Gado POV PINARADA ko ang sasakyan sa harap ng main door at bumaba para hintayin ang mga amo. Ipapasyal ngayon ng senyor at senyora si Lilliana sa bagong bukas na mall malapit lang sa kapitolyo. Ako ngayon ang magiging driver nila. Ilang sandali pa ay natanaw ko na sila na papalabas. Nagtatawanan at nagbibiruan pa si Senyor Melchor at Lilliana. Hindi ko naman maiwasang bistahan ang dalaga. Nakaipon pataas ang kanyang buhok at may ilang hiblang nakalawit. Nakasuot sya ng mini skirt na kulay pink at maliit na puting t-shirt. Sneakers na puti ang kanyang sapatos. Para syang nagliliwanag sa kaputian nya. Parang may naguudyok sa loob ko na pagpalitin sya ng damit lalo na ang maiksing palda nya. Siguradong pagpipyestahan ng mga tao sa mall ang mga hita nyang parang labanos sa puti. Nag iwas

