chapter 2

2646 Words
" Guys meeting po muna tayo. lumapit po muna ang lahat.. " pagtatawag ni madam V sa mga tao nya " Alam naman na po natin na magkakaroon ng lipatan di po ba? So ito na po yun after 2 months dahil alam nyo naman na mahina ang ating gawa ngayon, no choice kami kung hindi maglipat na ng tao. Ang mga malipipat ay iinform via phone call.. So make sure po na reachable ang mga cellphones nyo bukas. Maliwanag po ba? " sabi ni madam V " Paano po kung wala talaga signal sa lugar namin? Paano po yun " tanong kay madam V " Ganun padin naman, ililipat paden kayo pagpasok nyo ng. monday. iniiwasan lng naten yung commotion para tuloy tuloy ang trabaho natin ngayon.. " sabi ni madam V " Wala ng pwede humirit na ayaw nya or di sya deserve dahil final na yun kung ayaw nyo ang management ang kausapin nyo. May magtatanong pa ba?? " pagpapatuloy ni madam V " Wala na po " sabay sabay na sabi ng mga empleyado " Ok kung ganoon magsibalik na po sa trabaho at maraming salamat " pagtatapos ni madam V Kanya kanyang kumpulan ang mga emleyado dahil sa naging meeting. Wala namang gana si Lisa na makipag usap dahil alam nya na kasama sya at malapit na syang malipat ng department.. Kinabukasan nga ay tinawagan sya at sinabi kasama sya. " Hello?? Pwede kay Lisa? " tanong sa kabilang linya " Sino po sila? " walang ganang sagot nya " Si madam V 'to.. inform lang kita na kasama ka sa malilipat pero don't worry once na lumakas ulet ang load naten ay kukunin ko ulet kayo " sabi sa kabilang linya " Ok " maiksing sagot ni Lisa. Wala kasi talaga sa mood makipagdiskusyon kay madam V dahil expected na naman talaga nya iyon.. " Wala ka bang itatanong or sasabihin?? " tanong ni madam V " Wala ho! Nagdesisyon na po kayo sino ba naman ako para kwestyonin kayo?? At di ba sinabi nyo kahapon na hindi pwedeng tumanggi?? Anong purpose kung makikipagtalo pa ako sa inyo?? Magsasayang lang ako ng laway.. Kung wala na po kayong sasabihin, ibababa ko na po ang telepono. " nayayamot na sagot ni Lisa "Ahm wala na.. Sige neng salamat.. Bye.. " pagpapaalam ni madam V Bwisit na bwisit talaga si Lisa pagkababa nya ng cellphone.. " Akala nya naman magmamakaawa ako sa kanya na wag ako ilipat! In her dreams!! manigas sya!! Ang kapal ng mukha, wala daw personalan pero yung mga ililipat nya ung mga wala lang naman sya mahita sa pansarili nya.. May pa sabi sabi pa na " that wont happen " utot nya! Grrrrr nakakainis talaga! " asar na sambit ni Lisa sa sarili Kinabukasan.... " Yung mga tinawagan po kahapon pasuyo po lapit po muna dito sa akin. " sabi ni madam V Nagsilapitan na nga ang mga nakatanggap ng tawag kabilang na si Lisa.. " Sa training room po muna kayo ngayon at sila na ang bahala kung saan na area kayo mapupunta. At katulad nga ng sinabi ko sa inyo kahapon once na lumakas ulet ang gawa naten kukunin po ulet namin kayo kaya wag kayo mag alala " sabi ulet ni madam V. " Ok po " Sagot nila Lisa Habang naglalakad nag uusap usap ang mga tinawagan na ililipat. " Saan kaya tayo mapupunta? Sama sama padin kaya tayo? " tanong ni Edwin " Ako sana dun lang sa tapat ng area natin para makakapunta parin ako dun. " sagot naman ni Calvin " Ako din dun lang ang gusto ko para naman malapit at balita ko din madami daw chicks dun eh " sabat din ni Prince " Baka naman dun tayo lahat kasi dun daw ang tambak na gawa " sabi ni Gie " Oo nga! Sana wag na tayo ipunta sa iba't ibang department " saad ni Wilma Si Lisa ay nakikinig lang sa kanila. Ayaw nya na makipagdiskusyon sa kanila kung saan sila ililipat. Basta go