Kabanata 3

2113 Words
Agad akong dinala ni ama sa kanilang silid ng aking ina. Nakita ko pa ang pagsulyap ng nag-aalalang si Kristina mula sa kanyang silid. Tinulak niya 'ko at mabilis akong sumiksik sa malamig na pader. Kinandado niya ang pinto. "Ang ayoko sa lahat, 'yung sinusuway ang bilin ko." Lalo akong sumiksik sa gilid nang makitang papalapit siya nang papalapit. Hindi na mawala ang luha sa aking mga mata. Ang sikip sikip na ng aking dibdib sa kakahagulgol. Nanginginig na rin ang aking buong katawan. "Ama, patawad po." Kailangan kong babaan ang aking pasensya lalo't wala si ina. Halo-halo na ang emosyong aking nadama. Walang tigil ang pag-nginig ng aking katawan, nararamdaman kong gagawin niya nanaman ang ginagawa niyang pambababoy sa akin, wala akong kalaban-laban. Nakita ko ang pag-ngiti niya nang tuluyan siyang makalapit sa'kin at wala na akong maatrasan. Nakaupo lang ako sa sulok habang patuloy na nanginginig. "Gusto mong patawarin kita?" Inilagay niya ang mainit at mabigat niyang kamay sa aking hita. Agad na tumaas ang aking balahibo. Pinilit ko pa ring umusog kahit alam kong wala na 'kong mauusugan. Niyakap ko ang aking mga binti at pilit na ibinababa pa lalo ang aking damit upang matakpan ang aking hita. "Parang-awa mo na ama." Lalo akong nanginig. Hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha. Kung nandito lang sana ang aking ina. Nakita ko ang papalapit na mukha niya sa aking leeg kaya agad akong umiwas. "Huwag po, ama... pakiusap." "Manahimik ka!" Napahawak ako sa aking pisnge nang dumapo dito ang mabigat niyang kamay. Parang namanhid sa sakit ang aking mukha. "Subukan mong magsumbong sa iyong ina at asahan mong makikita mo ang kanyang bangkay," sambit niya. Marahas niyang hinawakan ang mukha ko at marahas na hinalikan ang aking labi. Damang-dama ko ang pagkabasa ng ilang bahagi ng aking mukha. Wala nanaman ako magawa. Wala pa ring tigil ang aking luha. Ang sakit-sakit na. Para lang akong manikang kanyang ginagamit na laruan at lagi niya nalang akong tinatakot na papatayin niya ang aking ina kung kaya't hindi ko rin masabi kay ina ang mga kagaguhan niya. Ang buong alam ni ina ay minamaltrato at sinasaktan lang ako ng aking amain, pero hindi. Higit pa sa pananakit ang ginagawa sa'kin. Wala rin namang lakas si Kristina na mag sumbong kay ina lalo na ako, takot kaming baka gawin niya ang sinasabi niyang pag-patay hindi lang sa akin kundi kay ina. Naramdaman kong ginagalaw niya ang labi niya pero wala pa rin akong ibang ginawa kundi umiyak. Ano bang laban ko sa kanya? Isa siyang tigre at ako ang pagkain niya. Binaba niya ang halik niya sa aking leeg. Ang mga inet ng laway nito ay labis kong pinandidirihan. Kung ano-ano nang bagay ang pumapasok sa aking isipan. Palagi nalang ganito. "Kaya mo naman palang tumahik eh." Lalo niyang binaba ang kanyang halik pati ang dibdib ko ay pinaglalaruan na ng kanyang kamay. Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Napakahina ko gusto kong lumaban pero hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung paano ako magiging handa. Oo. Oo kaya kong maging malakas pero napakahina ko pag dating sa aking amain. Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay niya sa pinaka maselang parte ng aking katawan. "Parang awa mo na ama, tama na." Iyak pa rin ako nang iyak. Nakita kong nag iba nanaman ang mata niya. "Anong tama na?! Sinong nag bigay sa'yo ng karapatang sabihin ang dapat kong gawin ha?!" sigaw neto, bago ako marahas na itinayo at tinulak papalapit sa kama nila at ng aking ina. Napalakas nalang ang hagulgol ko nang pilit niya 'kong patuwarin sa paanan ng kama. Tinaas niya ang nag-sisilbing palda ng aking bistida at hinubad ang suot kong pang ibaba. Eto nanaman. Gagawin niya nanaman. Sinubukan kong magpumiglas pero sadyang napakalas niya at inipit niya lang ang aking mga kamay sa likuran ko at sinimulan niya nanaman akong babuyin. Sana nandito ang aking ina. Wala na 'kong ibang nagawa kundi umiyak. Umiyak nang umiyak hanggang sa magsawa siya sa kanyang ginagawa. Sobrang sakit na. Para akong baboy. Binabababoy niya ako. Ang hirap hirap na at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa to kakayanin. Nagising ako na nasa aking ng silid. Mabilis akong umupo sa kama at pumunta sa pinakasulok nito. Napayakap ako sa aking binti. Ramdam ko pa rin ang sakit. Randam ko pa rin ang iniwan niyang sakit sa katawan mula sa pang-bababoy niya sa'kin kagabi. Narinig kong may kumatok sa aking pinto. Hindi ko iyon pinansin. "Ate Isabella?" Narinig kong himig habang unti unting bumubukas ang pinto. Napadukmo nalang ako sa aking mga tuhod nang makita ang kapatid kong papalapit sa'kin. "Ate.. Ate-- patawad." Agad niya kong niyakap nang makalapit siya sa'kin at naramdaman ko rin ang isang patak ng luha niya na tumama sa aking balat. "Patawad ate."  