DAHAN-DAHANG nilapitan ni Jiron si Micaya. Nagtataka siya sa biglang pagsugod nito sa kaniya. Muntik na namang mabuhay ang init niya sa katawan dahil sa mapusok na paghalik nito sa kaniya. Nagparamdam na naman ang alaga niyang nakatago sa roba niya. Hindi niya maintindihan kung bakit napaluha na lamang ito. "Bakit, Mica? May problema ba?" nag-alalang tanong niya rito. Titig na titig ito sa mga mata niya. May pinipigilang damdamin na hindi niya alam kung galit ba ito o hindi. Naramdaman niyang may sakit sa bawat patak ng mga luha nito. Yayakapin na sana niya ito ngunit unang lumagapak ang palad nito sa pisngi niya. Napagitla siya dahil wala siyang maisip na ginawa niya upang masaktan ito. "A-Ano bang kasalanan ko?" mahinahong untag niya rito. "Malaki!" Gigil ang boses nito. "Ang la

