Lilliana POV NAG inat ako at dinilat ko ang mata. Napapikit ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina. Ngumiti ako at dinama sa balat ang sinag ng araw. Ang sarap nito sa balat. Ang sarap ng gising ko ngayong umaga. Bumangon ako at muling nag inat. Lumingon ako sa aking tabi. Wala na si Gado pero naroon pa rin ang bakas nya sa aking tabi. Muli akong humiga at kinuha ang unan ni Gado. Niyakap ko yun at sininghot singhot ang naiwang amoy nya. Ngumiti ako at hinigpitan pa ang yakap sa unan at sinubsob ang mukha. Ang bango bango talaga ng daddy Gado ko. Naalala ko kagabi ilang beses nya akong inangkin. At talaga nga namang nakatulog ako sa sarap at pagod. Ngayong mag asawa na kami at nakatira na sa bahay nya ay hindi na namin kailangan magpigil at magtago ng nararamdaman. Ang s