Muli nanamang bumagsak ang mga luha ko. Matapang akong tao, pero 'pag usapang pamilya na nagiging emosyonal ako. Niyakap niya 'ko nang mahigpit habang patuloy lang ako sa pag-iyak. "Wala kang kasalanan Kristina," bulong ko. "Hindi. Wala man lang akong nagawa. Hindi man lang kita na-ipagtanggol. Isa akong malaking duwag. Ate, patawad." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at gano'n rin ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararanasan ang hirap na 'to. Hanggang kailan ang sakit? "Bakit? Bakit gan'to nalang palagi? Napapagod na 'ko Kristina, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning lumaban. Pagod na pagod na 'ko." Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. "Kung sana'y may lakas lang ako na magsumbong kay ina o pigilan si ama hindi sana nangyayari ang mga bagay na ito." Malungkot ang tinig ni Kristina habang nakayakap pa rin sa akin. "Basta ate sana 'wag kang susuko. Balang araw, balang araw matitigil rin ang lahat ng ito. Balang araw matatapos rin ito. 'Wag ka sanang sumuko ate. Kailangan kita. Kailangan ka namin ni ina. Mahal na mahal ka namin ni ina, pasensya na kung dahil sa'kin kailangan mong mag-hirap at intindihin ang sitwasyon. Pasensya na ate. Hindi ko rin naman ito ginusto." Pinunasan ko ang mga mainit na luhang pumatak sa pisngi niya. "Sabi ko nga sa'yo, 'wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Siguro nga may dahilan ang lahat. Siguro may dahilan ang Panginoon kung bakit dinadanas ko ang pagsubok na 'to, at tama nga balang-araw, balang- araw matatapos rin 'to. Huwag nga lang sanang matapos ito dahil sa sumuko na 'ko. Nakakapagod na rin kasi." Pilit kong pinunasan ang mga luha ko. "Balang-araw, sana balang-araw magkaroon ako ng lakas na magsalita at ipagtanggol ka kay ama." Pilit akong ngumiti kahit ang totoo'y nasasaktan pa rin ako. "Ayos lang ako Kristina. Alam ko namang kapalit ng paghihirap ay ginahawa." Sana nga totoo na matatapos din ang lahat ng ito at magkakaroon ng ginhawa sa aming pamilya. "Isabella, Kristina, nandyan ba kayo?" Agad kaming napaayos ng upo nang marinig namin ang boses ni ina. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko pati na rin si Kristina. Buti nalang at umuwi na muli si ina. "Opo, ina," sagot ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko. Hindi dapat malaman ni ina ang pag-iyak ko, pero mukha sigurong imposible ko itong matago dahil sa pamamaga nito. "Huwag kang mag-alala ate, umalis si ama ngayon. Marami daw siyang aasikasuhing trabaho," bulong ni Kristina. Kahit papaano ay nakagaan naman ng loob ko ang malaman na wala siya rito. Kahit pansamantala lamang ay madadama ko ang kalayaan. Bumukas na ang pinto at pumasok si ina. "Kanina ko pa kayo hinahanap, nandito lang pala kayo. Halina't kanina pa nag hihin-- teka, Isabella? Ba't namumugto ang iyong mga mata?" Napaiwas ako ng tingin kay ina at agad na napayuko. "Ah, ina, nalagyan lang po ng sabon ang mukha nitong si ate, kinusot niya nang kinusot kaya namaga." Sambit ni Kristina sabay tawa nang pilit. Buti nalang nandito siya para pag-takpan ako. Hindi talaga dapat malaman ni ina ang ginagawang kababuyan ng aking amain. Hindi lang ako ang masasaktan pag nangyari iyon. Pati si ina ay madadamay sa ka-demonyohan ng aking amain. Kilala ko si amain at alam kong marami siyang kayang gawin. Mukha namang hindi kumbinsido si ina at lalo pang lumapit sa amin para maupo sa aking kama. "Yung totoo? Isabella, may nangyari nanaman ba? Sinaktan ka nanaman ba ng iyong amain?" usisa ni ina. Oo, at hindi niya lang ako sinaktan binaboy niya pa ako. "Hindi po. Wala siyang ginawa sa'kin. Kasalanan ko po talaga ito dahil hindi ako nag iingat at masyado kong sineryoso ang paglilinis ng mukha." Sambit ko habang kunwaring natatawa. "Siguraduhin mo 'yan Isabella ha. Basta pag sinaktan ka ulit ng iyong amain 'wag kang matakot na magsabi sa'kin. Nagkakasundo ba tayo roon?" Pilit akong ngumiti at tumango. Kung sana gano'n lang kadali iyon. Sana... "Oh siya kanina pa naghihintay ang ating agahan at oo nga pala Isabella may naghihintay ka ring bisita sa ibaba." Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Panigurado ay kung hindi si Anastasia ay si Kriselda ito. "Bisita?" "Oo isang binata, ngayon ko lang siya nakita rito sa atin pero sabi niya'y kaibigan mo daw siya at kapatid siya ni Kriselda kung kaya't pinatuloy ko na siya at inalok ko na rin siya ng agahan." Kapatid ni Kriselda? Anong ginagawa niya rito? Hindi kaya mag susumbong siya sa aking ina dahil sa nangyari kagabi? "Oh siya, tama na ang usapan. Hindi magandang pinaghihintay ang pagkain. Mag-ayos ka na at sumunod sa baba. Sumabay ka na sa'kin pababa Kristina, tutal ay naka ayos ka naman na," sambit ni ina nang makatayo siya. "Sige ina." Sumunod din naman agad si Kristina. Ngayon ibang Isabella nanaman ang dapat kong ipakita. Isabella na masayahin at walang iniisip na problema. Ngayon na kasama ko ang aking ina at wala ang aking tumatayong ama. Ako nanaman ang masayang Isabella sa panlabas at durog na durog na Isabella sa panloob. "Dalian mo sa pag-aayos," huling bilin ni ina, bago sila tuluyang makalabas. Paglabas nila mabilis akong bumangon sa higaan. Ramdam ko pa ang kaunting sakit sa pagitan ng aking mga hita pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Nandito si Mateo, ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang pumunta rito. Nakakahiya na nga ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung may mukhang ihaharap pa 'ko sa kanya. Labis ang kahihiyang dinanas ko kagabi. Gusto ko pa sanang umiyak pero hindi na maaari. Baka mahuli na ako ni ina 'pag nagkataon. Iipunin ko nanaman ang mga luha sa aking mata. Mabilis akong naghilamos at nag-ayos nang matapos ako ey pumunta agad ako sa aming kainan. Napahinto ako sa paglakad palapit sa kanila nang makita si Mateo na nakikipagtawanan sa aking kapatid. Aba't ambilis naman nilang mag-kasundo. Naikwento niya na kaya sa aking ina ang nangyari kagabi? Hindi maaari. Huminga ako nang malalim. Nahihiya ako at lalong nadagdagan ang kahihiyan ko dahil sa nangyari kagabi. Dahil sa skandalong ginawa ng aking amain. Pilit akong ngumiti. Ano ka ba naman? Ikaw kaya si Isabella. Mahusay sa pag papanggap. Kayang ngitian ang lahat. Kapag nahihiya ka idaan mo nalang sa ngiti. Harapin mo siya nang may lakas ng loob Isabella. Pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili. Kaya ko 'to. "Oh nandito na pala si Isabella. Isabella maupo ka na't kanina pa naghihintay ang pagkain," sambit ni ina, pero kay Mateo ako nakatingin at sa sandali ring iyon ay mabilis na nagtama ang aming mga mata pero mabilis rin akong umiwas. Namumugto ang mga mata 'ko ngayon at sobrang nakakahiya talaga ang nangyari kagabi. "At kanina pa rin naghihintay etong si kuya Mateo." Aba't naki-kuya na rin etong si Kristina. "Magandang umaga binibini." Tinanguan ko lang siya, bago ako naupo sa tabi ni Kristina. Habang nasa harapang pwesto naman ni Kristina si Mateo. "Isabella, hindi mo man lang ba babatiin ang ating bisita?" Napatingin ako kay ina bago napatingin kay Mateo na ngayon ay nakitingin din sa'kin. Nakakaagaw pansin talaga ang itim na itim niyang mga mata. Pero hindi pa rin ako madadala ng mga ito. Isabella magpanggap kalang na komportable ka. Oo nakakahiya pero wala naman nang magbabago, nangyari na ang mga nangyari. Pilit akong ngumiti. "Magandang araw po, ginoo." Hindi naiwasan ng aking himig ang pagka-sarkastiko. "Mateo nalang." Narinig kong sambit neto. Hindi ko na nakita kung anong reaksyon o ekspresyon ng mukha niya dahil hindi ko na siya tinignan at binaling ko nalang ang atensyon sa pagkaing nakahain. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa'kin ni Kristina na tila ba kinikilig. Tinignan ko lang siya nang masama. "Oh siya, tayo na't magdasal at simulan na ang ating pagkain." Singit ni ina. Buti naman at naisip ni inang magdasal na at kumain. Kahit na ganito ako at ganito ang pinapakita ko hindi pa rin naaalis sa isip ko ang ginawa nanamang kababuyan ng aking amain, pero kailangan ko muna talaga itong kalimutan. Gano'n lang naman ang proseso eh. Bababuyin ako, iiyak ako, magpapanggap na masaya at pilit kakalimutan ang lahat. Paulit-ulit nalang. Sanay na sanay na 'ko. Pero kahit gaano ka pa kasanay masakit pa rin talagang isipin na ang pinagkatiwalaan mo noon ay bigla nalang nagbago at tinrato ka pang parang hayop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD