"Matthew mag-iingat ka sa eskwelahan anak ha." Nilagyan ko ng sapin sa likod ang aking anak. Hindi pa man siya nakakaalis ay basang-basa na agad siya ng pawis. "Opo ina." Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Palagi pa rin akong napapangiti sa tuwing nakikita ko ang aking anak. Kamukhang-kamukha siya ni Mateo lalo na ang pungay ng kanyang mga mata. Ilong lang ata ang nakuha niya sa akin. Manipis at mapula rin ang kanyang labi kagaya ni Mateo. Paminsan nakakalungkot ding alalahanin. Walong taon na ang lumipas pero gabi-gabi pa ring bumabalik sa akin ang alaala ng sakit. Hindi pa nakakalayo ang aking anak sa pagtakbo palayo sa akin ay huminto siya at muli akong hinarap. Bumalik siya sa aking pwesto nang may malawak na ngiti. Pati ang kanyang mga ngiti; katulad na katulad ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


