Nang magmulat ang aking mga mata ay agad kumurba ang ngiti sa aking mga labi. Ewan ko bakit parang ang ganda ng gising ko ngayon. Tumingin ako sa orasan. Alas-otso na nang umaga. Agad akong tumayo at nagtungo sa aking salamin. Kinuha ko ang aking suklay at tinitigan ang mahaba at itim kong buhok. Nakangiti lamang ako habang nagsusuklay. "Isabella." Napakunot ang aking noo nang makita mula sa salamin, na nasa likod ko si Mateo. Sinusundo niya ba ulit ako? Napakaaga naman ng lalakeng ito. Tumalikod ako upang tanawin siya ngunit biglang sumikip ang aking dibdib nang makitang wala siya sa likod ko. Muli kong hinarap ang salamin at nanlaki ang aking mga mata nang makita pa rin siya sa repleksyon ng salamin. Agad ulit akong tumingin sa likod pero wala talaga siya. "Mateo?" Pinagtitripa