nlng sya dahil wala nang choice. Pagdating nila sa training room ay sinabi na agad ng trainor na sa isang area lang sila lahat mapupunta. Doon nga sa katapat ng area nila. At buong araw nga sila nagstay sa doon. Bago mag uwian ay inilibot muna sila sa area kung saan sila mapupunta. Nagkataon naman na si Edward ay nagbreak kya hindi nya nakita ang mga pumunta sa area nila. Pagbalik nya nga ay agad ibinalita aa kanya ni Vince na may mga pumunta doon at l doon na sila simula bukas. " Pare alam mo ba na may mga ililipat dito sa atin. "pagsalubong ni Vince kay Edward " Ah oo alam ko. Narinig ko kasi nung pinag uusapan nung taga kabila ang tungkol dun. " sagot ni Edward "At? " tanong ni Vince " Yun lang! Yun lang ang narinig ko eh " sagot ni Edward " Pare magugulat ka kung sino ang kasama na nailipat. At magsisimula na sila dito bukas. Whoa! " excited na sabi ni Vince. " Sino? May crush ka ba dun sa kabila? Whoa! Teka. Wag mong sabihin na.. " hindi na tinapos ni Edward ang sasabihin dahil sa nakitang reaksyon ng mukha ni Vince. Nakangisi na patango tango si Vince kay Edward " Talaga pare? " excited at tuwang tuwa na tanong ni Edward " Oo pre'! Sayang nga at wala ka dito nung dumating sila eh. Edi sana natulala ka sa makikita mo. Hahahaha. " Natatawang pahayag ni Vince " Sa wakas pre' abot kamay ko na ang pinapangarap kong babae. Ang babaeng nakalaan para sakin "nakangiting sabi ni Edward " Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo? May asawa na yun. Akala ko naman simpleng crush lang yung nararamdaman mo. Pre' itigil mo na yang ilusyon mo at wala naman yang pupuntahan. " pagsita sa kanya ni Vince " Malay mo naman may puntahan di ba? wala namn siguro mawawala kung susubukan di ba? " seryosong sagot ni Edward " Bahala ka pre' basta ako sinabihan na kita huh. Mabibigo ka lang. At isa pa, sa torpe mong yan..Sigurado di mo magagawa. Malakas lng ang loob mo pag wala. Pero pag nandyan na tumitiklop naman yang tuhod mo. " sagot sa kanya ni Vince Pag dating sa bahay ay hindi mapakali si Edward. Nag iisip sya kung paano makikipagkilala kay Lisa bukas. Kung paano nya ito lalapitan. Kung suplada ba ito. Sa totoo lang kinakabahan sya at kinikilig. Iniisip pa lang nya na makakadaubang palad nya si Lisa ay hindi na sya mapalagay. Hanggang sa makatulugan na lang nya ang isiping iyon. Kinabukasan ay maagang pumasok si Edward. Masasabi mo talagang pinaghandaan nya ang araw na ito dahil pumorma talaga sya at nagpabango ng husto. Halos maya't maya ang spray nya ng pabango. Alas 8 ng pumasok sa area ang mga nilipat na empleyado. Halos lahat sila ay madaldal maliban kay Lisa na di masyado nagsasalita. Kung hindi tatanungin ay hindi iimik. Na. awkward tuloy si Edward na kausapin si Lisa. Kaya natapos ang buong araw na hindi sila nakakapag usap. Lahat ng pinraktis ni Edward sa bahay ay hindi niya nagawa " Ano pare nasaan na yung sinasabi mo kahapon na gagawin mo ang lahat mapalapit lang sa kanya? " chat sa kanya ni Vince " Ang tahimik nya kasi pre' , kaya di ako nakabwelo. Pero marami pa naman akong pagkakataon na kausapin sya kaya ok lang. Di ako magmamadali para sure ball. " reply ni Edward "Asus! Ang sabihin mo, natorpe ka na naman. Puro ka salita kulang sa gawa. Hahahaha. " reply ulet ni Vince "Relax ka lang pre' humahanap lang ako ng tamamng timing. Oo natotorpe ako sa kanya pero lalakasan ko ang loob ko. "sagot ni Edward Desidido na si Edward. Gagawin nya ang lahat makuha lang ang atensyon bi Lisa. " Ahmm! Hi! Ako nga pala c Christian. Sabi ni ate Tin ako daw ang