Halos pareho nga ng kwento si Kriselda at Mateo tungkol sa sinunog na bata sa Cayetana. Hindi nga ata talaga ako nagkakamali; ang may-ari nga ng medyas na nasa harapan namin ngayon ay anak ng nangkulam sa akin. Pagkatapos namin sa pares ay pinasok naman namin ang Letra. Labis nanaman ang pagkamangha ko dahil halos buong pader ay nababalot ng mga letra. Ang buong kwarto ay purong tula. "Ang galing naman nito." Lumawak ang ngiti ni Mateo. "Naalala mo ba 'yong tulang binigay mo kay Anastasha?" Kumunot ang aking noo. "Iyong napulot nung bata na inabot niya sa akin." Tumango siya. "Oo bakit?" Ani ko. Mahina niyang pinisil ang aking ilong. "Anong bakit? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam na para sa 'yo talaga dapat 'yon?" Umiwas ako ng tingin. Syempre alam ko na pero kaya nga na

