Gado POV "LILLIANA... Lilliana." Marahan kong tinapik tapik ang pisngi ng nobya. Pero umungol lang sya at huminga ng malalim. Tahimik akong napamura. Tinulugan na nga nya ako. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. Dinampian ko sya ng magaang halik sa gilid ng labi at hinaplos ko ang kanyang buhok. Nakatulog sya sa pagod. Palaban din talaga sya. "I love you Lilliana.." Bulong ko. Mahal ko na sya. Hindi naman ako mababaliw ng ganito sa kanya kung hindi. Hindi lang naman pagnanasa ito dahil mas malalim pa ito sa pagnanasa. Hindi ako magseselos sa mga lalaking lumalapit sa kanya, hindi ko sya palaging mamimiss kung di ko sya mahal. Pinilit ko naman syang iwasan pero makulit sya hanggang sa tuluyan na syang nakapasok sa puso ko. Ngumiti ako at dahan dahan akong bumangon. Dahan