magtuturo sayo. Ano pala pangalan mo? " " Hi din! Ako pala si Lisa. Ahhh ganun ba. Cge turuan mo na ako kasi na curious ako sa ginagawpa nyo dito eh. " sagot ni Lisa " Naku basic lang to sayo sigurado. Tara na at dun ako nakapwesto " aya ni Christian " Sige tara na! " pagsang ayon ni Lisa Nakatanaw naman sina Edward at Vince sa dalawang paalis. " Pano yan pare mukhang mauunahan ka pa ata ni Christian dumiskarte kay Lisa ahh. Halatang nagpapacute si loko eh " komento ni Vince. " Gagawa ako bukas ng paraan para ako naman ang magturo kay Lisa. "seryosong saad ni Edward " Ayan na naman po sya sa puro salita. Pare ito payong kaibigan lang huh. Tigilan mo na yang puro salita. Kilos aba! HHindi naman sa kinukunsinte kita nuh pero kung di na kita kayang pigilan sa kahibangan mo na yan. Edi suportahan nalang kita. " pahayag ni Vince " Salamat pare! The best ka talaga. Pero ano ba ang maganda kong gawin para mapansin nya ako? Sa tingin mo? " tanong ni Edward " Try mo kaya kumain ng apoy? Oh di kaya naman maglupasay ka dito. Sigurado mapapansin ka nun. Hahaha. Pero kidding aside, mas maganda kung hayaan mong kusa yung magiging pagkakilala nyo. Para nang sa ganun walang sablay. Kung baga sa kasabihan pa. Hayaan mong tadhana ang gumawa ng paraan para kayo'y pagtagpuin. " saad ni Vince na may paglahad at pagkumpas pa ng mga kamay " Ang iniisip ko lang pare baka maunahan pa ako. Mahirap na. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Yung tipong gagawin ang lahat. " sagot ni Edward " Pre' matagal ka nang naunahan. Nakalimutan mo na naman ba. Ikaw lang naman ata ang binata na gustong maging jowa ang may asawa na. " komento ni Vince " Nung una pare pinipigilan ko naman eh. Pero habang tumatagal lalong lumalalim ung pagtingin ko sa kanya eh. Ewan ko nga din sa sarili ko kung bakit sya kaso eto kasi eh " sabay turo sa puso. " Ayaw magpapigil. Sya daw talaga ang gusto. Nung araw na sinabi mo sa akin na may asawa na sya. Pinilit ko naman iwaksi yung nararamdaman ko. Kaso pag nakikita ko sya. Sobra yung saya ng puso ko. Pinapagalitan ko nga 'tong tangang pusong to na wag na lang si Lisa kaso ayaw makinig eh. " tugon ni Edward " Basta pre' wag kang masyadong umasa. May asawa na nga diba? "sagot ulet ni Vince " Oo nga alam ko na nga! Paulit ulet? May asawa na, may asawa na, may asawa na. Kaso wala eh mahal ko na " seryosong sagot naman ni Edward Paaulyap sulyap lang si Edward kung saan nakapwesto sina Lisa at Christian. Di nya mapigilang mainggit sa lalaki lalo na at ang pinapangarap nya ay nakikipagtawanan ngayon sa ibang lalaki. Lalo tuloy syang naiinlove kay Lisa dahil napakaganda nitong ngumiti. Ini.imagine nya tuloy na sya ang kausap ni Lisa at ang katawanan nito. Dahil sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Edward na mapangiti. Sakto naman ang pagdaan ni ate Tin kaya nakita nito na ngingiti ngiti sya. " Hoy! Anong nginingiti ngiti mo dyan? " pagulat na tanong ni ate Tin sabay tingin kung saan nakatingin si Edward " Huh??!? Ahh Wa- wala ahhh May naalala lng akong nakakatawa ". nauutal na sagot ni Edward sabay iwas ng tingin kina Lisa at Christian " Sus! May naalala. Ang sabihin mo kinikilig ka dun sa dalawa." sagot ni Tin sabay tingin kina Lisa at Christian. " Bakit ako kikiligin eh hindi naman sila bagay. " pagalit na sagot kay ate Tin. Ngunit naisip nya na baka magtaka ito kaya agad nya din to binawi. " At tsaka may asawa na daw ata ung babae. " dagdag niya na kunwari ay di kilala si Lisa " Oo nga may asawa na yan. Kaso wala pa daw anak. Antagal na nilang mag asawa pero di pa nabubuntis " kwento ni ate Tin " Baka naman ayaw pa nung babae kaya ganun. Chaka- " di natuloy ni Edward ang sasabihin dahil ang nasa isip nya ay " chaka ok lng naman na di pa sya mabuntis dahil di naman kabawasan yun sa kagandahan nya at pagkabaliw ko sa kanya eh " ang nsa isip ni Edward " Tsaka ano?? " tanong ni ate Tin " Tsaka.... mukha namang bata pa ung babae eh. Baka focus muna sila sa work. " sagot ni Edward " Ewan ko lang din. Baka ganun nga. "sagot ni ate Tin " Aaayyy nga pala ate Tin. Ano pala pangalan nun? " sabay tingin ka Lisa. "Hindi ko pa kasi sya kilala. Pakilala mo nga ako. " medyo kinakabahan na sabi ni Edward dahil baka mahalata sya ni ate Tin " Ahhhh hindi mo pa pala sya nakikilala? Sige wait lang at tatawagin ko. Ikaw na din magtrain sa kanya bukas kasi wala si Christian. Para di na ko mahirapan maghanap ng magte train sa kanya. " sabi ni ate Tin Tinawag nya nga si Lisa at lumapit naman ito. " Lisa sya ang magte train sayo bukas " sabi ni ate Tin " Bakit si Christian po? " tanong ni Lisa " Ahh si Christian wala kasi sya bukas kaya sya muna ang magte train sayo. Sya nga pala si Edward. At Edward sya naman si Lisa. Galing jan sa kabilang department " pagpapakilala ni ate Tin " Hi! Edward pala " matipid na bati ni Edward sabay lahad ng kamay " Lisa " nakangiting tugon ni Lisa " Oohh paano maiwan ko na kayo. Edward bumalik ka na sa trabaho mo. Lisa ikaw din. Basta bukas hanapin mo na lang si Edward huh. " sabi ni ate Tin habang papaalis " Sige po ate Tin. Sige Edward balik na sin ako dun " pagpapaalam ni Lisa sabay tingin sa pwesto ni Christian. " Sige bukas na lang. " ngiting ngiti na pagpapaalam ni Edward kay Lisa Di na napigilan ni Edward na halikan ang kanyang kamay. Kangusing lumapit sa kanya ai Vince. " Uuuyyyy!! Mukhang naka jackpot ka pare ah. May pahalik halik ka pa sa kamay mo huh. Wag mong sabihin na hindi mo yan babasain?? " natatawang sabi ni Vince " Parang ganun na nga pare hahahahah " natatawa ding sagot ni Edward " Baka naman mautal ka bukas huh? Gusto mo gawan kita ng script?? Para may babasahin ka pag nawala ka sa sarili mo hahahah. " pang aasar ni Vince " Sira ka talaga. Syempre paghahandaan ko na talaga yun. Binigyan na ako ng chance ng universe, sasayangin ko pa ba? Ito na yung hinihiling kong pagkakataon. Sana this time may makita akong resulta. Basta gagalingan ko talaga. Sisikapin kong kahit paano makuha ko o mapalapit ang loob nya sakin. Yun bang magiging palagay na yung loob nya at di na sya maiilang. " mahabang sagot ni Edward " Goodluck sayo pare. Magawa mo sana yang mga iniisip mo at hindi puro hanggang sa isip lang " nakangising sabi ni Vince " Baka may alam ka dyan na malupitang pick up line pre. Share naman dyan para mabanatan agad. " nakatawang sabi ni Edward " Edi nadiscourage agad yun sayo. Dapat swabeng usapan muna. Yung tipong saan ka nakatira, ilang taon kana, my asawa ka na ba, ilang taon kana dito. Mga tipong ganun muna. Getting to know ika nga. Tapos banatan mo ng pwede ba makuha number mo hahahaha!! " natatawang sabi ni Vince " Ganun ba. Sge susunduin ko yang sinabi mo. Swabeng usapan muna. Eh teka ano kayang magandang isuot para bukas " tanong ni Edward " Nakiu wag mong sabihin na magbabarong ka bukas pre!! Wag na wag!! Nakakahiya!! Itatakwil kita bilang kaibigan ko. " kunwaring nandidiring sabi ni Vince " Sira ka talaga!! Bumalik na nga tayo sa trabaho pra maaga tayong matapos. " natatawang sabi ni Edward
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD