Dahan-dahan nagmulat ang aking mga mata. Ramdam ko pa ang medyo masakit kong katawan. Dahan-dahan akong naupo sa aking kama at kinusot-kusot ang aking mga mata habang inaalala ang nangyari kagabi. Napahinto ako sa pagkusot at nilibot ang aking paningin nang maalala lahat. Nasa kama na ako? Ang alam ko sa mahabang upuan ako nakatulog at si.. si Mateo? Tinignan ko ang aking katawan para siguraduhin kung tama ba ang aking naiisip at oo wala nga akong kasuotan. Lumaki ang aking mga mata. Hindi iyon panaginip. May nangyari sa amin ni Mateo. Napapalo ako sa aking noo. "Anong ginawa ko?" Ngayon nalang ulit ako nakapag-isip ng tama. Si Anastasha, patay ako kay Anastasha pag nalaman niya iyon. Mabilis akong nagdamit at saka dumiretso sa sala para tignan kung andoon pa si Mateo. Napakagat

