"Ama, ina, Kriselda may nais po sana kaming ipaalam sa inyo.". Ininom ko ang isang basong tubig sa aking harapan. Parang natutuyo ang aking lalamunan sa mga sulyap ng kanyang mga magulang at ni Kriselda. Kakatapos lang naming kumain at mukhang eto na nga ang oras na sasabihin na ni Mateo ang tinago namin sa kanila. Kumapit ako sa kamay ni Mateo. Parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko nang maramdaman ang lamig ng kanyang kamay sa ilalim ng mesa. Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay para matulungan siyang pigilan ang panginginig nito. "Ano iyon anak?" tanong ni tito Miguel. Nakatingin lang ako sa lamesa at pakiramdam ko sinasaksak na nila ko sa kanilang mga tingin. Sa kabila ng pagtingin ko sa lamesa ay tila ba tumatagos pa rin sa gilid ng aking mata ang tingin ni ti

