kilay ko lalo na nang bahagya pa siyang lumapit dahilan para agaran akong mapalayo. “Sa HVU ka pala nag-aaral? Ang lalaking kahawak kamay mo kanina, boyfriend mo ba ‘yon? He smells different, though,” sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. “Ano?” naguguluhang tanong ko pero may nabubuo na sa isipan ko. “May binisita lang ako kanina,” sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kaya mas lalo akong umatras at kalaunan ay tinalikuran ko na siya para umalis doon. Saktong nakalayo na ako ng bahagya nang makatanggap ako ng message mula kay Greg. I am so nervous, I don’t know why. Kailangan kong bumalik sa mga magulang ko. Nasa gitna ako ng maraming tatlo at pinagpapawisan ng malamig. Paglingon ko sa kabila ko ay nakita ko sa dagat ng mga tao ni Diego sa pi

